“Ano ‘yan?” Bungad ko kay Mama pagkababa ko sa sala. Nandu’n si Alianna na nakasuot pa ng uniform na pang-pulis.
“Galing ito sa mga kumuha sa papa mo,” Naiiyak na sabi ni mama. Lumapit ako at kinuha ang papel. Ito ang unang beses na nagpadala sila ng kung ano mang papel sa amin. Ano kayang gusto n’ya?
Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nu’ng maka-uwi kami dito nila Theo. Wala namang bago ngunit pakiramdam ko meron, lalo na kay Theo. Medyo kakaiba na s’ya ngayon simula nu’ng bumalik s’ya. Hindi ko matukoy kung ano iyon.
“Hindi naman sila nanghihingi ng ransom, bakit ayaw na lamang nilang ibalik ang tatay mo?” Wika ulit ni mama. Lumapit sa kaniya si Alianna at saka hinimas ang likuran nito. Nagkatinginan na lamang kami ni Alianna dahil sa mga nangyayare.
Matapos ang isang oras ay nagpaalam na rin si Alianna. Sumadya lang daw s’ya dito upang ipaalam ang natanggap na message mula sa mga kidnapper. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa kanilang lahat, alam ko kung nasaan si papa.
“Alagaan mo si mama mo,” Sambit ni Alianna pagdating namin sa labas. Nakaparada rin dito ang police car na gamit n’ya. Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon. “Kung may nalalaman ka, magsabi ka lang sa akin.” Dagdag n’ya pa saka ginulo ang buhok ko. Hinayaan ko na lang s’ya du’n dahil wala na akong lakas para makipag-away sa kung sino man.
Pagbalik ko sa loob, naabutan ko si mama na naka-upo at malalim ang iniisip. Hindi ko s’ya magawang kausapin ngayon dahil hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula. Kahit na ngumingiti si mama sa amin, alam kong deep inside ay malungkot na malungkot s’ya.
Kinuha ko ang papel sa lamesa at saka lumabas. I need to talk to Avery.
Pagdating ko sa abandoned mansion ay naabutan kong nagtatawanan sina Jet at mukhang may pinapanood pa. Si Theo naman ay nasa usual place n’ya, nagbabasa nanaman ng libro.
Mabilis na hinanap ng mata ko si Avery na tahimik lang nakaupo sa bintana. Nilapitan ko s’ya at saka ibinigay ang papel. Medyo nagulat s’ya dahil hindi niya inaasahan na lilitaw ako bigla sa harap n’ya.
“Look,” Turo ko sa papel. Naramdaman kong natahimik sina Jet dahil sa biglaang presensya ko. Nagulat s’ya ng mabasa ang nakasulat du’n.
Agad s’yang tumayo na ikinagulat ko. Kitang-kita ko ang excitement at saya sa mukha n’ya. Hindi n’ya rin maalis ang mata sa papel na iyon. Medyo nagtaka ako dahil wala namang gaanong nakasulat duon bukod sa salitang ‘Antidote’.
Iyon lang ang tanging nakasulat sa papel na ibinigay ni Alianna kay mama. Sabi nila ay mensahe daw ito mula sa kidnapper ni papa. Ibig sabihin ay galing sa ama ni Avery.
Ngunit, ano naman kaya ‘yung antidote na tinutukoy nila?
“Let me see,” Bulalas ni Theo at saka kinuha ang papel sa kamay ni Avery. Nakatulala lang si Avery at halos maiiyak na. Akala ko ay natatakot s’ya or something ngunit ng makita ko ang ngiti niya ay nakaramdam ako ng pagtataka.
“Sigurado ka bang galing ito sa kumuha sa papa mo? Galing sa daddy n’ya?” Gulat na tanong ni Theo. Tumango ako bilang tugon. Napangiti rin si Theo na pareho ng reaksyon ni Avery. What’s the meaning of this?
