Ellis' POV (We are back again to Ellis' narration. As you can see, the latest chapter contains different POVs to take a little glimpse of Theoman.)
Tatlong araw ang nakalipas, ngunit wala pa rin si Theo. Saan kaya nagpunta ang taong iyon? Ano kayang ginagawa nu'n?
Kasalukuyan kaming nasa hideout. Pare-pareho kaming naka-upo sa kaniya-kaniya naming soa. Pare-pareho rin kaming walang magawa sa buhay. Bakit ba kase nagpunta pa ang mga tolonggos na ito dito?
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Jet sa akin. Napa-iling nalang ako sa kaniya. Iba pala talaga kapag nandito si Theo.
"Ano nang gagawin natin?" - Ash
"Makipag-away kaya ulit tayo kina Bon?" Sambit ni Frank. Agad ko siyang binato ng tsinelas.
"Siraulo! Wala ka talagang kasawa-sawa, no?" Tanong ko sa kaniya. Binato lang ulit ni Frank sa akin pabalik yung tsinelas ko.
Muli nanaman kaming natahimik. Pati rin si Avery wala ngayon. Nagpaalam siya sa amin kaninang umaga na may pupuntahan daw siya. Malakas talaga kutob ko na tungkol ito sa papa n'ya. Ang kulit talaga ng babaeng iyon.
"Tara sa plaza, dating gawi." Wika ni Ash. Tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago sumunod sa kaniya. Siraulong tao 'to! Ako ang leader dito, bakit nangunguna s'ya sa paglakad?
Pagdating namin sa plaza, maraming tao ngayon. Ano kayang araw ngayon?
"Target lock!" Wika ni Jet. Kasabay nu'n ay bigla nalang nawala sa paningin ko ang tatlong 'yun. Sunod ko na lamang silang nakita may mga kaniya-kaniya ng target. I think I should find my own target too.
Nagsimula na akong maglakad papalapit sa isang lalaking naka-jacket. Kalalagay n'ya lang ng wallet n'ya sa kaniyang jacket. Mabilis talaga ang mata ko sa mga ganito.
Nang makalapit na ako sa lalaki ay sakto siyang naglakad paharap sa akin. Dahil duon, nagkabungguan kami. Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi na ako mahihirapang banggain s'ya.
"Sorry," Sambit ko at saka nagmadaling naglakad papalayo habang mahigpit na hawak ang wallet ng lalaki.
Ayos!
Agad akong nagpunta sa maliit na eskinita sa hindi kalayuan. Duon ay agad kong binuksan ang wallet. May iilang mga perang papel at barya duon. May mga naka-ipit rin credit cards duon at ilang mga papel na nakatupi.
Ganito ang normal na buhay naming lima. Bukod sa palaging nakikipag-away kina Bon, madalas rin kami sa plaza para mag-pickpocket mula sa mga taong nakakasalubong namin. Syempre sanay na kami kaya madali na lamang sa amin ang mga ganitong bagay.
Hindi naman kami talaga well-trained. Natutunan lang rin namin ito sa mga nauna sa amin.
Agad ko nang tinawagan ang tatlo. Pagkatapos ay saka na kami nagkita-kita lahat.
"Naks! Tiba-tiba si Ellis, a." Wika ni Jet. Isang nakaka-asar na ngiti ang binigay ko sa kanila.
"Syempre, malakas 'to, e." Sambit ko.
Minsan pinaghahatian namin ang mga nakukuha namin. Minsan naman ay ibinibili namin ng mga pagkain para sa mga batang lansangan. Maraming bata ang palaboy dito sa Manila. Hindi ko alam kung paano sila napunta sa ganu'ng sitwasyon. Malamang na iniwan sila ng sarili nilang pamilya o kaya naman mga sumusubok maranasan ang buhay-maynila.
Hindi ko maintindihan kung bakit maraming gustong magpunta dito. Wala namang maganda dito. Kung ako papipiliin, mas gusto ko pang umuwi kami sa probinsya.
"Tara na, dating gawi sa mga natira." Sambit ko. Ngumiti lang sa akin ang tatlong ito.
***
"Hindi manlang natin nakita si Avery at Theo. Kelan kaya babalik si Theo?" bulalas ni Ash habang sabay-sabay kaming naglalakad pauwi. Maski ako ay hindi ko rin alam kung nasaan sila, lalo na si Avery.
"Wala bang nasabi sayo si Avery?" Tanong sa akin ni Jet. Umiling ako. Ang sinabi n'ya lang naman sa akin kanina ay, "May pupuntahan lang ako," Tapos saka na siya nagmadaling umalis. Hindi pa nga ata kumakain 'yun.
"Oh s'ya, dito na kami Ellis. Bukas nalang." Wika ni Frank. Napalingon ako sa paligid. Nandito na pala kami sa kanto namin. Hindi ko namalayan.
