“Nand’yan na si Ellis,” Mula palang sa labas ay rinig ko na ang mga boses nila Jet. Ano nanaman kayang ginawa nila ngayon at mukhang nagtatago ang mga tolonggos.
Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko silang naka-upo sa kani-kanilang mga sofa. May sarili na nga rin palang upuan si Avery. Ibinili sa kaniya ni Theo nu’ng isang araw.
Dalawang araw na nga rin pala ang lumipas nu’ng nasabi ko kay Avery na gusto ko s’ya. Hindi naman n’ya siguro seseryosohin ‘yun, di’ba? Sinabi ko lang ‘yun kase baka magbago isip n’ya. Malay natin gusto n’ya rin pala ako.
Pasimple akong umupo sa sarili kong sofa at nagpanggap na walang nangyare. Napansin kong wala si Theo ngayon. Agad ko tuloy naalala ‘yung pag-uusap namin nu’ng isang araw. Pagkatapos kase nu’n, hanggang ngayon ay hindi pa s’ya nagpapakita.
“Nasaan nanaman kaya si Theo?” Bulalas ko. Halatang nagulat sila dahil sa biglaan kong pagsasalita. Nagkatinginan pa sila na akala mo ay ngayon lang nakakita ng gwapo.
“May bibisitahin lang daw s’ya,” Sambit ni Ash. Bibisitahin? Hindi kaya pumunta ulit s’ya sa mama n’ya? Nasabi na n’ya sa akin na ‘yung mama n’ya ang pinupuntahan n'ya. Mukhang nasa ibang lugar ata.
“Ahhh,” Hindi na ako muling nagsalita. Saglit na sinulyapan ko si Avery na nakatingin sa akin. Medyo nagulat ako kaya umiwas ako. Teka, bakit pala ako umiiwas? Kalma ka lang Ellis. Wala ka namang ginagawang masama.
Lumingon ako muli sa kaniya. Halos hindi na ako mapakali ng makita ko s’yang lumapit sa akin. Bigla akong kinabahan, ‘yung kaba kapag nahuli ka ng mama mo na kumukupit.
“Ellis,” Una n’yang sabi. Napalunok ako at nag-aantay ng sasabihin n’ya. Naramdaman ko naman ang mga tingin nila Ash na akala mo mga chismosong kapit-bahay. “Let’s talk,” dagdag n’ya na ikinagulat ko. Ano naman ang pag-uusapan namin? Teka, hindi pa ako handa. Wait--- handa para saan? Walang dahilan para matakot. Wala kang ginagawang kasalanan.
Naunang lumabas ng kwarto si Avery. Huminga muna ako ng malalim saka sumunod. Bago lumabas ay binantaan ko muna ang tatlo na huwag sumunod. Malamang na confidential ang pag-uusapan namin.
Imbis na sa labas kami mag-usap gaya nu’ng dati, dumiretso si Avery sa second floor ng mansyon. Hindi na lang ako nagsalita at saka sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa isa sa mga kwarto na sa pagkaka-alala ko, duon nakatambak ang mga gamit ng dating tumira dito.
“Oi! Bawal tayo dito.” Pagpuna ko sa kaniya. Hindi s’ya nakinig sa akin at tuluyang pumasok. Napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa katigasan ng utak ng babaeng ito.
“Ellis,” tawag nanaman n’ya sa pangalan ko. I clear my throat and start to speak.
“Yes?”
“I’m sorry,” Panimula niya. Napakunot ako ng noo. Para saan nanaman ang sorry n’ya? Hindi ako nagsalita at inantay s’yang ipagpatuloy ang sinasabi.
“I still can’t accept the fact that I am the reason why your family is in trouble,” Ano nanaman bang problema nito? Akala ko ba nag-usap na kami tungkol dito? “I’m sorry because I keep a secret to you,” dagdag n’ya. Secret? Anong secret?
“I think, my father already created an antidote.” Sa pagkakataong ito, nakaharap na s’ya sa akin. Natigilan ako. Anong antidote? Iyon ba ang ibig sabihin nu’ng pinadalang message ng tatay n’ya? Para saan? Iyon ba ang dahilan kung bakit sobrang saya n’ya nu’n? Kung ganu’n, ano naman ang kaugnayan ko du’n?
“Makakabalik na sa inyo ang papa mo,” Dagdag ulit n’ya. Tumulo ang luha n’ya sa hindi ko malamang dahilan. Pinunasan n’ya iyon at saka lumapit sa isa sa mga box na nakatabi sa gilid. Kinuha niya ang nasa loob nu’n at ipinakita sa akin.
“Makakabalik na rin si mama,” Naiiyak n’yang sabi. Mama? Bakit? Para saan? Anong ibig n’yang sabihin?
Sa ngayon, naguguluhan ako sa nangyayare. Bakit biglang naging ganito ang lahat? Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa sinabi ni Avery na makak-uwi na si papa.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya. Lumapit sa akin si Avery yakap-yakap ang picture frame ng isang babae.
“This is my mom,” Naiiyak n’yang sabi sa akin. “May sakit s’ya Ellis,” Naiiyak ulit siya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagpapaliwanag sa akin. “Kaya naman sobrang saya ko na nakagawa na sina dad ng antidote. May cure na para sa sakit ni mommy,” Kahit umiiyak si Avery, kita ko ang saya sa kaniya. Masaya s’ya.
“May sakit rin ang mama mo?” Tanong ko sa kaniya. Tumango s’ya sa akin habang lumuluha.
“Sinabi ko sa’yo nu’n na baka mahuli na ang lahat. Akala ko kase ay hindi matatapos ni dad ang research and experiment n’ya about sa cure. I want to stop him kase nakikita kong nahihirapan na si mama. Ellis, I’m so happy.” Ngayon ko lang nakita ang parteng ito ni Avery. Bukod sa pagiging childish n’ya, minsan ay seryoso din s’ya. Ngayon ko lang nakita ang masya n’yang mukha.
“So, what now?” Tanong ko sa kaniya. Pinahid n’ya ang luha n’ya saka inilapag ang picture.
“I made a big mess. It’s you, Ellis. I’m sorry but I need to go to dad now. Huwag mo na akong hanapin. I promise, kapag nakabalik na ako ay sisiguraduhin kong makakabalik rin ang ama mo sa inyo.” Seryosong sabi ni Avery. Agad nanlamig ang buo kong katawan. Teka, ibig sabihin ay aalis na s’ya? Teka, ano ‘yun? Ganu’n nalang ‘yun? Hindi ko maintinihan.
“Wait, ang bilis naman.” Bulalas ko. Niyakap n’ya ako na ikinagulat ko.
“The mission is over.” Sambit niya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng pang-hihinayang at lungkot. Gayu’n pa man, masaya ako dahil sa sinabi ni Avery na makakabalik na si papa.
“Thank you and I’m sorry.” Sambit niya. Pagkatapos n’yang humiwalay sa akin ay saka na siya lumabas ng karto. Naiwan ako sa loob na puno ng pagtataka. Kung mama n’ya ‘yung nasa picture na kinuha n’ya sa kwartong ito, ibig bang sabihin ay sa kanila ang bahay na ito?
Mabilis akong lumabas ng ma-realize ko ang bagay na iyon. Grabe! Sa kanila ang bahay na ito ngunit hindi n’ya manlang sinabi sa akin. Paano nalang kapag isinumbong n’ya kami na trespassing kami dito?
Pagdating ko sa baba ay agad rin akong napahinto ng marinig ko ang boses n’ya. Kinakausap n’ya ngayon ‘yung tatlong tolonggos tungkol sa sinabi n’ya sa akin. Hindi ako nakapagsalita agad at lalong hindi ako nakakibo. Nang marinig ko ang reaksyon ng tatlo ay umurong ang dila ko para kausapin si Avery. Nakakaramdam ako ng hiya lalo na kina Ash.
“Paano ‘yan? Aalis kana?” Tanong ni Jet. Umayos ng pagkakatayo si Frank at nagwika.
“Sayōnara, (Goodbye)” Nagtawanan naman sina Ash at Jet dahil sa sinabi ni Frank.
“Magaling kana, ah!” Wika ni Avery. Napasandal na lang ako sa pader. Ibig bang sabihin ay magbabago na ang lahat? Tapos na ang mission namin ni Avery. Back to normal na ako. Gayu’n pa man, medyo malungkot.
Naramdaman kong naglakad papalapit sa pinto si Avery kaya umayos ako ng pagkaka-tayo. Nagulat s’ya ng makita ako ngunit ngumiti rin s’ya.
“Ellis, huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ang mga taong hindi nababalik.” Wika n’ya sa akin. “Aalis na ako. Don’t worry, you can use this house bilang tambayan n’yo.” Dagdag n’ya pa. Nagsimula na ring maglakad si Avery palabas. Sinundan ko s’ya upang pagmasdan sa huling pagkakataon.
Nakita kong may isang itim na SUV ang nakaparada sa gate. Mukhang iyon ang susundo sa kaniya. Gusto ko sana s’yang tawagin upang sabihin na huwag na s’yang umalis. Feeling ko kase baka mamaya ay sinabi lang ito sa kaniya ng tatay n’ya. Gayun pa man, mukhang hindi ko s’ya mapipigilan. Ramdam kong masaya s’ya at makikita na n’ya ang mama n’ya. Dapat rin akong magsaya dahil makikita ko na rin si papa.