Part Two Chapter One: Ellis has changed.

2193 Words
Rinig na Rinig ang tawanan ng lahat habang pinagsasaluhan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Rinig na rinig rin ang videoke na nirentahan pa mula sa kapitbahay. “Kuya, asikasuhin mo naman ‘yung mga bisita sa labas.” Bulyaw ni Che-che sa kaniyang kapatid. Binigyan lang s’ya ni Ellis ng isang nakakainis na tingin. Napapailing na lang sa kaniya si Che-che at padabog na sinipa ang kaniyang paa. Kokotongan na dapat ni Ellis ang kapatid ng maramdaman ang titig ng ina. Umiwas na lang s’ya dito. Ayaw ni Ellis makisabay sa kasiyahan ng lahat. Pakiramdam niya ay wala s’ya sa mood para sumawsa sa atmosphere ng lahat. Simula ng mangyare ang bagay na iyon isang linggo na ang nakalipas, bigla na lang s’yang nawalan ng gana. Naka-upo lang s’ya ngayon sa hagdan at nakatitig sa mga kapit-bahay na naglalabas-pasok sa kusina nila. Ang iba ay nahuhuli n’ya pang may dala-dala ng supot paglabas. “Tsk!” Hindi mapigilan ni Ellis ang mapa-irap habang nakatitig sa mga taong iyon. Nang hindi na niya makayanan ang nararamdaman ay umakyat siya sa kaniyang kwarto. Isang linggo na rin simula ng makabalik ang tatay n’ya. Masayang-masaya ang lahat kaya naman pang-pitong araw na ang handaan sa bahay nila. Kahit na napapagod na ang kaniyang ina, ayaw parin nitong tumigil sa pagluluto. Mukhang masayang-masaya naman ang kaniyang ina kaya hindi na niya ito pinigilan. Ngayon ay nakatitig lang s’ya sa kisame. Isang linggo na rin simula nang hindi magparamdam sa kanila si Theo. Pakiramdam n’ya ay may kung anong bagay ang hindi n’ya alam tungkol sa kaibigan. Ngayon ay gustong-gusto n’yang hanapin ang kaibigan ngunit hindi niya alam kung saan hahanapin. Hindi niya alam kung saan nakatira ang kaibigan. Pakiramdam n’ya ay wala s’yang kwentang kaibigan. Patuloy na umaalingaw-ngaw sa isipan n’ya ang mga huling sinabi ng kaibigan bago ito hindi magpakita. Hanggang ngayon ay ninanamnam n’ya ang mga salitang iyon. “Kuya!” Mula sa pinto ay narinig nanaman n’ya ang kaniyang kapatid. “Ano nanaman?” Bulyaw niya dito. “Tawag ka nila kuya Ash,” Wika nito. Naramdaman ni Ellis na umalis na sa likod ng pinto ang kapatid kaya naman bumangon na siya sa pagkakahiga. Lumapit siya sa pinto at saka ito ni-lock. Muli rin siyang bumagsak sa kaniyang kama. Ilang araw na siyang ganito. Ilang araw na siyang walang gana. Para bang may nawala sa kaniya. Hindi niya alam kung ano o sino. He tried to sleep but the sounds and noise downstair makes him more irritated. He wants to shout at them but every time he looks at his mom, he can’t afford to do it. Sa isip-isip niya ay pagbigyan n’ya na lang ang mga ito. Tinupad ni Avery ang kaniyang pangako sa binata. Ibinalik nito ang kaniyang ama na para bang walang nangyare. Napansin n’ya rin na para bang hindi naalala ng kaniyang ama ang mga nangyare sa kaniya. Napagdesisyonan nalamang ng kaniyang ina na huwag ipaalam dito ang mga nangyare. “Kuya!” Muli nanamang narinig ni Ellis ang kapatid. Ngayon ay mas lalo na s’yang nainis dahil sa mga pangungulit nito. Padabog s’yang lumapit sa pinto at binuksan ito. Tumambad sa kaniya ang tatlong kaibigan na mukhang mga tambay sa kanto. Malalaki ang mga ngiti nito na mukhang katatapos lang kumain. “Tara sa mansyon,” Sambit ni Ash. Pinagmasdan ni Ellis isa-isa ang mga kaibigan. Sa huli, pumayag na s’yang sumama dito. Wala na rin naman s’yang magagawa dahil paniguradong hindi siya tatantanan ng mga ito. Pagbaba nila ay naabutan niya ang kaniyang ina at ama na masayang nagtatawanan. Nang makita s’ya ng kaniyang ama ay saka siya nito nilapitan. “Aalis po muna ako,” Panimula niya sa kaniyang ama. Hindi na tuloy natapos ng kaniyang ama ang sasabihin nito dahil nagsimula ng lumabas si Ellis. Nagkatinginan na lamang ang mga kaibigan niya at mga magulang dahil sa inakto ng anak. Tahimik na naglakad si Ellis habang pinakikinggan ang maiingay na kwentuhan ng mga kaibigan. Hindi niya magawang makisali sa mga ito dahil hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala rin siyang maisip ikwento sa mga ito. Lingid sa kaniyang kaalaman, ramdam ng kaniyang mga kaibigan ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi nila alam kung paano ito sasabihin sa kaniya dahil ngayon lamang nila nakitang ganito si Ellis. Sa pagkakataong ito, mahirap na s’yang basahin. “Sa tingin mo, anong gagawin ko?” Tanong ni Frank. “Kumain ka marami tapos kapag pumutok ka na, finish na.” Natatawang sabi ni Jet. Hindi na lamang pinansin ni Ellis ang tawanan ng mga kaibigan. Habang naglalakad, nakasalubong nila ang grupo nila Bon. Napahinto silang apat ng makita na marami sila ngayon. Walang emosyong tiningnan ni Ellis si Bon na malaki ang ngiti. “Yow Ellis,” Bungad nito sa kaniya. Narinig n’yang nagtawanan ang mga kasama ni Bon. “Nasaan na ‘yung kaibigan n’yong isa tapos ‘yung magandang babae? Bakit hindi n’yo kasama?” May halong pang-aasar ang boses ni Bon na ikinainis ni Ellis. “Oi Bon, hindi kami nandito para makipag-away.” Sambit ni Ash. Nakangiti lang si Bon sa kaniya at saka winasiwas ang dos-por-dos na hawak. “Alam mo ba kung saan kami galing? Nagpalaki kami ng gang.” Nakangiting wika ni Bon. Pinagmasdan ni Ash ang mga kasama ni Bon. Totoo nga ang sinabi nito. Kung dati ay halos nasa dose sila, ngayon ay dumoble na. Mukhang balak ata nila Bon maging pinakamalaking gang sa buong Manila. “Tsk!” Nawala ang ngiti ni Bon ng marinig ang buntong-hininga ni Ellis. Nilapitan niya ito at saka nagwika sa mismong harapan niya. “Hindi mo na ako matatalo ngayon,” Proud na sabi ni Bon. Lingon s’ya ni Ellis at saka nagwika. “Kapag ba natalo kita, magiging akin ang gang mo?” Tanong ni Ellis. Napatingin sa kaniya sina Ash at gulat na gulat dahil sa narinig. Napahalakhak na lamang si Bon dahil sa sinabi ni Ellis. Gayun pa man, hindi na natapos ni Bon ang tawa dahil mabilis siyang sinipa sa ulo ni Ellis. Nagulat ang lahat ng makitang bumagsak si Bon. “Bon!” Sigaw ng isa sa kaibigan ni Bon. Agad na ipinatong ni Ellis ang paa sa ulo ni Bon upang hindi ito agad makabangon. “Masyado ng matanda ang pinuno n’yo. Dapat ng palitan,” Nakangiting wika ni Ellis. Hindi naka-imik ang mga tauhan ni Bon. Ganu’n din sina Ash na gulat na gulat parin sa nangyare. Hindi maiwasan ni Ash pagmasdan si Ellis habang nakatayo ito sa likuran ni Bon. Sa isip-isip ni Ash ay nagbago si Ellis. ‘Hindi ko na s’ya kilala,’ Wika ni Ash sa kaniyang isipan. *** “So, dito ang hideout n’yo?” Tanong ni Frank. Tumango ang isa sa mga kasamahan ni Bon. Pumasok na sa loob ng warehouse si Ellis. Nakita n’yang may ibang mga tao du’n na mukhang kasama rin sa kanilang grupo. Nu’ng una ay nagulat ang mga ito ngunit ng sabihin nilang s’ya ang bagong pinuno ay hindi na sumagot ang mga ito. Galak na tinanggap ng lahat si Ellis. Habang nangyayare iyon ay hindi mapigilan ni Ash na magtaka lalo na sa ikinikilos ng kaibigan. Alam ni Ash na wala sa motto ni Ellis ang sumali sa mga gang lalo na at mukhang seryoso ang gang na ito. “Simula sa araw na ito, I am your new boss.” Seryosong wika ni Ellis. Napatingin ang lahat kay Bon na akay-akay ng kaniyang mga loyal na tagasunod. Nasa likuran lang ni Ellis ang tatlo niyang kabigan na pare-parehong nagtataka sa nangyayare. Hindi na tuloy nakapunta sina Ash sa abandonadong mansyon na iyon dahil mukhang may bagong tutuluyan na si Ellis. Samantala, hindi naman pabor dito si Ash. Pakiramdam n’ya talaga ay may nagbago kay Ellis. Alas-sais nang gabi at iilan na lamang ang nandu’n sa abandonadong warehouse na iyon. Napag-isipan ni Ash na kausapin ng masinsinan ang kaibigan. Actually, kanina n’ya pa dapat ito kinausap ngunit hindi s’ya makahanap ng tyempo dahil kausap nito si Bon. Ngayon ay mag-isa na lang ito at tila malalim ang iniisip. Sabay-sabay na tumango sina Ash, Jet, at Frank bago lumapit sa kaibigan. “Ellis,” Naglakas-loob na rin si Jet na tawagin ang kaibigan. Hindi lumingon sa kanila si Ellis. Sa halip, nagsalita ito na hindi nila inaasahan lalo na ang mga sinabi nito. “You can leave if you don’t want to do it. Hindi ko naman kayo pinipilit.” Wika ni Ellis. “Ellis, ano bang nangyayare sa’yo? Isang linggo ka ng ganiyan,” Wika ni Ash. Biglang tumawa si Ellis at humarap sa mga kaibigan. “What do you mean? Wala namang nagbago sa akin,” Natatawang sabi niya. Umiling-iling si Ash at saka sinigawan si Ellis. “Akala mo lang wala. Sa tingin mo ba hindi namin napapansin ang mga pinaggagagawa mo? Bakit? Dahil ba ito kay Avery---" Hindi natapos ni Ash ang sasabihin ng bigla s’yang sinapak ni Ellis. Mabilis na natumba si Ash kaya agad na pumagitna ang dalawa. “Don’t you ever say that name,” May diing sabi ni Ellis. Hindi nakapagsalita ang tatlo n’yang kaibigan. Gulat na gulat pa rin sila sa inasal nito. Ngayon ay sigurado na siyang ang taong iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganu’n si Ellis. “Alam mo Ellis, ang gag* mo!” Sabi ni Ash saka tumayo ng diretso. Pinunasan n’ya pa ang dugo sa kaniyang bibig. “Napakagag* mo,” Dagdag ng kaibigan n’ya. Padabog itong lumakad palabas ng warehouse na iyon. Sumunod naman kay Ash ang dalawa n’yang kaibigan. Naiwan si Ellis na hindi malaman ang gagawin. Napatingin siya sa kaniyang kamay. Duon n’ya lamang napagtanto ang kaniyang ginawa. Sa guni-guni n’ya, hindi niya sinasadya iyon at alter ego niya ang may gawa nu’n. Gayun pa man, huli na para humingi ng tawad dahil mukhang hindi na s’ya mapapatawad ng mga ito. *** Kasalukuyang kumakain si Ellis ng ipinabili niyang siomai sa mga kasamahan ng makita ang isang kagrupo na mukhang galing sa takbuhan. Diretso itong lumapit sa kaniya at napagtanto niyang may mga pasa ito sa mukha. “Iyong kabilang gang, hinahanap ka.” Bungad nito sa binata. Sumilay ang ngiti sa mukha ng mga kasamahan ni Ellis. Ramdam niyang isang labanan ang mangyayare. “Sabihin mo, mamayang alas-syete.” Walang emosyong sabi ni Ellis. Agad sinunod ng mga tauhan n’ya ang ipinag-uutos niya. Hindi rin nagtagal ay dumating nag nakatakdang oras. Nakita niyang may dalang 24 individuals ang gang na kakalabanin nila. Saktong-sakto lang sa bilang nila ngayon. Matapang s’yang lumapit sa pinuno nito. Nakangiti pa ang pinuno ng kabila habang hawak-hawak ang isang batuta. “You know the rules,” Wika ni Ellis. Humalakhak sa tawa ang pinuno ng kabilang gang. “As if you can beat me, asshole!” Bulyaw nito kay Ellis. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Ellis. Kasabay nu’n ay mabilis niyang sinuntok ang kalaban. Nagtatatalon pa si Ellis na gaya ng sa mga boxing habang inaantay na makabawi ang kalaban. Galit na galit na ngayon ang pinunong iyon at saka inihanda ang batuta ngunit sinundan agad ito ni Ellis ng isang sipa sa tiyan na ikinabagsak muli ng kalaban. Duon na pumatong si Ellis at pinag-susuntok ang lalaking iyon. Nagulat ang mga kasamahan nito sa kabilang gang dahil sa kakaibang lakas at presensya ni Ellis. Inabot lamang ng thirty minutes ang pangyayare at mabilis na nakuha ni Ellis ang gang na iyon. Sa ngayon, mayroon nang 48 members ang gang ni Ellis. Hindi parin makapaniwala ang mga kasamahan niya na nagawa n’yang talunin ang mga pinunong iyon. Lingid sa kaalaman niya, nanonood lamang sa kaniya sina Ash at pilit na iniintindi ang kalagayan ni Ellis. Kahit na may hindi sila pagkakaunawaan, alam niyang hindi ganu’n si Ellis. Alam ni Ash na may mali at hindi niya mabasa ang nasa isipan ng kaibigan. Hindi na siya gaya ng dati. Hindi na siya tulad ng dating Ellis. Gayun pa man, isa lang ang alam ni Ash. Si Avery ang dahilan ng lahat ng ito. “Kung nandito lang si Theo, malamang na hindi ganiyan si Ellis,” Wika ni Frank. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang idea kung nasaan ang isa pang kaibigan. Wala rin silang balita kay Theo na hanggang ngayon ay hindi pa nagpaparamdam. Muli nilang pinagmasdan si Ellis habang napapalibutan ng mga bagong kasamahan. Hindi ito nakangiti. Hindi rin nila ito nakikitaan ng saya. Mahirap ng basahin si Ellis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD