(A/N: Yahaluuu! This chapter contains a 3rd person's POV. Thank you!)
"Nasaan na ang iba n'yong kasama?" Tanong ng isang baranggay officials. 10 mins na kaming nandito habang paulit-ulit na tinatanong tungkol kina Bon.
"Hindi naman namin kasama iyon,"
"Kilala namin sila kaso wala naman kaming pakialam du'n,"
Paulit-ulit lang rin ang sagot namin sa kanila. Wala ng nagawa ang mga kagawad na iyon kung hindi mapa-iling nalang. Sa pagkaka-alala ko, halos 10 times na nila itong natanong sa amin.
"Umalis na nga kayo," Umiiling-iling na sabi ng isa sa kanila. "Mga bata talaga," Dagdag pa ng isa sa kanila.
Habang naglalakad palayo sa baranggay ay hindi namin mapigilang matawa. Hindi ito ang unang beses na nahuli kami ng mga baranggay tanod. Feeling ko nga ay kilala na nila kami, ayaw lang nila sabihin.
"Saan tayo ngayon?" nagkibit-balikat ako sa tanong ni Jet. Pasimple ko namang nilingon si Avery. Kanina pa kase siya tahimik. Malamang na iniisip n'yang bad influence kami sa kaniya. Hindi ko siya masisisi kung iyon ang iniisip niya tungkol sa amin.
"Tara kain tayo ng tusok-tusok," Singit ni Jet.
"Tusok-tusok?" Agad na tanong ni Avery. Okay. Nakikinig naman pala s'ya. Akala ko malalim ang iniisip n'ya.
"Tusok-tusok. Mga fishbol ganon." Sagot sa kaniya ni Jet. Dahan-dahang tumango si Avery. Don't tell me hindi pa s'ya nakakakain nu'n.
"Hey Avery, nakatry ka na ba ng tusok-tusok?" Tanong ko sa kaniya. Natigilan siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Isang mahiyaing ngiti ang ibinigay niya sa akin. Mula sa mga ngiti na iyon, alam ko na ang sagot.
***
"Grabe ang sarap nitong sawsawan. Oishī (Delicious)!" Napatingin kay Avery ang ilang mga estudyante dito sa isang high school kung saan kami kumakain ng tusok-tusok. 'Yung huli n'yang sinabi, pakiramdam ko naiintindihan ko 'yun. Malamang na nasarapan s'ya sa sawsawan.
"Eto sa akin manong," Wika ni Theo.
Natapos ang uong oras na halos iyon lang ang kinain namin. Sa tingin ko nga kami ang nakaubos ng tinda ni Manong. Syempre, libre iyon ni Theo. Sa aming lahat, s'ya ang madalas na maraming pera. Hindi ko alam kung saan n'ya nakukuha ang mga pera n'ya. Pero dahil sa nature of jobs na meron kami, malamang na gaya din ng sa akin.
"Oo nga pala, baka hindi muna ako makatambay sa hideout natin." Bulalas ni Theo. Pauwi na kami sa kaniya-kaniya naming bahay. Agad rin akong napahinto ng saihin iyon ni Theo.
"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong ni Frank. Dahan-Dahang humarap sa amin si Theo. Seryoso ang mukha nito ngunit kalaunan ay ngumiti lang din siya.
"May bibisitahin lang akong importanteng tao," Wika niya. Nagkatinginan tuloy kaming apat dahil sa sinabi n'ya. Oo nga pala! Wala pa akong nalalaman tungkol sa kaniya. Ni-hindi pa nga namin nakita ang mga magulang n'ya.
"Okay lang sa amin," wika ni Ash.
"Malulungkot si Ellis n'yan," Wika naman ni Jet na may kasama pang mapang-asar na tawa. Kokonyatan ko 'to, e.
"Hindi rin naman magtatagal 'yun. Baka mga one week." Tumango-tango kaming apat. Marami akong gustong itanong kay Theo ngayon, ngunit mukhang wala ata sa mood si Theo.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kanto namin. Kami ni Avery ang unang hihiwalay sa kanila kaya naman mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko nga alam kung kaba ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Dahil sa mga nangyayare sa akin nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko hindi na mawawala ang kaba.
