"Anong sabi mo? Kinidnap ang papa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ash. Kasalukuyan kaming nasa isang convenience store upang duon magkita-kita. Wala pa rin sila Jet at Frank ngayon.
"Pasensya na kung tinawag ko pa kayo ng ganitong oras," Sambit ko. Wala na akong matakbuhang iba. Sila lang ang maaring makatulong sa akin. Si Avery kase iniwan ako kanina pagkatapos akong sampalin.
"Walang anuman iyon. Para namang hindi tayo magkaibigan," Napatingin ako kay Ash. Tama ba ang naririnig ko? Bakit parang ang lambot ng tono ng boses n'ya.
"Salamat kaibigan," Wika ko saka siya hinawakan sa balikat. Tiningnan n'ya ako ng may pagtataka saka hinawi ang kamay sa balikat n'ya.
"Hoy, ano 'yung nakita namin?" Sabay kaming napalingon ni Ash kina Frank, Jet, at Avery. Hindi nakatingin sa akin si Avery at mukhang may kinikimkim paring sama ng loob mula sa hindi malamang dahilan. Huminga na lamang ako ng malalim at saka sila nilapitan.
"I need your help,"
"Sabihin mo muna sa amin kung ano 'yung nakita namin kanina?" Tila may pang-aasar sa boses ni Jet. Kung wala lang akong kailangan sa kanila ay baka nasapak ko na sila.
"Siraulo!"
***
Katahimikan ang bumalot sa amin habang nakaupo kami sa loob ng convenience store. Malapit ng maghatinggabi. Mabuti na lamang at 24/7 open ang store na ito.
"Ibili mo nga ako ng iced coffee," Narinig ko wika ni Frank.
"Tang*nang 'to! Ikaw na," sagot ni Jet.
"Damot," Pagkatapos ay nakasimangot na tumayo si Frank papunta sa pwesto ng mga beverages.
"Ano nang gagawin natin ngayon n'yan?" Tanong ni Ash sa akin. Binigyan ko lang siya ng malalim na buntong-hininga dahil maski ako ay wala rin akong maisip gawin. Sinulyapan ko si Avery na nakaupo sa tabi ni Ash. Tahimik lang siya na mukhang malalim ang iniisip. Teka nga--- paanong kasama nila si Avery?
"Ikaw Avery? May idea ka?" Natigilan ako sa tanong ni Ash. Napatingin na rin sa amin si Avery na mukhang kababalik lang sa reyalidad.
"Huh?"
"Siguro naman may idea ka kung nasaan ang tatay ni Ellis. First of all, sayo naman talaga nagsimula. Tila umurong ang dila ko dahil sa mga salitang binanggit ni Ash. Para bang nasapul siya ng diretso ang kalaban dahil sa mga sinabi n'ya.
"Hoy Ash!" Sumabat na rin si Jet na mukhang nakaramdam na rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako makapagsalita.
"Totoo naman, di'ba? Totoo naman, hindi ba Ellis?" Napatingin ako kay Ash. Gusto kong sumang-ayon sa kaniya ngunit hindi ko magawa. Una palang alam ko na may posibilidad na madalay ako o kahit na sino sa paligid ko. Una palang alam kong darating kahit na binigyan na ako ng hint ng tatay ni Avery.
"Ash tama na," iyon lamang ang nasabi ko sabay tingin kay Avery. Nakatingin siya sa akin na tila may sinasabi ngunit hindi ko maintindihan.
"Tsk!"
Muli nanaman kaming natahimik hanggang sa bumalik si Frank sa pwesto namin. Hindi na lang ako nagpahalata na nagkaroon ng tensyon kanina.
Naubos nanaman ang ilang minuto na wala kaming nagawa o wala manlang sa amin ang nagtangkang magsalita. Hindi rin ako makapag-isip ng maayos dahil iniisip ko si papa. Kung hindi kami agad kikilos ay baka may mangyare na sa kaniya.
"Alam ko kung nasaan ang tatay ni Ellis," Napalingon kaming lahat ng magsalita si Avery. Nanatili lang kaming nakatingin sa kaniya habang nag-aantay ng susunod na sasabihin. "Ituturo ko ang kinaroroonan nila, ngunit kailangang walang makakita sa inyo duon. Mahigpit ang security nila daddy."
