Dahan-dahang inilapag ni Avery ang isang basket na puno ng prutas sa lamesa. Iniiwasan niyang makalikha ng ingay upang hindi magising ang ina ni Che-che. Pigil naman ang tawa ni Che-che dahil sa kilos na iyon ni Avery.
“Ano ka ba Ate Avery, hindi mo naman kailangang maging OA ng ganiyan,” Sambit ni Che-che. Tinaasan lang s’ya ng kilay ni Avery dahil sa pang-aasar na iyon ng dalaga.
Medyo close na rin kase silang dalawa at minsan ay nagpapalitan pa ng mga messages. Agad rin siyang sinabihan ni Che-che tungkol sa nangyare sa kaniyang ina kaya naman hindi ito nag-aksaya ng panahon na puntahan.
“Nasaan pala ang kuya mo?” Pag-iiba ni Avery ng usapan. Hindi siya nakatingin kay Che-che at sa halip, pinagmamasdan niya ang ina ni Ellis. Mahimbing itong natutulog.
Huminga lang ng malalim si Che-che at binigyan si Avery ng nakakairitang tingin.
“Ewan ko sa lalaking ‘yun, umalis nalang bigla kanina.” Sambit niya. Hindi nagsalita si Avery. Iniisip niya na malamang ay naramdaman ng binata na paparating siya kaya umalis ito.
Simula kahapon ay hindi n’ya pa nakakausap ang binata. Hindi n’ya rin sinasabi kay Che-che na nagkita sila ng kuya niya kahapon sa masquerade party ng kanilang organization.
“Nga pala ate, bakit hindi na kayo nagkaka-usap ni kuya?” halos mabagsak ni Avery ang cell phone sa tanong na iyon ni Che-che. Hindi niya inaasahan na itatanong iyon ng dalaga. Natatawa na lang siya dahil iniisip n’ya lang ang bagay na iyon kanina.
Humarap si Avery kay Che-che at saka tumabi sa kaniya.
“Sa totoo n’yan, ilang buwan na kaming hindi nagkikita.” Hindi maintindihan ni Avery kung bakit niya sinasabi sa kapatid ni Ellis ang bagay na iyon. Ayaw n’ya talagang iparating ang tungkol sa pagitan nila ni Ellis ngunit pakiramdam niya ay gusto niyang magkwento dito, hindi bilang kapatid ni Ellis ngunit bilang kaibigan.
“Hindi pa kami nag-uusap o nagkikita,” panimula ni Avery. Hindi naman makapaniwala si Che-che na naririnig. Gayun pa man, pili lamang ang naiisip ni Avery na sabihin dito dahil ayaw niyang ibulgar sa dalaga ang totoo niyang pagkatao.
“Siguro nga ay okay na iyon para hindi na lumaki ‘yung gap sa pagitan namin,” Mahinang wika ni Avery.
“Anong ibig mong sabihin ate? Wala na kayong communication ni kuya? Akala ko meron pa?” Tanong ng dalaga. Umiling si Avery. Iniisip niya na siya ang dahilan kaya nawala ang koneksyon nila sa isa’t-isa. Iniisip n’ya pa rin kase ang mga huli niyang sinabi sa binata.
“Ellis, huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ang mga taong hindi na babalik.”
Alam niyang tinotoo ng binata ang mga sinabi niyang iyon. Hindi naman s’ya nagsisisi. Ayaw niyang madamay pa sa mundo niya si Ellis. Isang ordinaryong tao lang si Ellis kaya naman hindi niya gugustuhin madamay ulit ito at ang pamilya n’ya.
“Sorry,” Bulalas niya. Nagulat si Che-che sa sinabi ni Avery.
“Huh?”
“I’m sorry,” Sambit ni Avery. Humihingi siya ng tawad dito dahil sa nangyare sa kaniyang ama. Iniisip n’ya paring kasalanan niya ang nangyareng iyon.
Huminga ng malalim si Che-che at saka hinawakan ang kamay ni Avery. Nagulat ang dalaga sa ginawa nit.
“Palagi ka nalang humihingi ng tawad. Itigil mo na nga ‘yang hobby na ‘yan,” Sambit ni Che-che. Ngumiti siya dito. Kahit kailan talaga ay magaan kausap ang kapatid ni Ellis.
“Opo, ititigil na.” Natatwang sambit ni Avery.
Saglit silang nagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Minsan ay nagkukwentuhan rin sila tungkol sa mga lalaki o kaya naman ay ang mga mamahaling brands.
Matapos ang kalahating oras ay naramdaman ni Che-che ang kaniyang cell phone sa bulsa. Nang tingnan n’ya ito ay nakita niyang may tumatawag dito. Saglit siyang nagpaalam sa kaibigan upang sagutin ang tawag.
Naiwan sa loob si Avery habang inililibot ang buong paningi. Agad pumasok sa isipan niya ang ina habang pinagmamasdan ang buong kwarto. Naranasan na niyang manatili sa ospital noon nu’ng nagbabantay siya sa ina.
Tumayo siya upang sumilip sa bintana. Nakita niya ang ilang mga nagtataasang building sa malapit. Nagbabalik nanaman sa isipan niya ang mga pinagdaanan niya nuon sa ina. Hindi n’ya tuloy maiwasang makita ang sarili kay Che-che.
Habang pinagmamasdan ang mga building ay naramdaman niyang bumukas ang pinto. Iniisip niyang si Che-che lang iyon dahil malamang na tapos na ito makipag-usap sa kaniyang telepono.
“Ang bilis mo naman,” Sambit ni Avery saka lumingon sa kaniyang likuran. Halos hindi siya makagalaw ng makita si Ellis sa pintuan. Gulat rin itong nakatingin sa kaniya. Para bang tumigil ang mundo sa pagitan nila.
Hindi inaasahan ni Ellis na makikita ang dalaga dito sa ospital. Ngayon ay naghahalo ang kaniyang nararamdaman.
Agad na tumalikod si Ellis at saka binuksan ang pinto. “Pasensya na,” Sambit niya dito. Nagulat si Avery sa ginawang iyon ni Ellis kaya mabilis niyang hinabol ang binata. Sa ngayon, gusto n’yang makausap ito.
“Ellis sandali!” Tawag n’ya dito. Hindi siya pinansin ng binata. Mas binilisan pa nito ang kilos upang hindi siya mahabol. Mas nainis naman si Avery dahil ang bilis maglakad ni Ellis. Sa isip-isip niya ay wala paring pinagbago ang inata.
Nakarating sila sa basement kung saan nakaparada ang mga kotse. Inaasahan ni Ellis na nakasunod pa rin sa kaniya si Avery. Sa pagkakataong iyon, humarap siya sa dalaga. Nagulat si Avery sa ginawang iyon ni Ellis. Halos magkalapit lang ang kanilang mga katawan dahil sa biglaang paghinto ni Ellis.
“Why?” Bungad na tanong ni Ellis. Hindi nakasagot si Avery. Para sa kaniya, marami ang ibig sabihin ng tanong ni Ellis. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
"Bakit Avery?" Tanong muli ni Ellis. Napalunok na lamang si Avery dahil sa kaba.
“I’m sorry,” Ito ang unang mga salitang sinabi ng dalaga kay Ellis sa loob ng ilang buwan. Ito rin ang unang beses na nagkaharap sila ng ganito.
Nanatili namang nakatingin si Ellis kay Avery habang inaantay ang mga susunod na sasabihin nito. Para sa kaniya, hindi sapat ang salitang ‘sorry’ lang. Marami siyang gustong marinig sa dalaga na hindi niya narinig sa loob ng ilang buwan.
“I’m sorry kung umalis ako. I thought that was for good.” Sambit ni Avery. Aware si Avery sa nangyayare sa binata. Alam n’ya rin ang mga pagbabago nito kaya iniisip niyang dahil iyon sa kaniya. Iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang makausap si Ellis. Gusto niyang linisin ang konsensya dito.
“Tama ka naman, this was for good.” Sagot ni Ellis. Napayuko na lamang si Avery dahil nararamdaman niya ang lungkot sa boses ni Ellis. Maya-maya ay tumalikod ang binata sa kaniya at naglakad papunta sa kotse nito. Nagulat si Avery dahil hindi pa siya handang paalisin ang binata.
Pagsakay ni Ellis sa kotse ay agad n’ya itong pina-andar. Tumingin siya kay Avery na nakatayo pa rin sa labas.
“Hindi naman tayo kaya hindi natin kailangan ng closure,” sambit ni Ellis. Hindi nakapagsalita si Avery sa mga sinabi ni Ellis. Ngayon siya natauhan dahil sa mga sinabi nito. Tama ang binata, hindi naman naging sila kaya walang silang karapatan para sa kakaibang nararamdaman.
Tuluyan nang umalis si Ellis. Nalulungkot ng lubusan si Avery sa hindi malamang dahilan. Hindi niya alam kung bakit labis siyang apektado kay Ellis gayong saglit lang naman silang nagkasama.
Tahimik na bumalik si Avery sa kwarto ng ina ni Che-che. Naabutan niya duon si Che-che na kumakain ng saging. Nang makita siya ay mabilis siyang ngumiti dito.
“Saan ka galing? Nga pala, nagkita na kayo ni kuya?” Nakangiti nitong wika. Napakunot naman ng noo si Avery.
“Huh?”
Ngumiti lalo ng malaki si Che-che at saka tumingin ng may pang-aasar kay Avery.
“Nagkita na kayo, no? Nakasalubong ko si kuya kanina na papunta dito. Hindi ko sinabi sa kaniya na nandito ka.” Nakangiting sinabi ni Che-che. Napangiti na lang rin si Avery dahil mukhang si Che’che ang dahilan kaya sila nagkita ngayon ni Ellis.
“I owe you this time,” Nakangiting wika ni Avery kay Che-che. Napakunot na lang ng noo ang dalaga dahil sa sinabi ni Avery.
***
“Saan ka ba galing? Bakit ganiyan ang itsura mo?” Tanong ni Bon kay Ellis na kararating lang. Nang makita niya itong bumaba sa kotse ay napataas ang kilay nito. “At bakit nagmamaneho ka ngayon?” Dagdag pa nito.
“Kay mama,” Sagot ni Ellis. Nalaman na rin ni Bon ang nangyare sa ina ni Ellis kaya naman naintindihan n’ya ito.
“Pagbibigyan kita ngayon, sa susunod hindi ka pwedeng mag-drive. Kailangan mo munang magkalisensya.” Hindi sumagot si Ellis at dire-diretso itong pumasok sa loob.
Nahiga siya sa kaniyang sofa at hindi inintindi ang ilang miyembro ng kanilang grupo na nasa loob. Ipinikit n’ya lang ang mata at pilit inaalis sa isipan si Avery.
Naramdaman naman niyang umaalis sa kwartong iyon ang mga tauhan nila na mukhang pinapaalis ni Bon.
“So, anong nangyare?” Tanong muli ni Bon.
“Nagkita kami ni Avery,” wala sa sariling wika ni Ellis. Hindi naman nagulat si Bon. Inaasahan niyang magkikita ang dalawa. Paliit na rin kase ng paliit ang kanilang mga mundo kaya alam n’yang hindi na ito bago.
“Then?”
“Wala naman nangyare,” Tugon ni Ellis. Tumango-tango si Bon sa kaniya at saka siya inabutan ng isang bote ng alak. Sinamaan siya ng tingin ni Ellis dahil duon.
“Well, asahan mo nang magkikita ulit kayo ni Avery. Maliit na ang mundong ginagalawan n’yo, remember?” Hindi sumagot si Ellis. Alam niya ang bagay na iyon. Inabot nalang niya ang alak na binigay ni Bon at saka ininom. Nag-inuman nanaman sila ni Bon.
“May problema rin pala tayo,” Singit ni Bon. Hindi siya pinansin ni Ellis at inubos ang laman ng bote. “Mukhang may mga pulis ang balak pumasok sa grupo natin,” Pagkaubos ni Ellis ay saka n’ya binato ang bote. Nabasag iyon at kumalat sa sahig ang mga bubog.
“Hayaan mo sila,” Sambit ni Ellis. Napangiti lang si Bon sa kaniya.
“Ano nga palang nangyare sa meeting?” Tanong naman ni Ellis. Inubos na rin ni Bon ang laman ng bote at saka binato rin ang bote.
“Gaya ng plano mo,” Sagot ni Bon at saka inabutan ulit si Ellis ng bote ng alak. Ngumiti na lang si Ellis at saka inubos muli ang laman ng bote.