“Ano nang gagawin natin ngayon? Improvement na ba ito?” tanong ni Ash na ngayon ay nakalapit na pala sa amin. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil wala namang ibang ibig sabihin ‘yung salitang iyon. Hindi ko alam kung paano uusad ang sitwasyon ni papa dahil sa salitang iyon.
Gayun pa man, malakas ang kutob ko na may ibig sabihin iyon kina Theo at Avery. Kung anuman iyon, hindi ko alam.
“Ellis, I think I should surrender to dad na.” Malumanay na wika ni Avery. Nagulat ako sa sinabi n’ya at hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa bibig n’ya.
“Huh?”
“Hindi ko na kayang madagdagan pa ang problema mo. Pupunta na ako kay dad.” Sambit ni Avery. Nagulat sina Ash at maski rin sila ay hindi nila inaasahan na maririnig nila iyon sa bibig ni Avery.
“No,” sagot ko. Nagulat s’ya dahil duon at hindi nagawang magsalita. Hindi ako papayag na sasama s’ya sa papa n’ya. Matapos ang lahat ng ginawa namin para iligtas s’ya, sasama lang s’ya bigla ng ganu’n-gano’n? “Hindi ako papayag,” Dagdag ko pa.
“But why?” hindi ako nakasagot sa tanong n’ya. Ang nasa isipan ko ay ayaw ko s’yang ibigay dahil nagsakripisyo na ako ng malaki. Ngunit, bakit pakiramdam ko hindi naman talaga iyon ‘yung totoong dahilan? Hindi ko na talaga maintindihan ang nasa isip at puso ko ngayon. Parehong may magkaibang saloobin.
“Hindi ba’t pabor din sa iyo ito?” Singit ni Theo. Nilingon ko s’ya at nakita kong nakangiti s’ya. Yumuko ako dahil tama naman ang sinabi n’ya. Pero sadyang may gumugulo sa puso ko ngayon. Nakikipagtalo ito ngayon sa utak ko.
Inangat ko ulit ang ulo ko at saka tumingin kay Avery. Halatang nagtataka s’ya sa ikinikilos ko ngayon. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at saka huminga ng malalim.
“I like you, Avery.” Out of nowhere ay nasabi ko iyon sa kaniya. Natulala s’ya na ikinabigla ko naman. Masyado ata akong sumobra, mukhang hindi ata ito ang tamang oras para sabihin iyon.
“Woah!”
“Nice Ellis,”
“Nako-nako,”
Samu’t-saring reaksyon ang ibinigay nina Ash. Gayun pa man, alam kong para kay Avery ay hindi ito totoo.
Mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng kwartong iyon. Kailangan kong makalayo sa lugar na ito dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kahihiyan. Bakit ko ba nasabi ‘yun? Sa dami-rami ba naman ng pwede kong sabihin ay bakit iyon pa? Paano kapag na misinterpret n’ya iyon?
Sh*t!
Theo’s POV
“Ano ‘yun?”
“Baka nahiya s’ya.”
“Nako, binata na si boss.”
Napatingin na lang ako sa pinto kung saan lumabas si Ellis. Malamang na nababalot s’ya ngayon ng kahihiyan. Hindi naman kase normal sa lalaking iyon ang magsalita ng mga ganitong bagay lalo na sa isang babae. Sa pagkaka-alala ko nga, kay Alianna n’ya pa ata huling nasabi ‘yun.
“Anong masasabi mo Avery?” tanong ni Jet. Nakita ko naman binatukan s’ya ni Ash.
“Malamang joke lang ‘yun para hindi umalis si Avery,” nakita ko naman binatukan ni Frank si Ash na ikinagalit nito.
“Siraulo! Bakit mo naman sinabi? Nalaman tuloy ni Avery,” Napakurap ako dahil sa sinabi ni Frank. Teka, si Frank ba talaga ito? Bakit nag-iisip na s’ya?