"Nandito na pala tayo sa kanto n'yo, sige Ellis. Bukas ulit." Wika ni Frank. Kumaway ako sa kanila habang nakangiti. Tang*na! Bakit ba ako kumakaway dito?
Mabilis pa sa kidlat na ibinaba ko ang kamay ko. Nahuli ko pang tumatawa si Ash na parang tanga. Si Avery naman ay tahimik lang sa tabi ko ko. Malamang na iniisip nito na mukha akong tanga dito.
"Theo..." Napalingon ako kay Avery dahil sa sinabi n'ya. Kahit mahina lang ito, rinig ko pa rin ng malinaw kung ano ang sinabi n'ya.
"Bakit? Anong meron kay Theo?" Tanong ko. Nilingon n'ya lang ako at hindi nagsalita. Naglakad na s'ya papunta sa bahay ng hindi umiimik.
Ano kayang nangyare du'n? Minsan talaga may pagka-lutang itong babaeng ito e.
Third Person's POV (This POV appears when something happens beyond the perimeter of the main characters.)
"Nakakain lang ng fishbol, biglang nagkaganun na." Natatawang sambit ni Frank habang kumakain ng potato chips na binili niya sa nadaanang tindahan. Kasama niyang naglalakad sina Jet, Ash, at Theo na pare-parehong tahimik.
Binagtas nila ang daan papunta sa kani-kanilang kanto. Pare-pareho silang may kaniya-kaniyang malalim na iniisip.
Nang makarating sila sa kanto nila Theo ay agad na bumalik sa reyalidad ang apat. Kaniya-kaniya na silang nagpaalam kay Theo dahil ito ang sunod na hihiwalay sa kanila.
"Next time ulit. Mga next week." Wika ni Theo.
"Saan ka ba pupunta at mawawala ka?" Tanong ni Ash na may bahid ng kuryosidad. Dahil sa tanong niya, nagsimula na ring umusbong ang pagtataka sa isipan nila Jet at Frank.
"Oo nga Theo, masyado bang importante 'yan? Sama mo naman kami." - Frank
"Baka mamaya may girlriend kana pala, hindi mo sinasabi." Dahil sa birong iyon ni Jet, agad napa-isip ng nakakatuwa ngunit makamundong biro sina Frank at Ash.
"Ikaw, a! Hindi ka nagkukwento sa amin." Natatawang asar ni Frank. Napailing na lamang si Theo dahil sa sinasabi ng mga kaibigan.
"Mga gag*! Kapag ako nagkaroon ng girlriend, kayo ang unang makaka-alam." Wika niya. Tawanan ang bumalot sa kanilang apat bago tuluyang maghiwa-hiwalay ng landas.
Tahimik na naglakad papunta sa kaniyang apartment si Theo. Alas-otso palang ng gabi ngunit halos sarado na ang lahat ng pinto ng kaniyang mga kapitbahay. Wala na ring katao-tao sa eskenita nila. May iilan ring tahol ng aso ang sumalubong sa kaniya.
Pagpasok ni Theo sa loob ng kaniyang apartment ay malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Tahimik lamang siya habang hinuhubad ang suot na damit.
Hindi naman ganu'n kalaki ang kaniyang apartment. Tama lang para sa kaniya. Hindi rin naman siya naghahanap ng malaki dahil una sa lahat, hindi siya eksperto sa paglilinis.
Muling huminga ng malalim si Theo habang naglalakad papasok sa banyo. Init na init siya ngayon kaya naman naisipan niyang maligo upang mabawasan ang init. Ito ang palagi niyang ginagawa tuwing siya ay umuuwi galing sa labas.
Pagkaraan ng sampung minuto ay lumabas siya sa banyo suot-suot ang kaniyang boxer. Hindi problema kay Theo kung maghubad man siya sa loob ng bahay.
Isang tunog ng telepono ang bumasag sa katahimikan ng kaniyang apartment. Tila nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi.
"Hello?" Bungad niya. Sa huli, nanaig pa rin ang kuryosidad niya.
