“Anong nangyare? Bakit hindi ka makilala ni tito?” Bulalas ni Ash. Maski rin sila ay hindi makapaniwala sa narinig. Napatingin ako kay Avery upang makahanap ng sagot.
“I don’t know,” Iyon lamang ang nasabi n’ya sa akin. Hindi ko napigilang mapaluhod dahil sa nangyayare.
Anong ginawa nila kay papa?
Pinipilit kong lumapit kay papa ngunit mas lalo siyang nagwawala. Paano ko siya maiuuwi ngayong gabi kay mama kung ganito ang kalagayan n’ya?
“We need to go to your dad, Avery.” Sambit ko. Nagulat siya sa sinabi ko, ganu’n rin sina Jet.
“Are you sure about this, Ellis?” Tiningnan ko siya ng seryoso.
“I already answer that, didn’t I?” Tanong ko pabalik sa kaniya. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Nauna na rin akong lumabas dahil hindi ko kayang makita si papa na ganu’n. I need to find a cure for him.
Tahimik lang kami habang papunta kami sa elevator. Umurong ang dila ko na halos hindi ko na kayang magsalita. Kung ano man ang ginawa nila kay papa, malamang na hindi lang kay papa nangyare iyon.
Saktong pagdating namin sa tapat ng elevator ay bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang mga nasa limang men-in-black. Agad nila kaming tinutukan ng baril. Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumunod. Inaasahan ko na ito. Malamang na nalaman nilang nandito kami dahil kay Avery.
Tahimik kaming lahat sa loob ng elevator. Magkatabi kami ngayon ni Avery at ramdam ko ang kaba niya. Bakit siya kinakabahan?
Pagbukas ng pinto ng elevator ay aga nila kaming piniringan upang wala kaming makita. Malamang na dadalhin nila kami sa tatay ni Avery.
Sunod ko na lang naramdaman na nasa loob kami ng sasakyan papunta sa kung saan. Katabi ko pa rin si Avery na ramdam na ramdam ko ang kaba. Hindi ko maiwasang maguluhan dahil sa nararamdaman ko iyon. May dahilan ba para kabahan o matakot ng ganito sa Avery? O sadyang natatakot lang siya dahil makikita niya ang kaniyang ama at mapapagalitan sa paglalayas nito?
Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan. Pinababa na rin kami sa kotse ngunit nakapiring pa rin ang aming mga mata.
“Nasaan na tayo?” Narinig kong bulong ni Frank. Hindi ko maiwasang mahiya sa kanila dahil nadamay pa sila rito.
“Hindi ko alam, ngunit sisiguraduhin kong makaka-alis tayo dito.” Bulong ko sa kanila pabalik. Pagkatapos ay hinila na kami papasok sa kung saan.
Ilang saglit kaming naglakad hanggang sa tanggalin nila ang piring sa mata namin. Nu’ng una ay medyo malabo pa ang paningin namin ngunit agad rin itong luminaw. Nagulat ako ng makita ko ang tatay ni Avery.
"Nice to see you again, Mr. Tantoco." Masayang bati nito. Gulat na gulat na napatingin sa akin sina Ash. Nagkibit-balikat na lang ako.
“Alam kong ikaw ang may gawa nu’n kay papa. Bakit kailangang madamay pa s’ya dito?” Tanong ko. Narinig kong humalakhak ito sa tawa kaya mas lalo akong nainis. Tang*na! Wala namang nakakatawa, a.
“Alam kong alam mo ang dahilan, Ellis. Hindi ba’t sinabi ko sa iyo? Give Avery back to me.” Wika nito sabay tingin kay Avery. Seryoso itong nakatingin pabalik sa kaniyang ama.
“A.Y.O.K.O.” May diin sa bawat bigkas n’ya dito. Napapa-iling nalang ang kaniyang ama. Pagkatapos ay tumayo ito at saka lumapit sa anak.
“What do you want?” Masinsinang tanong niya sa anak. Tumayo rin si Avery upang harapin ng malapitan ang ama.
“Itigil mo ang ginagawa mo, Dad.” Sambit ni Avery. Gayon pa man, ramdam ko ang panginginig at kaba sa boses n’ya. Natatakot ba s’ya sa kaniyang ama?
“Watashi wa sore o suru koto wa dekimasen, (I can’t do that)” Nakita kong mas lalong nainis si Avery sa sinabi ng kaniyang ama.
“Nazena no? (Why not?)” Mas lalo kong naramdaman ang ka mula sa mga salita ni Avery. Ano ba kaseng pinag-uusapan nila? Bakit kailangan nilang mag-usap ng ganiyan? Tang*na naman!
Hindi na rin sumagot ang kaniyang ama sa kaniya. Sa halip, tumingin ito sa akin.
“Let’s do a deal, Mr. Tantoco.” Natigilan ako dahil sa sinabi ng ama ni Avery. Ramdam ko rin ang tingin sa akin ni Avery kaya hindi ko mapigilang mapaiwas. Ano kayang deal ito? “Ibibigay ko ang iyong ama, kapalit ni Avery.” Dugtong nito. Nagulat ako sa sinabi n’ya. Kapalit ni Avery?