“Oo nga noh,” pagsang-ayon bigla ni Ash. Napa-iling na lamang ako dahil sa tatlong ito. Hindi ko maitatanggi kung bakit palaging ‘tolonggos’ ang tawa n’ya sa tatlong ito.
“I appreciate Ellis effort but, I think I need to stand up for myself this time.” Nakangiting wika ni Avery. Nagkatinginan kami nito na akala mo pareho ang tumatakbo sa isipan. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa n’ya ngunit, kung sa tingin niya ay tama ito, it’s okay.
“Sore de, anata wa kore ni tsuite kakushin shite imasu ka? (So, are you sure about this?)” Tanong ko sa kaniya. Napayuko siya at tila nag-isip. Sinulyapan ko sina Ash na ngayon ay nagtataka sa mga pinag-uusapan namin. Ngumiti nalang ako dahil mabuti na lang at hindi sila nakakaintindi ng Nihongo.
“Watashi wa nani o subekida to omoimasu ka? (What do you think should I do?)” Seryoso niyang tanong. Ibinalik ko sa kaniya ang papel kung saan nakasulat ang salitang ‘Antidote’. Malamang na may dahilan ang taong iyon na ipadala kay Ellis ang mensaheng iyon. Alam nitong makakarating kay Avery ang mensahe, pati na rin sa akin.
Ang isang salitang iyon ay may katumbas na isang libong salita. Hindi ako katanga para hindi iyon maunawaan, ngunit sa sitwasyong kinabibilangan ko at ni Avery, kami lang ang nakakaintindi nito.
“Otōsan ni au hitsuyō ga arimasu. Kakunin shitai nodesuga. (I need to see my dad. I want to confirm it.)” Tumango-tango ako sa kaniya dahil sa sagot n’ya. Gayun pa man, isang bagay ang maaaring makagulo du’n.
“Kare wa dōdesu ka? Nani o suru? (How about him? What are you going to do?)” Natigilan siya sa tanong ko. Muli nanaman s’yang napayuko. Ngayon ay paniguradong mahihirapan s’ya. Well, wala naman akong magagawa. I’m just going with flow of this story. Kung saan ako makakakuha ng benefits, duon ako.
“Kashikoku kangaete, ojōsama. (Think wisely, milady)” Wika ko saka tuluyang lumabas sa kwartong iyon.
Ellis’s POV
“Isang coke nga,” Wika ko sa tindera. Napansin ko namang nagpapa-cute s’ya kaya patuloy lang akong ngumiti.
“Here’s the change,” Wika nito sabay kindat sa akin. Muntik na akong mabuwal dahil sa ginawa ng tinderang iyon. Susmaryosep!
Naupo ako sa gilid nu’n kung saan may sementong upuan at saka ininom ang coke na iyon. Sobrang init ngayon kaya halos pangatlo ko na ito. Habang dumaragdag ang araw, patindi ng patindi ang init ng araw. Pakiramdam ko tuloy napakalapit na ng planeta natin sa araw.
“Nice words,” Pagkatapos ko ng tatlong lagok ay saka ko nilingon ang nagsalita. Halos mapa-atras ako ng makita ko si Theo na may malaking ngiti. Huwag mong sabihing aasarin n’ya ako. Hindi ko naman intensyong sabihin ‘yun, e.
“Well, you lighten the mood so it’s okay.” Wika ni Theo saka kinuha ang coke na sa kamay ko.
“Hoy! Inumin ko ‘yan. Bumili ka ng sayo, damnit!” Natawa naman s’ya sala kinuha ang isang daan sa bulsa n’ya.
“Ibili mo ng maraming coke,” utos n’ya sa akin. Siningkita ko s’ya ng mata. Anong karapatan n’yang utusan ako? Underboss lang s’ya sa grupong ito.
“Tsk!”
Muli akong lumapit sa tindahan at bumili ng walang coke. Libre naman ni Theo kaya susulitin ko na.