"It's me," Sagot sa kaniya ng nasa kabilang linya. Agad nakilala ni Theo kung sino ang kaniyang kausap. Hindi siya sumagot at inantay ang sasabihin ng kabila.
"Pumayag ang iyong ama, bukas ng alas-sais ay ipasusundo ka niya." Wika nito. Natigilan si Theo na para bang nakasagap ng hindi inaasahang mensahe. Naghahalo ang kaniyang emosyon at hindi niya alam kung ano sa sasabihin dito. Sa huli, namatay ang tawag ng hindi manlang siya nagsalita.
Pabagsak siya humiga sa kaniyang kama habang nakatulala sa kisame. Maraming emosyon, katanungan, at kung anu-ano pang bagay ang naglalaro sa kaniyang isipan.
***
Wala pang alas-sais ay nasa labas na si Theo. Tahimik siyang nakatayo sa gate ng kanila apartment habang inaantay ang magiging 'sundo' niya. Hindi naman nagtagal ay dumating ang isang itim na van. Sakto sa alas-sais.
Hindi na siya nagsalita at agad na pumasok duon. Sa loob, nakita niya ang tatlong men-in-black na naka-upo sa bawat sulok ng van.
"Excited?" Bungad ng lalaking naka-upo sa passenger seat.
"Not really," Sagot niya dito. Isang ngisi ang pinakawalan nito kay Theo. Hindi na lamang ito pinansin ang lalaking iyon at itinuon ang atensyon sa kalsada.
Ilang sandali ay napadaan sila sa dangwa. Natigilan sandali si Theo habang pinagmamasdan ang makukulay at magagandang mga bulaklak.
"Sandali," Bulalas niya. Napatingin sa kaniya ang lalaki sa passenger seat. May pagtatanong sa mata nito, ngunit ng makita ang mga bulaklak na tinda sa paligid ay tila naunawaan niya ang ibig ipahayag ng binata.
"Okay! Ngunit isa sa mga tauhan ko ang sasama sa iyo," Sambit nito kay Theo. Napa-irap na lamang si Theo dahil sa sinabi ng lalaki. As if naman na tatakas ako. Wika niya sa kaniyang isip.
Pagbaba ng van, bumungad sa kaniya ang maingay na dangwa. Hindi niya alam kung anong mayroon at maraming tao ngayon dito, ngunit hindi na niya inintindi ito at agad dumiretso sa isang tindahan ng bulaklak.
"Magandang umaga po," bati niya sa isang tindera na ang-aayos ng bulaklak duon. Nang mapansin siya nito ay agad siyang binigyan nito ng ngiti.
"Magandang umaga rin hijo, anong kailangan n'yo?"
"Magkano po dito sa bouquet ng rosas?" Turo niya sa magandang bouquet ng rosas na ka-lalagay lang.
"P499 ang halaga nito. Ito namang sa tulips ay P599." Ngumiting tumango si Theo at agad ibinigay ang pera para sa bouquet ng rosas. Pagkatapos ay agad na rin silang umalik sa van.
"Hindi halatang excited ka masyado, Theo." Pang-aasar ng lalaking naka-upo sa unahan. Hindi na lamang siya pinansin ni Theo at agad itinuon ang tingin sa bulaklak. Sa isip-isip n'ya, may punto naman ang lalaking iyon. Mukhang hindi n'ya talaga maitatago ang excitement na nararamdaman n'ya. Wakang pumapasok sa isipan ni Theo kung bakit bigla-bigla na lamang pumayag ang kaniyang ama. Malamang na nakukunsensya na ito, aniya sa kaniyang isipan.
Ilang oras ang itinagal nila sa loob ng sasakyan. Pumapasok na rin sa loob ng van ang sinag ng araw. Alas-otso na rin sila ng makarating sa isang gusali na mukhang ospital. Ito lamang ang tanging gusaling nakatayo sa gitna ng gubat.
Sa likod ng gusaling ito makikita ang isang bangin kung saan tanaw ang malawak na karagatan. Sa labas palang ng gusali ay may iilan ng mga nurse at ilang pasyente ang naglalakad papasok at palabas dito.