“Ellis…” Rinig kong wika nila Jet. Huminga ako ng malalim. Sa pagkakataong ito, kinakailangan kong mag-isip ng malalim. Mahirap ito para sa akin dahil naging malapit na kaibigan ko na si Avery. Gayun pa man, may buhay rin ako. Nangako akong ibabalik ko si papa kay mama. Anong gagawin ko?
Tumingin ako kay Avery. Walang emosyon ang kaniyang mukha na para bang alam na niya ang magiging desisyon ko. Huminga ako ng malalim.
“Anong mangyayare kay Avery?” Tanong ko. Nagulat si Avery sa sinabi ko sa kaniyang ama. Kitang-kita ko na hindi siya makapaniwala.
“It’s none of your business, Mr. Tantoco.” Malamig na tugon ng kaniyang ama. Hindi ako agad nakapagsalita. Bakit ba kase kailangan mapunta ako sa ganitong sitwasyon? Ano bang nagawa ko para maipit ako sa ganitong pagpipilian? Alam kong may hindi magandang mangyayare kay Avery kapag hinayaan ko s’yang maiwan dito.
Sasagot na sana ako ng bumukas ang pinto sa likuran. May mga men-in-black na lumapit at bumulong sa ama ni Avery. May isang doktor ring kasama ang mga ito.
“Okay,” Sambit niya sa mga ito. Humarap sa amin ang ama ni Avery.
“Ikulong sila,” Wika nito. Agad na kaming hinatak ng mga men-in-black na nasa likuran namin. Bago kami tuluyang makalabas ay nagbitiw ng ilang salita ang ama ni Avery.
“I will wait for your answer, Mr. Tantoco.”
***
“HOY! PALABASIN N’YO KAMI!” Sigaw ni Ash ng makapasok kami sa loob ng tila isang selda. Malamang na nasa basement kami ng kung saang lugar ito.
“Mukhang wala silang balak na palabasin tayo dito,” Sambit naman ni Frank. Hindi na nagsalita si Ash at napa-upo na lamang sa sahig.
“I’m sorry,” Bulalas ni Avery kaya napatingin kami sa kaniya.
“Wala ka namang kasa---”
“It’s all my fault. Kung hindi ako humingi ng tulong kay Ellis, hindi kayo madadamay dito.” Sambit ni Avery. Hindi ko nagawang magsalita. Pakiramdam ko ay totoo ‘yun. May parte sa akin na sinisisi siya sa lahat ng ito.
“Una pala, alam kong mangyayare ito. I’m sorry,” Sambit ulit ni Avery. Napatingin sa akin sin Frank na para bang inaalam ang magiging reaksyon ko. “Hindi ko pa na-clear sa’yo Ellis ang lahat, I’m sorry.” Dagdag n’ya pa.
Gusto kong magsalita, gusto kong sabihin sa kaniya ang nasa isipan ko ngunit hindi ko magawa. Bakit ba kase ngayon pa ako nagkaganito? Bakit wala akong masabi?
“My Dad owns a big experimental laboratory here and outside the country. They are making a certain drug to cure a certain disease. Iyon ang hidden power n’ya bukod sa pagiging multi-billionaire mafia. I know that creating drugs to cure disease is okay pero ginagawa n’ya ito sa maling paraan.” Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Avery. Kung ganu’n ay ito pala ang dahilan kung bakit sinasabi n’ya noon na baka mahuli ang lahat.
“Nalaman ko lahat ng iyon nu’ng araw na nagkita tayo sa abandonadong mansyon,” Wika ni Avery sabay tingin sa akin. Naalala ko ang araw na iyon. May mga humahabol sa kaniya noon na hindi ko kilala. “I was so desperate that time kaya sinabi kong kailangan ko ng tulong mo,” Dagdag ni Avery.
“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga pulis?” Tanong ni Jet. Umiling sin Avery habang pinapahid ang kaniyang mga luha.
“Someone from my father’s group has a connection with the police.” Sambit n’ya. Nagkatinginan kami nila Jet.
“What do you mean?” Tanong ko. Sa unang pagkakataon ay nagawa ko ring magsalita.
“Kasama n’ya sa illegal na project na ito si Senator Sulliman,” Hindi ako makapaniwala sa sinabi n’ya. Ang taong iyon na kilala ng lahat ay may kinalaman sa ganitong proyekto.
“Malaking gulo ‘to, masyadong malaki ito Avery.” Sambit ni Ash. Tama s’ya. Isa itong malaking problema na kaming maliliit ay walang laban. Hindi namin kakayaning labanan ito.
“I know, I’m sorry.” Yumuko si Avery sa harap namin pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Napa-upo na lamang ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig kong ito. Paniguradong wala na kaming kawala sa organisasyong ito ng ama ni Avery.
“Teka, bakit naging gano’n ang tatay ni Ellis?” Bulalas na tanong ni Frank. Napatingin ako kay Avery.
“They are testing their formulated drugs. Sa kasamaang palad, iyon ang naging resulta.” Diretsong sagot ni Avery. Teka, testing? Ibig sabihin ay ginawa nilang human experiment si papa? “Bukod sa magka-lose ng memory, maaari ring mabaliw o mawala sa katinuan ang mga taong iyon.” Dagdag ni Avery. Naalala ko bigla ang mental hospital na pinuntahan namin kanina. Don’t tell me…
“Dinadala sa ospital na iyon ang mga pasyenteng nag-failed sa experiment.” Wika ni Avery. Kung ganu’n, nag-failed si papa sa experiment? Anong ibig sabihin nu’n? Habang-buhay na s’yang ganu’n?
“Avery…” Mahina kong bulalas sa kaniya. Napatingin s’ya sa akin nang may lungkot. Nilapitan ko siya saka mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat.
“What do you mean by failed? Ibig sabihin ganu’n na si papa? Iyon ba ang ibig mong sabihin?” May diin sa bawat bigkas ko ng salita sa kaniya. Hindi siya nakasagot. Nakita kong umiiyak siya. Bakit? Bakit s’ya umiiyak? Dahil ba sa naaawa s’ya sa akin? Kay papa?
“Oi Ellis---”
“Tell me Avery, is there a way? Huh?” Unti-unti na ring tumataas ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Hoy Ellis, tama na ‘yan---”
“Bakit kailangang madamay si papa? Bakit kailangang danasin ‘yun ni papa?” Mahigpit ko siyang hinawakan sa balikat. Naramdaman ko namang pumagitna sa amin si Ash upang ilayo ako kay Avery.
“Ano bang problema mo?” Bulyaw sa akin ni Ash. Duon lamang ako natauhan. Nakita kong umiiyak si Avery habang hinihimas ang magkabila n’yang balikat.
“Kalma, Ellis.” Mahinang tugon ni Jet. Napa-upo nalang ulit ako sa sahig. Paano na ngayon? Nangako ako na ibabalik ko si papa.
Hindi ko na napigilang sabunutan ang sarili ko. Una sa lahat, kasalanan ko talaga ito. Kung hindi ako nagpadala sa konsensya ko, wala ako ngayon sa buhay ni Avery. Kung hinayaan ko na lang s’ya nu’ng gabing iyon at hindi na nanghimasok sa buhay n’ya, wala sana ako sa posisyong ito.
“Alam ko kung anong nararamdaman mo kaya humihingi ako ng tawad,” Sambit ni Avery. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi na rin nagsalita pa si Avery.
“Walang mangyayare kung mag-aaway away tayo dito. Kailangan nating mag-isip kung paano tayo makakalabas dito.” Sambit ni Ash na siyang pumagitna sa aming dalawa.
“Kung nandito lang si Theo, malamang na madali lang makalabas dito.” Bulalas naman ni Jet. Naupo ako sa isang tabi habang nag-iisip tungkol sa mga nangyare. Walang mangyayare kung sisisihin ko si Avery sa nangyare. Alam kong hindi n’ya ginusto ang mga ito. Nauunawaan ko iyon ngunit tao rin ako. Naghahanap parin ang kalooban ko ng taong sisisihin sa nangyare.
“Paano tayo makakalabas dito?” Narinig kong sabi ni Frank habang hinihimas ang mga rehas na iyon.
“Ito na ang katapusan natin,” Sambit ni Jet.
***
Halos apat na oras na ang nakararaan at kasalukuyan kaming tahimik dito. Hindi ko na rin alam kung anong oras na sa labas dahil wala manlang bintana dito. Hindi na rin kami nagkikibuan ni Avery na ngayon ay nakaupo sa kabilang sulok ng seldang ito. Nakayakap lang siya sa kaniyang mga tuhod habang nakayuko.
Nakaramdam ako ng guilty dahil sa mga inakto ko kanina sa harap n’ya. Paniguradong galit siya sa akin ngayon o kaya may tampo.
Maya-maya ay nakarinig kami ng mga yabag ng paa. Agad kaming na-alerto sa kung sino ang parating. Bumungad sa amin ang ama ni Avery kasama ang ilang mga men-in-black. Agad kumulo ang dugo ko ng makita sila. Susunggaban ko na sana sila ng maramdaman ko ang kamay ni Ash sa balikat ko.
“Kamusta, Mr. Tantoco?” Bungad nito sa akin. Napa-irap lang ako sa sinabi n’ya. Anong klaseng tanong ‘yun? Sino ba namang tao ang sasabihing ‘maayos’ sila sa ganitong lugar?
“Well, hindi ko na patatagalin pa. I’m here to get my answer.” Naalala ko nanaman ang napag-usapan namin kanina. Saglit kong sinulyapan si Avery na ngayon ay nakatingin sa akin. Inilipat ko naman ang tingin ko kina Ash, Frank, at Jet na ngayon ay naghihintay rin sa sagot ko.
Kailangan ko itong pag-isipan.
Alam kong madali lang ito, madali lang talaga ito. Ngunit, hindi ko magawang ibigay si Avery sa kanila gayong alam kong may panganib na naka-ambang sa kaniya.
Anong gagawin ko? Anong gagawin mo sa mga ganitong sitwasyon, Theo?
***
Ps. What a cute little Ellis! Asking his personal advisor. Read more.