"Saan? Saan iyon Avery?" Sa wakas ay nagawa ko na ring magsalita.
Matapos sabihin ni Avery sa amin kung saan ang lugar na iyon ay agad na kaming nagpunta duon. Kaagad kaming tumawag ng taxi upang sumakay. Mabuti na lang at may iilan paring tumatanggap kahit dis-oras nang gabi.
"Medyo malayo 'yun mga bata, may pambayad ba kayo?" Wika ng driver mula sa rear mirror.
"Syempre meron," Sagot ni Jet.
Naka-upo si Avery sa passenger seat habang kaming apat ay pilit pinagkakasya ang sarili sa likod. Kahit papaano ay kasya naman kami, iyon nga lang ay kailangan pa naming ikandong si Jet.
"Why do I have to be in this position?" Paulit-ulit na tanong ni Jet. Natatawa na lang kami dahil tila hindi niya nagugustuhan ang sitwasyon.
Kapag nakarating kami sa lugar na iyon, sisiguraduhin kong iuuwi ko si papa ng ligtas.
***
Bandang 12mn nang makarating kami sa isang gubat. Dito na kami ibinaba ng driver. Hindi na daw siya tutuloy pa dahil malayo na ito at mukhang mas mamamahalan pa kami. Sina Jet at Frank na ang nagbayad habang ako ay nagmamasid sa paligid.
Wala naman akong nasense na iba sa paligid. Orinaryong gubat lang ito para sa akin at wala namang kakaiba gaya ng mga men-in-black sa paligid.
"Are you sure this is the place, Avery?" Tanong ko sa kaniya.
"Not really, maglalakad pa tayo papasok sa loob." Napakunot ang noo ko. Anong klaseng lugar naman ito? Anong klase lugar ba ang kinaroroonan ni papa? Mukhang deep forest na ito na paniguradong may mga linta, e.
"Nasaan ba talaga iyon, Avery?" Tanong ko ulit sa kaniya. Humarap siya sa akin na tila naiinis pa.
"Natatakot ka ba sa gubat? Huwag kang mag-alala, hindi ko naman kayo nililigaw." Wika niya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Muli ko nanamang naalala ang tampuhan namin kanina lalo na 'yung sampal na binigay n'ya. Nararamdaman ko parin kase 'yung sakit.
Nagsimula na kaming maglakad. Ang tanging ilaw lamang na mayroon kami ay ang flashlight na nagmumula sa cell phone ni Frank. Mabuti nalang talaga at dala n’ya ang cellphone n’ya. Kung tatanungin kung nasaan ang amin? Low battery.
Habang naglalakad kami ay rinig na rinig namin ang aming mga yabag pati na rin ang mga tuyong dahon na natatapakan namin. Isama mo pa ang mga ingay ng kuliglig sa paligid na mukhang galing sa mga puno.
Hindi naman masyadong mahangin ngayon, tama lang. Wala ring kabuwan-buwan ngayon dahil makulimlim, ni-hindi nga namin makita ang mga bituin.
Ilang minuto pa lang kaming naglalakad ay may naaninag kaming ilaw mula sa hindi kalayuan. Mukhang pare-pareho lang ang tumatakbo sa isipan namin kaya mabilis na kaming kumilos papunta sa lugar na iyon.
Pagdating namin sa dulo ay bumungad ang isang gusali. Kung pagmamasdan mabuti, mukha itong ospital. Teka- bakit may ospital sa gitna ng gubat? Don’t tell me may nagaganap na illegal d’yan? May napanood na akong ganito, e. Ang ginagawa nila ay ino-operahan yung mga pasyente tapos ibebenta ang laman.
“Hoy, anong ginagawa mo Ellis?” Napalingon ako kay Jet. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
“Wala naman,” Mabilis kong tugon. Mamaya ano pa isipin nito sa akin, e.
“Bakit bigla-bigla ka nalang umiiling-iling d’yan? Iniisip mo na may illegal na gawain d’yan sa loob, no? Tapos isa sa biktima nila ‘yung tatay mo. Tapos makikita mo na sana s’ya kaso wala ng lamang-loob. Tapos---”
“Tumigil ka na nga! ‘Yung una tama kaso ‘yung sa part na may biktima, hindi.” Tang*nang tao ‘to. Dinudugtungan pa amp!
