“Dad, can I talk to you?” Sambit ni Avery kay Mr. Lewis. Kasalukuyan itong nasa opisina niya at may mga pinipirmahang mga papeles. Napatingin siya sa pintuan at nakita ang anak. “What is it?” Tanong n’ya. Hindi na rin siya nag-atubiling itago ang mga papeles na iyon tungkol sa ilang mga illegal transaction ng underground fights nila. Dahan-dahang naupo si Avery sa upuan. Napansin naman ni Mr. Lewis ang kakaibang kilos na iyon ni Avery kaya naman tiningnan n’ya ito sa mata. “Dad, I just wanted to know about your meeting last night.” Panimula ni Avery. Napakunot ng noo ang ama niya dahil sa tanong niya. Kalaunan ay naintindihan rin nito ang meeting na tinutukoy ng anak. “Do you know them?” Dagdag na tanong ni Avery. “Well, of course nabalitaan mo na ang notorious gang na kumakalat sa

