'Free Time'

2492 Words
“Ang aga mo naman magising, kuya.” Hindi ko pinansin ang boses na iyon ni Che-che. Maski rin naman s’ya, e. Ang aga rin magising. “Oo nga pala, maaga rin nagising si Ate Avery pero umalis na s’ya.” Agad kong nilingon si Che-che pagkarinig ko ng mga salitang iyon. Teka, saan nanaman s’ya pupunta? Hindi ba s’ya nadadala? Ang babaeng iyon talaga. “Saan daw pupunta?” “May tatagpuin lang daw s’ya pero babalik din daw mamayang tanghali,” Sagot ni Che-che saka bumalik na sa kaniyang kwarto. Naiwan ako sa kusina habang nakatitig sa tasa ko na may lamang kape. Tatagpuin? Sino naman kaya iyon? Mabilis kong inubos ang kape ko. Syempre hinugasan ko na ito dahil baka malintikan ako kay mama nito mamaya. Pagkatapos ay saka na ako bumalik sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko parin ang kakaibang kilos ni Theo kanina.   “Che-che, tulungan mo nga si Alianna na dalhin si mama sa taas.” Utos ko sa kapatid ko. Hindi na s’ya sumagot at saka tinulungan si Alianna. Naiwan kaming anim sa baba na pare-parehong tahimik. Nabasag lamang ang katahimikang iyon ng pasimpleng umubo si Frank. “Paano ‘yan Ellis? Paano mo sasabihin sa mama mo ‘yung kalagayan ni Tito?” Tanong ni Ash. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. Sa totoo n’yan, wala akong balak sabihin kay mama. Nararamdaman kong may paraan pa. Walang imposible. “Saan n’yo nga pala nakita si Tito?” Bulalas ni Theo. Nagkatinginan kaming lima dahil hindi namin alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ‘yung lugar na iyon. “Sa experimental laboratory ni Dad,” tugon ni Avery. Nagkatitigan sila ni Theo na akala mo ay parehong may tumatakbo sa isipan. “Sa mental hospital?” Tanong ni Theo. Nilingon ko s’ya dahil hindi ako makapaniwala na alam n’ya ‘yun. “Yes,” Sagot ni Avery. Sa pagkakataong ito, hindi ko na mabasa ang takbo ng mga tinginan nila Avery. Ang bawat titigang iyon ay may mga katumbas na salita. “Alam mo rin ‘yung lugar na ‘yun Theo?” Tanong ni Ash. Umiling si Theo at saka ngumiti. “Sa tingin ko lang,” sagot n’ya saka sumulyap ulit kay Avery. Nang makita ni Avery na nakatingin ako ay saka siya umiwas sa akin. Bakit ba nararamdaman ko ito? Bakit ganito ‘yung naiisip ko? Wala naman siguro silang itinatago sa amin, di’ba? “O s’ya, aalis na ako. Sabihan n’yo nalang ako kapag may nalaman kayo. Huwag kayong gagawa ng bagay na ikapapahamak n’yo. Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala.” Sambit ni Theo. Itinaas n’ya ang kanang kamay niya at saka lumabas nang bahay. “Aalis na rin kami Ellis. Pasensya kana, wala kaming magawa.” Sambit nina Jet. Tumango ako sa kanila at saka tuluyan na silang umalis. Bago mawala sa paningin namin si Theo ay nag-iwan ito ng salita, “Haioku de gozen 4-ji. (At the abandoned mansion, 4 am.)” Mukhang naunawaan naman ni Avery iyon kaya naramdaman kong huminga s’ya ng malalim. Nakakainis naman talaga, oh! Bakit ba kase kailangan nilang magsalita ng Japanese language? Ang daya!   