"Sige,"
Alas-syete nang gabi ngunit may mga bata pa rin sa lansangan. May pangilan-ngilan ring nakatambay pa at ang iba ay nag-iinuman. Kaliwa't kanan nanaman ang videoke. Kitang-kita rin sa paligid ang usok na nagmumula sa mga nagtitinda ng isaw.
Hindi ko ba alam kung pagod ang katawan ko o yung utak ko mismo. Pakiramdam ko hindi ako komportable. Hindi ko rin maintindihan kung saan. Nababaliw na yata ako.
Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang bahay namin. May nagv-videoke nanaman sa katabi naming bahay.
Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong-hininga dahil hindi nanaman ako makakatulog ng maayos mamaya.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay ng mapahinto ako dahil sa isang kamay na humawak sa braso ko. Agad kong nilingon kung sino ito.
Si Avery!
Kitang-kita ko ang pagod sa kaniyang mukha. Hingal na hingal rin siya na mukhang galing sa takbuhan. Tingnan mo talaga 'to. Mukhang may ginawa nanaman ang babaeng 'to.
"Avery? Bakit ganyan ang itsura mo?"
"Ellis, there is something you need to know." Biglang gumapang ang kaba sa katawan ko. Ano bang nangyayare?
Agad akong hinila ni Avery palayo sa bahay. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Ganu'n din ang lamig ng mga ito. Hindi ko alam kung saan n'ya ako dadalhin. Mukha s'yang natataranta na ewan.
Mabilis kong hinila ang braso ko mula sa kaniya. Nagulat siya dahil sa ginawa ko kaya humarap siya sa akin.
"Ano bang nangyayare Avery?" Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mata. Napa-iling nalang ako. Eto nanaman kami. Pipilitin ko nanaman s'yang magsai sa akin. Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala?
"Tell me, what is it this time?" Seryoso kong tanong sa kaniya.
"Your dad," Natigilan ako sandali dahil sa sinabi n'ya. Anong meron kay papa?
"What's wrong?"
"Hawak s'ya ni Dad," pagkarinig ko ng sinabi n'ya ay tila nagkaroon ng sariling utak ang mga paa ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay. Pagpasok ko ay naabutan ko si mama na nakayuko habang naka-upo sa sofa. Tumingin s'ya sa akin ng makita ako. Kitang-kita ko ang pamumugto ng mata nito.
"K-Keith," Unang salita na sinabi ni mama. Hindi ko nagawang makapagsalita. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba kay mama kung nasaan si papa o hindi.
"Kuya saan ka ba galing?" Wika ni Che-che na kabababa lang ng hagdan. Namumugto na rin ang mata nito na halatang umiyak.
"A-Anong nangyare?" Hindi ko alam kung bakit natanong ko ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong magpanggap na walang alam.
"Si papa mo, dinampot daw ng mga hindi kilalang lalaki kanina." Sagot ni mama. Napatingin ako kay Avery na nasa likuran ko.
"Tumawag sa akin si ninong Jamie mo kanina, isinakay daw s'ya sa itim na van." Nagkatitigan kami ni Avery. Gusto kong makita ang reaksyon n'ya habang pinakikinggan ang sinasabi ni Mama ngunit, hindi ko nakita ang pagkabigla sa kaniya. Kung sabagay, alam na nga pala n'ya.
"Anong gagawin natin Keith?" Muli nanamang umiyak si Mama. Agad ko siyang nilapitan at saka niyakap. Kahit ang ingay-ingay sa labas, pakiramdam namin ay napakatahimik. Tanging kalungkutan at iyakan lang ang namamayani sa loob ng bahay.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Pakiramdam ko kasalanan ko ito. Una palang, alam kong may mali na. Una palang nuong sinabi ng taong iyon kung saan nagta-trabaho si papa, alam kong may hindi magandang mangyayare.
Kasalanan ko kung bakit nadamay si papa.
Humiwalay ako ng pagkakayakap kay mama. Hinarap ko siya habang pinupunasan ang luha sa mata ni mama.
"Kailangan nating humingi ng tulong sa mga pulis," Sambit ko.
"Ellis," Napalingon ako kay Avery ng marinig ko siya. Tiningnan ko lamang siya at hindi nagsalita.
"Sinabi ko na sa mga pulis kanina. Tatawagan na lang daw nila tayo." Sagot ni Mama. Huminga ako ng malalim. I guess I don't have a choice.
"Ako ng bahala. Magpahinga na po kayo. Pupunta lang po ako sa station." Wika ko. Sinenyasan ko si Che-che na asikasuhin si mama. Mabuti na lamang at naintindihan niya agad ang sinabi ko.
Inantay ko munang maka-akyat sila Mama sa taas bago ako lumabas. Naramdaman kong nakasunod sa akin si Avery.
"Pupunta ka talaga sa police station?" Tanong n'ya. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ako titigil ngayong gabi hangga't hindi nakakauwi sa bahay si papa.
***
"Sabihan na lang kita agad, Ellis." Wika ni Alianna. Nginitian ko siya dahil sa sinabi n'ya. At least kahit papaano ay alam kong may tutulong sa amin.