“Huwag nga kayong maingay,” Bulalas ni Avery. Agad kaming natahimik ni Jet. Siniko-siko ko pa s’ya dahil sa kadaldalan n’ya kanina.
Nag-inatay muna kami ng ilang minuto bago tuluyang pumasok. Pinagmasdan namin kung may mga nagbabantay ba sa paligid. Napansin kong walang gaanong bantay. Ibig sabihin ay hindi illegal ang lugar na ito. Maaaring normal na ospital lang ito, ngunit bakit nasa gitna ng gubat?
Habang papalapit kami sa gusali ay hindi ko maiwasang makarinig ng tunog ng mga alon. Kanina ko pa ito naririnig kahit pa nu’ng nanduon kami sa unahang bahagi ng gubat.
Habang nakatalikod sina Avery, naisipan kong sundan ang ingay na iyon. Nagmumula iyon sa likod na bahagi ng gusali.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga ilaw na nagmumula sa mga kwarto. Mataas ang gusaling ito, ngunit dahil sa mga nagtataasang puno sa gubat ay hindi ito masyadong halata at natatakpan.
Pagdating ko sa likran ay bumungad sa akin ang isang bangin at tila malawak na dagat. Malamig ang simoy ng hangin dito at malakas pa. Sa baba ng bangin ay ang ingay ng alon na tumatama sa mga batu-bato sa baba.
Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako dahil sa magandang presensya na mayroon ang lugar na ito. Napakapayapa at talagang nakakatulala. Maganda dito kapag gusto mong magmuni-muni.
Sana talaga mahanap ko na si papa para makauwi na kami. Ayokong makita si Mama na nalulungkot dahil sa kagagawan ko. I don’t want to blame anyone, especially Avery. Afterall, it’s all my choice. Every outcome of my choice is my responsibility.
Hindi pa ako tapos sa pagninilay ng makarinig ako ng basag ng bintana. Lumingon ako sa likuran ko kung saan natanaw ko ang gusali. Sa bandang 5th floor ay may tila nabasag na bintana. May ilaw ang loob kaya kitang-kita ko kung sino ang may gawa.
Dahil sa madilim na kinaroroonan ko, alam kong hindi ako makikita ng kung sino man. Mula sa pwesto ko ay nakita ko ang isang babae na tila tatalon sa bintana. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga posibleng makita ko. Mukhang balak ng babae ang mag-suicide.
Sisigaw na sana ako ng makita ko ang isa pang taon na yumakap sa babae papasok sa loob ng kwarto. Base sa hugis ng katawan nito, masasabi kong lalaki s’ya. Matapos niyang yakapin ang babae mula sa likod ay sabay silang natumba sa loob.
Ano kayang meron du’n? Bakit nagkakagano’n ‘yung babae?
Muli akong tumingin sa malawak at madilim na dagat bago tuluyang bumalik kina Avery. Gayon pa man, hindi ko maiwasang tumingala sa bintanang iyon. Iniisip ko na baka mamaya ay bigla itong tumalon, ngunit hindi ko na sakop iyon. Ang kailangan lang naman namin dito ay makuha si papa at makauwi.
“Saan ka ba nanggaling?” Wika ni Ash na naka-upo sa lobby. Nakapag-tataka naman. Bakit parang malayang-malaya ang mga ito na maupo dito? Hindi ba nila alam na baka mamaya may kalaban dito?
“Duon sa likod, may dagat du’n. Teka nga lang, bakit ganyan kayo umupo dito? Paano kapag dumating ‘yung mga men-in-black?” pabulong ko tanong sa kanila. Nagkatinginan sila at tila natatawa pa sa sinabi ko. Mga baliw ba ang mga taong ‘to?
“Ano ka ba? Kalma ka lang. Si Avery na daw ang bahala. Mukhang alam na alam n’ya talaga ang lugar na ito.” Wika ni Ash.
“Oo nga,” Dugtong naman ni Frank.
“Isa pa, hindi mo ba alam na mental hospital ito? Walang men-in-black dito.” Sambit ni Jet. Teka, mental hospital ito? Kaya pala ganu’n ‘yung babae kanina. Malamang na nurse ‘yung pumigil kanina.