Nang lumapit ako kay Theo ay nakita kong malalim ang iniisip n’ya. Minsan ko lang s’yang makitang ganito dati. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nagbago s’ya. Nagsimula ito nu’ng nawala s’ya.
“Saan ka pala nagpunta dati?” Panimula ko. Napalingon s’ya sa akin. Tila nagdadalawang-isip pa s’ya kung sasabihin n’ya ba.
“Sa isang importanteng tao,” Wika n’ya. Aga kong naalala ang pag-uusap namin dati. Isang nakakalokong ngiti ang ipinakita ko sa kaniya na ikinataka n’ya.
“May girlfriend kana, noh?” Pang-aasar ko sa kaniya. Binigyan n’ya lang ako ng isang annoying look. Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa reaksyon n’ya.
“Alam mo Ellis, napakagaan mo lang.” Malumanay n’yang wika. Tumigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi n’ya. Anong magaan? Hindi naman n’ya ak buhat-buhat, ah! Pinagsasabi nito?
“Magaan?”
“Wala kang problema. Hindi ka masyadong misteryoso at napakadali mo lang basahin. Masyadong obvious ang mga galaw mo.” Tugon ni Theo. Napakunot ako ng noo dahil sa mga salitang iyon. Masyado ba talaga akong obvious? Saang part naman? “Napakagaan lang ng karakter mo. Hindi ka gaanong nag-iisip ng malalim.” Dagdag n’ya pa. Hindi ko na s’ya maintindihan. Masyado ba talaga akong bobo kaya hindi ko na s’ya naiintindihan?
“Salamat,” Maikli kong tugon. Iyon lang naman ang sasabi ko. Nakita kong ngumiti s’ya at saka uminom ng coke.
“Ang swerte mo kase may mama ka pa,” Sambit ni Theo saka tumingin sa akin. Natigilan naman ako. Wala na bang mama si Theo? Wait, natanong ko na ba sa kaniya ‘yun? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi ko pa nga pala alam ang tungkol sa pamilya ni Theo. Kahit kina Jet ay never akong nagtanong tungkol sa mga buhay at pamilya nila. Iniisip ko lang kase nuon, magkakasama kami sa abandonadong bahay na iyon at ginagawa ang mga bagay na malaya naming nagagawa. Ngunit hindi sumagi sa isipan ko ang magtanong tungkol sa mga ganitong seryosong bagay tungkol sa kanila.
Is it bad? Is it what friends suppose to do? Are we really friends?
“Si mama kase, medyo hindi maayos ang kalagayan n’ya kaya ako na mismo ang pumupunta sa kaniya. Never ko pang naranasan na alagaan n’ya ako.” Pagsasalaysay ni Theo. Hindi ko nagawang magsalita. Umurong bigla ang bibig ko dahil sa mga sinasabi n’ya ngayon.
Nasa seryosong parte na ba kami? Ayos lang ba na ilabas niya ang mga ganu’ng bagay sa katulad ko?
“Ever since ipinanganak ako, never ko pang naranasan ang magkaroon ng pamilya. Siguro nga, family is not for me in this timeline.” Malungkot na sabi n’ya. Napayuko rin ako dahil hindi ko talaga inaasahan na makakarinig ako ng ganito sa buong buhay ko. Ang mga ganitong senaryo, bago ito sa akin.
“Kaya naman masaya ako dahil nakilala ko kayo,” Wika niya. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti sa akin. Napatulala na lang ako dahil sa unang pagkakataon, nakarinig ako ng ganito. May kakaibang saya akong naramdaman na unang beses ko lang ding naramdaman.
“Salamat Theo,” Wika ko sa kaniya. Binuksan ko na ang isang coke at nakipag-cheers sa kaniya. Pagkatapos ay sabay kaming uminom.
***
Ps. Theo’s touching words. What’s wrong with him? Is there something happen soon? Read more!