"Salamat,"
"Nga pala, sabihin mo rin sa akin kung may malalaman ka. Para mapabilis 'yung aksyon." Sambit ulit niya. Napatingin ulit ako kay Avery na tahimik lang sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong iniisip n'ya ngayon.
"Salamat ulit," Wika ko. Tinginan lang ako ni Alianna ng may pag-aalala.
"Malalagpasan mo rin ito, kaya mo 'yan." Wika ulit niya. Tumango lang ako. Pagkatapos ay tumalikod na rin agad ako at naglakad palayo sa kanila.
Hindi ko na aantayin ang mga pulis. Ako na mismo ang maghahanap kay papa. Kahit sa anong paraan pa iyan.
"Ellis, wait."
"Avery, nasaan si papa?" Diretsa kong tanong sa kaniya. Natigilan si Avery at tiningnan ako sa mata. Seryoso ko siyang tinitigan pabalik.
"Are you sure you are doing it alone?" Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Alone? I thought you want to take down your father? Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit ka lumapit sa akin?" Hindi agad nakasagot si Avery. Inantay ko siyang magsalita ngunit nanatili lang siyang tahimik.
"Kung hindi ka mag-sasalita, aalis na ako." Agad ko siyang nilagpasan.
"Ellis hindi mo kaya si Dad." Muli akong huminto sa paglalakad at humarap sa kaniya. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi n'ya.
"Hindi kaya? Kaya nga humingi ka ng tulong sa akin, di'ba? Ngayon, ano pang hinihintay natin? Wala ka naman sigurong balak na patagalin ito, di'ba?" Hindi nanaman siya nakapagsalita. Dati ang ingay-ingay n'ya ngayon para s'yang naputulan ng dila. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.
Napailing nalang ako at nagsimula ng maglakad. Kung hindi n'ya ako tutulungan, ako na mismong maghahanap kay papa.
"Ellis, are you sure about it?" Nakakailang hakbang pa lang ako ngunit rinig na rinig ko pa rin ang boses ni Avery. Nilingon ko siya na kasalukuyang nakatayo parin duon. "Are you still sure about helping me?" Dagdag n'ya pa.
Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa katawan ko. Kahit madilim na ang paligid, maliwanag ko pa ring nakikita ang mukha ni Avery. Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Kahit na maririnig mo ang tunog ng mga sasakyan, mga aso't pusa, at mga taong naglalakad, para bang nabingi ako ng ilang segundo.
Dahan-dahan akong lumapit papunta sa kaniya. Nanatili lang si Avery na nakatayo habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko rin magawang alisin ang aking mata sa kaniya.
Pagdating ko sa tapat niya at saka ko hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Una palang sigurado na ako, Avery." Nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita ko iyon sa mga mata n'ya. "Una palang seryoso na ako," Dagdag ko. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa balikat niya.
Hindi siya nakasagot. Hindi ko alam kung ano iniisip niya ngayon ngunit wala siyang sinabi. Tahimik lang s'ya.
Maraming beses akong nag-doubt. Maraming beses akong katanungan. Maraming beses akong naguluhan tungkol sa kaniya. Ngunit, ngayon ay sigurado na ako. Alam ko ang pinapasok ko. Sisiguraduhin kong mai-uuwi ko si papa.
Agad ko na ring binitiwan si Avery. Nakita kong nakayuko siya at tila may iniisip. Ang kailangan ko lang ngayon ay malaman kung nasaan si papa. Malakas ang kutob ko na alam ni Avery iyon.
"Let's go Aver---"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Agad akong napahawak duon dahil sa sobrang sakit. Tiningnan ko si Avery ng may pagtataka. Ano nanaman bang problema nito?
"Uso-tsuki! (Liar)" Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko ito maintindihan. Ano bang problema nito? Pag-iisipin nanaman niya ako sa sinabi n'ya.
"Anata wa usotsukidesu! (You are a liar)" Muli nanaman niyang sinabi at saka tumakbo. Naiwan akong punong-puno ng katanungan sa isipan ko. Ano ba 'yung sinabi n'ya? Ano nanaman bang nagawa kong mali? Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.
Napakamot na lamang ako sa aking batok. Ito ang ayoko sa babaeng 'yun, e. Kung anu-ano sinasabi tapos hindi ko pa maintindihan. Base sa tono ng boses n'ya, alam kong galit s'ya. Ngunit saan?
Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa direksyon na tinahak ni Avery. Habang naglalakad ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi n'ya kanina.
Gayun pa man, hindi rin maalis sa utak ko kung saan ako magsisimula. Mahaba ang gabi kaya naman mahaba rin ang oras ko para hanapin at maiuwi si papa. Sisiguraduhin kong maiuuwi ko talaga s'ya. Pagkatapos ay gagawin na namin ang gusto ni Avery.
***
Ps. May tampuhan ang dalawang bida. Bakit kaya sinabihan ni Avery si Ellis ng sinungaling? Read more!