Now, it makes sense why there is a hospital in the middle of the forest. Gayun din kung bakit nasa tabi ito ng isang cliff. Ang mga ganu’n tanawin ay maaaring makatulong sa mga taong ito.
Nice place!
Dahil mukhang wala namang threats sa paligid, naupo na rin ako kasama ang tatlong ito habang inaantay namin si Avery. Mukhang kabisado n’ya nga ito at mukhang kilala rin siya ng mga staff dito. Wait, hindi kaya sa papa n’ya rin ito? Ibig bang sabihin ay may kalaban pa rin?
Wait, calm down Ellis. Huwag kang magpahalata. Maaaring mga nagpapanggap lang silang staff or nurse. Kalma ka lang!
Maya-maya lang ay natanaw na namin si Avery. Agad na kaming tumayo upang salubungin s’ya.
“Ano na nangyare?” Bungad ko sa kaniya. Nagulat siya ng makita ako kaya mabilis siyang tumakbo papunta sa akin.
“Saan ka galing?” Takang tanong niya.
“Sa labas,” Sagot ko. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya ngunit agad na ring sumingit sa usapan si Ash.
“Ano sabi?” tanong n’ya.
“Nakuha ko na ang room number pero sa kasamaang-palad, maraming bantay ngayon duon. Kailangan nating mag-ingat. Hindi ko mapigilang mapatitig kay Avery. Paano n’ya nakukuha ang ganu’ng information? Paano kapag nalaman ng tatay n’ya ang ginagawa n’ya?
“Avery,” Tawag ko sa kaniya. Saglit ko siyang hinatak sa gilid at hinawakan sa balikat.
“What are you doing? Paano kapag nalaman ng tatay mo ang ginagawa mo?”
“It’s okay. Hindi ba’t pababagsakin rin naman natin s’ya?” Sagot sa akin ni Avery. Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko. May punto s’ya, ngunit hindi ko mapigilang kabahan para sa kaniya.
Bumalik na kami ni Avery kina Ash at saka nagpunta sa kwarto na sinasabi ni Avery. Nasa bandang basement ang kwartong tinutukoy n’ya. Kung paano nalaman ito ni Avery ay hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung paano niya nakuha ang ganitong information sa mga staff.
Sinabihan ko sila na maghanda dahil alam kong anumang oras ay maaaring may magpunta sa direksyon namin. Malamang na sa mga oras na ito ay nakarating na sa ama niya ang tungkol sa amin.
Pasimple kaming sumakay ng elevator. May ilang mga nurse ang kasama namin na panay naman ang tingin sa amin. Agad na nginitian ni Jet ang nurse na ikinapula nito.
Pagdating namin sa basement ay tila isa itong facility kung saan may mga pasyente rin. Mukhang nag-undergo sila sa mga test. Malamang na para ito sa mga taong may mental problem ngunit, bakit nandito si papa?
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Sa bawat kwarto na nadaraanan namin ay may mga pasyenteng sumisigaw o nagwawala. Minsan ay napapatakip na lamang ako ng tenga dahil ayokong marinig ang mga nakakatakot nilang sigaw.
“We’re here,” Wika ni Avery. Napatingin kami sa pintuin na tinutukoy niya. Tahimik ito hindi gaya ng ibang mga kwarto.
Ako na ang nanguna upang buksan ang pinto. Madilim ang bumungad sa amin, ngunit ramdam kong may tao duon. Pagpasok ko ay binuksan ko aga ang ilaw at bumungad sa akin si papa.
“Pa!” Sigaw ko. Tumingin siya sa akin na tila walang expression ang mukha. Nakatitig lang ito sa akin na para bang kinikilatis ako. Maya-maya ay nagsalita rin siya na ikinabigla ko.
“Sino ka?” Hindi ako nakagalaw saglit. Pilit kong iniisip kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi n’ya.
“Pa, ako ito, si Ellis.” Sambit ko. Tila mas lalo siyang naguluhan kaya tumalikod siya sa akin. Hindi rin siya nagsalita. Napa-atras ako dahil sa nangyayare. Maski sina Ash ay nagulat rin sa narinig.
Anong ginawa nila sa papa ko?
***
Ps. Something is wrong! What is it? I don’t know. Read more!