"Good morning, Sir." Bati ng isang guwardiya na agad namukaan ang kanilang sasakyan. Hindi ito pinansin ng lalaking naka-upo sa passenger seat at sa halip, dumiretso ito sa loob. Hindi na rin nagsalita si Theo at sumunod na lamang dito.
"Good morning, Sir. How may I help you?" Agad ipinakita ng lalaki ang kaniyang I.D. na agad nakilala ng nurse sa bumungad sa kanila.
"This way sir,"
Tahimik na sumunod si Theo. Mahigpit ang hawak niya sa isang bouquet ng rosas na binili niya kanina. Pinagmamasdan n'ya ang mga nakakasalubong niyang nurse na may mga kasamang pasyente.
Hindi maipinta ang mukha ni Theo habang lumalagpas sa kaniya ang itsura ng mga pasyenteng iyon. Tila mga miserable ang mga buhay nito sa loob ng gusaling iyon. Isang malungkot na ideya ang pumasok sa isipan ni Theo habang iniisip ang bagay na iyon.
"Nandito na po tayo," Bulalas ng nurse sabay turo sa isang pinto. May nakaukit sa taas ng pintong iyon na '567'. Sa isip-isip ni Theo ay malamang na ito ang bilang ng kwarto na kinaroroonan ng tao na kanilang sadya.
"Mag-iintay na lamang kami rito," Wika ng lalaki kay Theo. Tumango siya at saka huminga ng malalim. Hawak na niya ang doorknob ngunit hindi niya alam kung kailan niya ito bubuksan. Hindi niya alam ang tamang tyempo. Sa kabilang kamay ay mahigpit ang hawak niya sa bouquet ng rosas.
Sa huli, nagawa n'ya ring buksan ang pinto. Bago tuluyang pumasok, humarap si Theo sa lalaki.
"Arigatō, Will. (Thank you)" Wika ni Theo saka tuluyang pumasok sa loob ng kwartong iyon.
Tahimik at madilim na kwarto ang sumalubong kay Theo. Kahit na sumisikat na ang araw at pumapasok ang sinag nito sa bintana ng kwarto, para kay Theo, madilim pa rin. Pakiramdam ni Theo ay punong-puno ng kakaibang emosyon ang kwartong ito.
Naglakad siya papunta sa bintana upang buksan ito ng tuluyan. Tuluyan na ring pumasok ang liwanag sa loob ng kwarto. Nasa tapat nila ngayon ang malawak na karagatan. Tila nagsasayawan naman ang mga kurtina dahil sa simoy ng hangin.
"Ogenkidesuka? (How are you?)" Panimula niya. Pinakikiramdaman ni Theo ang taong tahimik na nakaupo sa kama. Inayos na rin ni Theo ang bulaklak na binili niya.
"Anata wa koko de nani o shite iru no? (What are you doing here?)" Mahinang bulalas ng babae. Huminga ng malalim si Theo at saka ito hinarap. Hindi niya maiwasang mapakagat-labi habang pinagmamasdan ang kalagayan ng babaeng pinakamamahal niya.
"Kare wa watashi ni anata o tazune sasete kuremashita. (He let me visit you.)" Tugon ng binata. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng babae. Hindi na rin umimik si Theo. Ang nasa isipan n'ya lang ay ang kalagayan ng babae.
Dahan-dahang tumayo ang babae mula sa kama at saka lumapit kay Theo. Nanatiling nakatayo si Theo habang nakayuko, pinipigilang pumatak ang mga luha. Hindi niya nais ipakita sa babaeng ito na umiiyak siya.
"Ang laki mo na," Wika ng babae kay Theo. Kasabay nito ang pagyakap niya sa binata. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luha na sinalo naman ng balikat ng babae.
"Shhh! It's okay." Wika ng babae.
Napuno ng emosyon ni Theo ang buong kwarto. Naghahalo ang mga ito sa puso ni Theo ngunit, ang tanging nangingibabaw ay ang saya sa kaniyang puso.
"Tadaima, Mama. (I'm home)"
***
Ps. Na-touch ka ba? Unti-unti na nating makikilala si Theoman Garido. Read more!