Part Two Chapter Eleven: The secrets.

1738 Words
“Okāsan, pātī ni modoranakya. (Mom, we should go back to the party.)” Sambit ni Avery sa kaniyang ina. Kasalukuyan silang nasa elevator papunta sa kinaroroonan ng asawa nito. Hindi pa kase siya nakikita nito simula nu’ng umuwi siya ng Japan. “Shinpaishinaidekudasai, watashi wa genkidesu. (Don't worry, I'm fine.)” Sagot sa kaniya ng ina. Huminga na lamang ng malalim si Avery. Kanina pa niya sinasabi sa ina na nasa meeting ito ngunit sadyang makulit ang ina. Wala na rin naman itong nagawa nang sumakay sa elevator ang ina. Balak sana niyang hanapin si Ellis ngunit mas priority niya ang ina sa ngayon. Pagdating nila sa pinakamataas na floor ay bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na lumabas ang dalawa at nagtungo sa pinakadulong kwarto. Nakita agad sila ng ilang mga men-in-black na nagbabantay sa pinto. “Bawal kayo dito,” Wika ng isa sa kanila. “Dōshite? Otto ni aitai dakedesu. (Why? I just want to meet my husband.)” Ma-otoridad na sabi ng ina ni Avery. Napatingin kay Avery ang men-in-black na iyon. Medyo nagdadalawang-isip pa sila ngunit dahil sa masungit na itsura ng ina ni Avery ay pinapasok na nila ito. Pagpasok sa loob, napatingin sa kanila ang mga taong nakaupo sa harap ng isang mahabang lamesa. Nakita niya agad ang ama na mukhang nagulat sa presensya nila. Nilingon ni Avery ang ilang taong nandu’n at nakita niya ang isang pamilyar na pigura. “Aiko?” Gulat na tanong ng kaniyang ama. Tumayo ito upang lumapit sa kaniya. Nanatili lang na tahimik si Avery habang pinagmamasdan ang pamilyar na taong iyon. Iniisip niya kung saan niya nakita ang taong iyon. “What are you doing here? I thought you’re in Japan,” Sambit nito sa asawa. Habang nag-uusap ang mga magulang niya, sinamantala na ni Avery ang pagkakataon upang lapitan ang pamilyar na pigurang iyon. Hindi naman kumibo ang taong iyon at tila ba hindi iniintindi ang pagtitig sa kaniya ng dalaga. Nang makalapit si Avery ay saka niya ito binigyan ng isang ngiti. “You must be the visitor of my father. It’s nice to meet you,” Nakangiti niyang sabi. Tumayo rin ang lalaki at saka kinuha ang kamay ni Avery. Hindi pa tuluyang nakikita ni Avery ang mukha nito dahil sa maskarang suot. “It’s nice to see you again, Miss Avery.” Nakangiting sambit ng lalaki. Hindi naman nagbago ang reaksyon sa mukha ni Avery. Gayun pa man, malakas ang sigaw ng kaniyang isipan. Iniisip niyang tama ang hula niya na kilala niya ang lalaking iyon at nakita na niya sa kung saan man. “Why don’t you rest in one of our suites?” Narinig ni Avery na tanong ng kaniyang ama sa ina. Agad na sinapawan ni Avery ang sinabi ng ama. “He’s right Mama. Magpahinga na po muna kayo,” Malambing na wika ni Avery. Wala ng nagawa ang ina. Alam niyang wala siyang laban sa mga salita ng kaniyang anak. “Alright,” Nakangiting wika nito. Nagpaalam na ang ina sa lahat. Nagpaalam na rin si Avery sa lalaking iyon. