'Avery's Suspicion'

2416 Words
“I’m here to get your answer,” Napatitig ako sa ama ni Avery. Maling sagot ko lang ay malamang na may mangyayare. “Ellis…” Narinig kong bulalas nila Ash. Alam kong nararamdaman rin nila ang gulo sa utak ko ngayon. Naglalaban ang mga damdamin ko. Bakit ba hindi ko na lang ibigay si Avery sa ama n’ya? Pero kung ibibigay ko naman s’ya, malamang na hindi maganda ang gagawin sa kaniya ng kaniyang ama. May pinagsamahan na kami kaya mahirap. She’s my friend. “Ano nang sagot mo---” “Sasama na ako, dad. Pakawalan mo na sila Ellis.” Sabay-sabay kaming napatingin kay Avery. Ano bang iniisip n’ya? “Anong sabi mo?” Napatitig ako kay Avery. Seryoso ang mukha niya. Ibig sabihin hindi s’ya nagbibiro? “Sasama na ako sa’yo. Pakawalan mo lang sina Ellis.” Mabilis akong lumapit sa kaniya at saka siya hinawakan sa braso. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya agad nakagalaw. “Baliw ka ba? Tingin mo ba pakakawalan kami ng tatay mo? Ganu’n din naman, e.” Sambit ko sa kaniya. “Pero ayokong mahirapan ka pa sa pag-iisip,” Mula sa mga salitang iyon ni Avery, naramdaman ko ang takot at lungkot sa kaniya. Mukhang wala s’yang choice kaya n’ya nagawa iyon. Wala nanaman s’yang choice. Tsk! “Pwes, hindi ako aalis dito.” Sambit ko saka humarap sa ama ni Avery. “Hindi ko ibibigay si Avery,” hindi ko na talaga alam ang pinag-gagagawa ko sa buhay ko. Nuon pa man wala na talaga akong tamang desisyon sa buhay, iniisip ko na ang mga desisyong iyon ay tama. Sa ngayon, alam kong wala nanamang kwenta ang desisyon ko ngunit ramdam ko na ito ay tama. “Dito lang din kami,” “Hindi naman iiwan si Avery saka si Ellis,” Napalingon ako kina Jet dahil sa mga sinabi nila. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga salitang iyon. “Desisyon rin naming sumama sa’yo, Ellis.” Sambit ni Ash. Tuluyan na akong napangiti sa mga sinabi nila. Kung ano man ang tamang desisyon at maling desisyon sa oras na ito, wala na akong paki-alam du’n. Tahimik na nakatingin sa amin ang ama ni Avery. Pinagmamasdan n’ya kami isa-isa na para bang inaalam ang bawat kasalanang nagawa namin sa buhay na ito. Pagkatapos ay saka na siya tumalikod. Sumunod na rin sa kaniya ang mga men-in-black niya at umalis ng walang sabi. Naiwan kaming mga nakatulala dahil sa nangyare. “Ano ‘yun? ‘Yun na ‘yon? Wala manlang s’yang sasabihin?” Sambit ni Frank. Sabay-sabay kaming natawa dahil sa mga sinabi n’ya. Wala manlang iniwang salita ang ama ni Avery kaya sobrang nakakatawa. Gayun pa man, nabawasan ang mga takot namin dahil sa tawang iyon. “Kidding aside, ano nang mangyayare? Wala manlang s’yang sinabi kung malaya na tayo o hindi.” Sabi ni Ash. “Unfortunately, hindi pa rin naman tayo palalabasin kahit pumayag si Ellis na ibigay si Avery.” Tumango-tango ako kay Frank. Hindi ko mapigilang matuwa dahil kahit papaano ay nagkaka-isip na s’ya. Muli nanaman kaming nanahimik dahil wala na rin kaming maisip pag-usapan. Sana lang talaga ay may milagrong mangyare sa amin ngayon. “Kamusta na kaya si Theo? Paniguradong nakabalik na ‘yun.” Pag-iiba ni Jet ng usapan. Malamang na nakabalik na talaga ‘yun. Paniguradong hinahanap na kami nu’n. Siguro naman magkaka-idea s’ya na nandito kami, di’ba? “Si Theo nalang pag-asa natin,” Sambit ni Frank. Lahat kami ay sumang-ayon sa kaniya. “Pag-asa saan?” Halos mapatalon ako ng makarinig ako ng boses sa likuran ko. Paglingon ko ay bumungad si Theo sa labas ng rehas na ito. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa. Mabilis na tumakbo papalapit sa rehas sina Frank ng makita si Theo. Hindi ko nalang mapigilang matawa habang nakikita ang mga luhaan nilang mukha. “Theo!” “Nandito na ang tagapagligtas,” Natatawa na lamang ako dahil mukhang mga desperado na sila na kulang nalang ay hatakin si Theo papasok sa mga rehas na iyon. “Ang ingay n’yo,” Natatawang sabi ni Theo saka kinuha ang isang susi. Binuksan niya ang pinto ng rehas. Mabilis na tumakbo palabas sina Frank at Jet na akala mo isang taong nakakulong. “Nice one, Theoman!” Pang-aasar sa kaniya ni Ash saka nakipag-apir. Naiwan kami ni Avery sa loob na hindi makapaniwala. Hindi ako naniniwala sa milagro, pero ang pangyayaring ito, kakaiba. “Anong tinitingin-tingin mo d’yan? Wala bang yakap?” Nakangising wika ni Theo. Naglakad ako papalapit sa kaniya saka siya hinawakan sa balikat. “Bilang leader ng grupong ito, binibigyan kita ng gantimpala sa pagiging savior namin.” Seryoso ngunit sarkastiko kong sabi. Nagtawanan kaming lima dahil sa mga salitang iyon. Hindi ko maitatanggi na namiss namin si Theo. Ilang araw ba naman siyang hindi nagpakita sa amin. Isama mo pa na nawala s’ya dahil sa hindi malamang dahilan na ayaw naman n’yang sabihin. Naniniwala na talaga ako sa himala. Naputol ang tawanan namin ng maramdaman kong lumabas si Avery sa rehas ng walang imik. Seryoso lang siyang nakatingin kay Theo. Nagbago naman ang reaksyon ni Theo dahil du’n. Salitan ko silang tiningnan dalawa. Bakit pakiramdam ko may hindi magandang ibig sabihin nu’ng tinginan nila? “Where did you get those keys?” Seryosong tanong ni Avery. Natahimik na rin sina Ash dahil sa tanong ni Avery. Napatingin rin ako kay Theo upang antayin ang sagot n’ya. “I snatch it,” Maikling sagot ni Theo. Kung sabagay, hindi maitatanggi na may kakaibang skills itong si Theo. Magaling s’yang makipag-laban at magaling din s’ya sa pickpocketing kaya ang mga ganitong bagay ay easy nalang sa kaniya. “How?” Dagdag na tanong ni Avery. Lumingon muli ako kay Theo upang intayin ang sagot n’ya. Nakita ko lang s’yang ngumiti at saka tinitigan si Avery sa mata. “Importante pa ba ‘yun? Ito ba ang makukuha ko sa pagpapalaya sa’yo?” Nakangiti n’yang sabi. Nilingon ko ulit si Avery upang antayin ang sagot n’ya. Huminga s’ya ng malalim at saka ngumiti. “Pasensya na. Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala.” Sambit ni Avery. Tumango-tango sa kaniya si Theo at saka inilagay sa bulsa ang mga susi. Nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa at hindi umimik. Kahit tapos na ang usapan tungkol sa kung paano nakuha ni Theo ang mga susi, pakiramdam ko hindi pa talaga tapos. Nakakaramdam pa rin ako ng awkward presence sa pagitan nila. “Well, let’s get out of here.” Singit ni Ash at saka nauna ng maglakad. Tahimik na nakasunod sa kaniya ang dalawang tolonggos. Naiwan kaming tatlo nila Theo at nagpapakiramdaman. “Watashi wa anata ga nani o kangaete iru ka shitte imasu, doko ka de sore o hanashimashou. (I know what you're thinking, let's talk it out somewhere.)” Wika ni Theo saka nagsimulang maglakad. Napakunot nalang ako ng noo dahil sa sinabi n’ya. Ano kayang ibig sabihin nu’n? Tang*na naman! Bakit ba kase sila nag-uusap ng ganu’ng language? “Ano daw?” Bulalas ko. Nilingon ko si Avery na ngayon ay nakayuko. Natigilan ako dahil sa reaksyon n’ya. Ibig bang sabihin ay hindi maganda ang sinabi ni Theo? “Ang panget mo daw,” Sagot ni Avery saka inangat ang kaniyang ulo. Nakangiti siya sa akin na tila nang-aasar pa. Aba’t--- “Iyon ‘yung sabi n’ya? Aba’t siraulo pala talaga ‘yung lalaking ‘yun, e.” Sambit ko saka hinabol si Theo. Nang makalapit ako sa kaniya ay saka ko s’ya kinutusan. “Aray! Para sa’n ‘yun?” “Sabi mo panget ako? Ang gwapo-gwapo ko kaya.” Wika ko habang hinahawi ang buhok ko. Nakita kong natatawa s’ya dahil sa ginawa ko. “So, iyon ang sinabi n’ya. Not bad,” Natatawa n’ya sabi saka pinalo-palo ang braso ko. Hinawi ko ang kamay n’ya dahil para s’yang babae du’n. Pagdating namin sa taas ng hagdan ay naabutan namin sina Ash na nakatayo du’n at mukhang inaantay kami. “Tagal n’yo,” Naiinis n’yang sabi. Sabay kaming nag-sorry ni Theo. Sinulyapan ko naman sa likuran si Avery na ngayon ay nakatingin kay Theo. Nang makita n’yang nakatingin ako ay saka siya umiwas. Hindi ko nanaman maintindihan ang sarili ko. Ano ba naman ‘tong nararamdaman ko. Bakit masyado akong affected sa pagtinging iyon ni Avery kay Theo? Wala namang masama du’n. Naguguluhan na talaga ako. “Paano kung marami sila sa labas?” “Mapapalaban tayo nito,” Narinig kong nagawanan sina Jet. Hindi na rin ako nakasabay sa tawanan nila dahil sa iniisip ko ngayon. Bakit ba kase tingin ng tingin si Avery kay Theo? “One… two… three…” Agad na binuksan ni Ash ang pinto. Isang bodega ang bumungad sa amin. Dito kami nanggaling kanina bago kami dalhin sa kulungang iyon. Sa hindi inaasahan, wala manlang kaming naabutang mga men-in-black. Pare-pareho kaming nagtaka. “Nasaan na ang mga iyon?” Sambit ni Frank. “Sayang, gusto ko pa naman manapak.” Pagmamayabang ni Jet. Nilingon ko ulit si Avery. Nakatingin nanaman s’ya kay Theo. Lumingon rin sa kaniya si Theo ng mapansin s’ya. Mabilis na kumilos ang mga paa ko. Tila ba may sarili silang mga utak na kusa nalang kumilos at naglakad papunta sa pagitan nina Avery at Theo. Naramdaman ko ang gulat nila ng makita ako. “E-Ellis?” Mahinang bulalas ni Avery. Nilingon ko s’ya at nagpanggap na walang alam. “Hmmm?” Nilingon ko rin si Theo na ngayon ay naguguluhan sa ginawa ko. Ngayon ko lang napagtanto na halos magkakadikit na pala kami ng mga balikat. Masyado ata akong sumingin sa maliit na espasyo sa pagitan nila. “Sorry,” Sambit ko saka tinulak sila palayo sa akin. Ngayon ay magkalayo na sila. “Ayos ka lang?” Tanong ni Theo. Tumango ako habang nakangiti sa kaniya. Nagsimula na kaming maglakad palabas sa gusaling iyon. Hindi namin alam kung nasaan kami, tanging si Theo lang dahil nakarating s’ya dito ng mag-isa lang. Paglabas namin ay isang malawak na lugar kung saan may mga container van na magkakapatong. Sa gilid ay may dagat at ilang barko. Mukhang nasa isa kaming shipping location. “Paano ka pala nakapunta dito Theo?” Tanong ni Ash habang pinagmamasdan ang mga container van na iyon. Napatingin nanaman kaming lahat kay Theo at nag-aantay ng sagot. “I use my connection, I guess.” Nakangising sabi ni Theo. Nagkatinginan na lamang kami nila Ash saka sumang-ayon sa kaniya. Kung ano mang dahilan o paraan ‘yun, it doesn’t matter. At least nakalabas na kami du’n. “Follow me,” Sambit ni Theo at saka nauna ng maglakad. Nakasunod lang kami sa kaniya dahil alam kong s’ya lang ang nakaka-alam ng tamang way. Hindi ko rin minsan mapigilang tumingin kay Avery tuwing nahuhuli ko s’yang nakatingin nanaman kay Theo. Ano bang problema nito? Bakit ba panay ang tingin n’ya kay Theo? Matapos ng ilang minuto ay tuluyan na kaming nakalabas sa lugar na iyon. Agad na kaming tumawag ng taxi para maka-uwi. Gayun pa man, hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi ko kasama si papa ngayon. Isa pa ay nasa malala pa s’yang kondisyon. Dalawang taxi ang kinuha namin dahil medyo hindi kami kasya sa loob. Kaming tatlo nina Avery at Theo ang magkakasama sa loob ng taxi. Walang umiimik sa aming tatlo. Hindi ko rin naman magawang magsalita. Minsan ay sinusulyapan ko si Avery na nasa tabi ko ngayon. “Can you stop staring at me?” Halos mapa-urong ako ng magsalita s’ya. “Huh?” “Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagtitig mo sa akin? Nakakailang kaya.” Sambit ni Avery. Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi n’ya. Wait--- so napapansin n’ya? Nakakahiya. “Sorry,” Maikli at mahina kong tugon. Narinig ko namang medyo bumungisngis si Theo na tila nang-aasar pa. Sasapakin ko ‘to, e. *** “Nandito na po ako---” “ELLIS!!!” Napa-atras ako ng bumungad si mama habang may dalang walis tambo. Nakita kong namumugto ang mata niya na halatang galing sa pag-iyak. Naabutan ko rin sa bahay si Alianna na pulis. “SAAN KA GALING, AH?” Dagdag pa ni mama. Napatingin ako kina Ash na nasalikuran ko at mukhang hindi na mapigilan ang tawa. “Hinanap ko po si papa---” “Hindi na nga natin alam kung nasaan ang papa mo, tapos mawawala ka pa?” Mabilis kong inalalayanan si Mama ng muntik na s’yang mabuwal. Agad namang kumuha ng tubig si Che-che. Tahimik lang na nakatayo sa pinto sina Avery. “Sorry po,” Sorry ma. Mukhang imposible muna sa ngayon na mabalik sa papa. Hindi na s’ya gaya ng dati. Ma, hindi na ako naaalala ni papa dahil sa ginawa sa kaniya ng mga taong ‘yun. Gayun pa man, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Iyon ang mga salitang gusto kong sabihin kay mama ngunit ayokong madagdagan nanaman ang sama sa kaniyang kalooban. Sa ngayon, kailangan ko munang pagtuunan ng pansin kung paano makakahanap ng paraan para maibalik sa dati si papa. Sa panahon ngayon, wala ng imposible. Lahat ay posible. Right, Avery? Nilingon ko si Avery at saktong nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang emosyon na bumabalot sa kaniya ngayon. Nararamdaman kong nalulungkot s’ya at alam kong hindi n’ya gusto ang mga nangyayare. Nalipat ang paningin ko kay Theo na ngayon ay nakatingin kay mama. Walang emosyon ang kaniyang mga mata at tila malalim ang iniisip. Bakit biglang napakamisteryoso mo ngayon, Theo?   *** Ps. What do you think about Theo? Tell me and read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD