Maagang nagising si Ellis ng marinig niya ang tunog ng kaniyang telepono. Napagtanto niya na halos pitong oras s’yang nakatulog. Lihim na ikinasaya iyon ni Ellis dahil ngayon lamang s’ya nakapagpahinga ng ganu’n. Agad n’yang kinuha ang cell phone upang silipin kung sino ang nag-text. Nang makita niya ang pangalan ni Mr. Gilmore ay mabilis n’ya itong binuksan. Ayon kay Mr. Gilmore, balak makipagkita ni Senator Sulliman sa kaniya. Mukhang ngayong araw lang may free time ang senador. Naalala n’yang hindi nga pala na-meet ni Bon ang senador dahil busy ito makipag-usap nang gabing iyon. Agad n’yang ni-reply-an si Mr. Gilmore. Pagkatapos, gumayak na agad s’ya upang makapunta. Naisip n’yang siya na mismo ang humarap sa senador dahil hindi pa naman siya nito nakita kailanman. “Oh! Saan tayo pu