Mahirap magtiwala. Iyon ang sinabi n’ya kanina. May ibig sabihin kaya ‘yun o ako lang ang nag-iisip ng ganu’n? Gayun pa man, tama naman s’ya. Hindi natin alam kung sino ang kakampi at sino ang hindi. Everyone can be our friend, but not all friends can be an ally. Argh! Nakakainis naman talaga! Hindi na tuloy ako makabalik sa pagtulog dahil sa mga iniisip ko ngayon. Gusto kong kumilos pero anong magagawa ko? Anong magagawa ko para tulungan si papa? *** “Tulog pa rin s’ya? Tanghali na,” “Baka napuyat kagabi,” “Nako! Baka nanuod nanaman s’ya ng XXX videos,” Napakunot ako ng noo habang tinatakpan ang mga tenga ko. Bakit ba ang ingay dito? “Masyado na ata s’yang depress,” Muli nanaman silang nagtawanan na para bang may nakakatawa. Ano bang nakakatawa? Napaka-ingay naman kase. Hindi ba sila marunong gumalang? May natutulog. Bumangon ako habang nakapikit. Naramdaman kong natahimik silang lahat na ikinangiti ko. Ngunit, ilang segundo lang din ay nagtawanan nanaman sila. Nakaramdam nanaman ako ng inis. “Tang*na naman! Ang ingay.” Sambit ko saka kinusot-kusot ang mata. “Bakit tulog ka parin Ellis? Tanghali na.” “Anong ginawa mo kagabi, ah?” Tang*nang mga tao ‘to. Malamang natulog ako kagabi. Bakit parang akala nila ngayon lang ako nagising ng tanghali? Tao rin ako, mga gag*! “Manahimik nga kayo, natutulog ‘yung tao, e.” Sambit ko saka muling humiga at itinalukbong ang kumot. Napangiti na lamang ako ng hindi ko na marinig ang mga tawanan nila. Babalik na sana ako sa pagtulog ng maalala ko ang isang bagay. Paano sila nakapasok sa bahay at sak kwarto ko? Agad akong bumangon at pinagmasdan silang tatlo. Bumalik nanaman ang pagiging mga tolonggos nila. Ang mga kilos nila ay akala mo walang nangyare. Teka, bakit ganu’n? “Bakit kaya nandito?” Tanong ko. Nagkatinginan sina Ash, Jet, at Frank at tila pare-pareho ang mga nasa isipan. “Palagi naman kaming nandito, eh!” Sagot ni Jet at medyo natatawa pa. napakunot ako ng noo? Pinaglololoko ba nila ako? “Ano ka ba naman Ellis, kahapon lang nanuod tayo anime.” Sambit ni Ash habang naka-upo sa sahig. Napakunot ako muli ng noo. Wait, kahapon? Paano nangyare ‘yun? Nakulong nga kami du’n sa parang shipping area na ‘yon, e. Teka, anong nangyayare? “Kahapon? Anong sinasabi mo? Di’ba nandu’n tayo sa lugar na iyon? Nakaharap pa nga natin tatay ni Avery.” Napansin kong nagtaka silang tatlo. “Tatay ni Avery? Sino si Avery?” Mas lalo akong naguluhan. Ano bang nangyayare? Teka, panaginip lang ba lahat ng nangyare? Wait, ibig sabihin si papa--- “Kuya, kakain na daw.” Bungad ni Che-che pagbukas niya ng pinto. Nagulat siya ng makita sina Ash du’n. “Nandito rin pala kayo, paano kayo nakapasok?” Tanong n’ya. Pinagmasdan ko lang silang apat na pare-parehong nagulat. “Che, halika may sasabihin ako.” Lumapit si Frank kay Che-che saka siya binulungan. Medyo natawa si Che-che saka tumingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo dahil sa mga pinag-gagagawa nila. Ano bang nangyayare? “Mga gag*!” Sambit ni Che-che saka lumabas. Naiwan nanaman kaming apat at tila hindi maganda ang kutob ko. “Anong nangyaya---” “Ellis, you’re in coma. Masaya kami at gising kana.” Malungkot na sabi ni Jet. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi n’ya. Coma? Pero nanuod ng anime kahapon? Sinasabi ko na nga ba, e. “Mga gag*!” Bulyaw ko saka tumayo. Nakita kong nagtawanan silang tatlo dahil sa sinabi ko. Huling-huli ko na sila. Tang*na akala ko totoo. “Magkapatid nga kayo,” Sambit ni Frank. Umiwas na lamang ako ng tingin at saka lumabas ng kwarto. Naramdaman kong nakasunod sila sa akin kaya mas lalo akong nairita. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Avery. Katabi n’ya si Theo. Natigilan ako sandali ng makita silang dalawa. “Pinagtripan n’yo nanaman si Ellis,” sambit ni Theo. Hindi nakatingin sa akin si Avery at tila ba iniiwasan n’yang magtama ang aming mga paningin. “Sayang nga, e. Hindi namin na-video-han,” Sagot ni Ash na akala mo hihimatayin na sa kakatawa. Nang maalala ko nanaman ay ginawa nila ay siningkitan ko lang sila ng mata. I can’t believe na nahulog ako sa trip nila. “Okay na sana, e. Si Jet kase sinabing nasa coma daw si Ellis,” Wika ni Frank. Napakamot na lamang si Jet. “Kala ko effective,” sagot ni Jet. Well, maybe it’s okay. At lease kahit papaano kay nakalimutan namin ‘yung nangyare at nagtatawanan kami ngayon. Gayun pa man, alam kong panandalian lang ito. Later, maaalala nanaman namin ang nangyare. Nagsimula na kaming kumain ng tanghalian. Si mama ay tahimik lang habang nanonood sa amin. Ganu’n din si Avery at Theo na kasalukuyang magkatabi sa harap ko ngayon. Ano bang problema kung magkatabi sila ngayon? Nakakainis naman talaga. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain kahit na hindi ako mapakali. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nadi-distract ako kina Avery at Theo ngayon. Wala namang problema pero naiinis ako. Kahapon ko pa nararamdaman ito. ‘Yung pakiramdam na hindi ka mapakali dahil sa mga tinginan ng dalawa ‘to. ‘Yung hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin ngayong magkatabi sila. “Ayos ka lang?” Tanong ni Avery. Napakurap ako ng mapansing nakatingin silang dalawa sa akin. Mabilis akong tumango at saka yumuko. Tingnan mo nga ‘yan, Ellis. Kung anu-ano na ang pinag-gagagawa mo. “May problema ba Ellis?” Tanong naman ni Theo. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Hindi ko naman nakita ang reaksyon n’ya dahil nakayuko ako. Ewan ko ba, ayoko lang tumingin. “Are you sure?” Dagdag n’ya pa. Bakit ba s’ya mapilit? Sh*t! Nakalimutan ko, si Theo nga pala ‘yan. Syempre sa mga oras na ito, alam kong alam na n’ya na may gumugulo sa utak ko ngayon. S’ya naman palagi ang nakaka-alam kapag may problema ako. “Yeah,” Sagot ko. Hidi dapat ako magpahalata sa kaniya. Well, wala naman talaga akong problema. Tama-tama! Wala naman talaga akong problema kaya bakit ako nagtatago ng ganito? Inangat ko ang ulo ko saka ngumiti. Tiningnan ko sina Avery at Theo na ngayon ay nagtataka sa akin. “I’m fine,” Sagot ko. Nagkatinginan sina Theo at Avery na akala mo hindi totoo ang sinasabi ko. Well, I’m not really fine. Sa dami ba naman ng nangyare sa akin, e. Umiwas na agad ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain. Nawala na rin ang ngiti ko dahil sa mga naiisip ko. Bumalik nanaman kase sa utak ko ang nangyare kay papa. Hanggang ngayon ay pinoproblema ko pa kung paano ko sasabihin kay mama ang totoo. Nang matapos na ang lahat sa pagkain, nagprisinta na si Che-che sa pag-huhugas. Nakakaproud lang. “Saan na tayo ngayon n’yan?” – Jet. “Tang*nang ‘to, katatapos lang kumain, e.” - Bulyaw sa kaniya ni Ash. Naka-upo kami ngayon sa liliman dito sa tapat ng bahay. Sobrang init ng panahon ngayon at mukhang matutusta ako kapag tumagal ako ng limang minuto. “Wala ba tayong gagawin kay tito? Imposibleng ganito nalang tayo, di’ba Ellis?” Sambit ni Jet. Nilingon ko s’ya dahil may punto s’ya. Hindi pwedeng naka-asa lang kami sa mga pulis. Kailangang may gawin rin ako ngunit ano? Ngayon alam ko na ang kalagayan ni papa, anong gagawin ko? Kahit itakas ko s’ya du’n, kung ganu’n ang kondisyon n’ya ay wala rin. “Then, anong gagawin n’yo? You know the situation, right?” Wika ni Theo na nakasandal pa sa puno. Huminga na lamang ako ng malalim. Alam ko ang ipinahihiwatig ni Theo. “I guess we have to wait,” Sagot ko saka kinuha ang bato. Ibinato ko ito sa hindi kalayuan kasama ang mga nararamdaman kong lungkot. Gayun pa man, may natitira pa ring ilang persyento. “Nice throw,” Wika ni Ash saka kumuha rin ng bato. Ibinato n’ya rin ito sa hindi kalayuan. Sumunod na sina Frank at Jet. Alam kong wala naman kaming matatamaan dahil puro matataas na pader ang nasa hindi kalayuan. Tapunan rin ng basura ‘yung likod ng pader kaya ayos lang. “Para sa’yo ito, Leslie.” Sigaw ni Frank. Natigilan kaming lahat at saka siya nilingon. Napahinto rin s’ya sa pagbato ng maramdaman ang mga mata namin. “What?” “Who’s Leslie?” - Ash “Tang*nang matakaw ‘to, huwag mong sabihing may jowa ka?” – Jet “You know our rules,” – Theo. Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Ngayon ay tinutukso na nila si Frank tungkol sa kung sino mang ‘Leslie’ iyon. “Sandali, hindi naman tao si Leslie, e.” banat ni Frank. “Ulol!” Sambit ni Jet. Patuloy pa rin sila sa pagtukso kay Frank. Maya-maya ay narinig kong bumingisngis si Avery kaya natigilan kaming lahat. Sabay-sabay rin kaming napalingon sa kaniya na ngayon ay hindi na mapigilan ang tawa. “Maybe the Leslie he’s talking about is some sort of food,” Natatawa n’yang wika. Mabilis na tumango si Frank dahil sa sinabi ni Avery. “Tama-tama, pagkain ‘yun. Leslie lang tawag ko.” Depensa ni Frank sa sarili. Napasingkit na lamang ako ng mata ng makitang inakbayan n’ya si Avery. Teka, close agad-agad? “Weh?” Hindi pa rin makapaniwala sina Jet. Pasimple akong lumapit kay Frank at Avery. Pagkatapos ay pasimple ko rin inalis ang kamay ni Frank saka siya inakbayan. “Ikaw talaga Frank masyadong mabiro,” Sambit ko sa kaniya saka kinurot-kurot ang balikat. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon, well siguro hindi lang maganda sa paningin ko ‘yun. Nagpatuloy na ulit kami sa pagbabato ng mga bato sa pader. Sa ganitong paraan, nakakalimutan namin ang problema namin. Maya-maya ay napagod na rin kami kaya na-upo na ulit kami sa ilalim ng puno. Nagdala rin si Che-che ng miryenda at tila may kasama pang sama ng loob. “Pakabusog kayo at saka mabulunan,” Wika n’ya. “Anong sabi mo? Mabulunan?” Bulyaw ni Jet. “Mag-unahan. Mag-unahan kase ‘yon,” Sambit ni Che-che. Pa-irap s’yang umalis papasok sa bahay. “Iyong kapatid mo, ang sama ng ugali.” Nakangusong sambit ni Jet. Sumang-ayon ako sa kaniya dahil totoo naman talaga. Masaya naming kinain ang biko na ginawa ni mama. Medyo napangiti ako kase kahit papaano ay nagagawa ni mama ang ngumiti. Matapos ang isang oras na pagpapahinga ay saka lang namin naisipang magpunta sa abandoned mansion na ‘yon. Sobrang tagal na rin naming hindi nakapunta du’n. Habang papunta kami ay nasalubong namin sina Bon. Nagulat pa s’ya ng makita kami. “Teka lang, dumaan lang kami dito.” Wika n’ya. Hindi nalang namin sila pinansin. Ayaw rin naman naming makipag-away dahil depress ako. Well, mabuti na rin ito sa kaniya. At least hindi sila uuwing duguan.   *** Ps. Storytelling itech? Read more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD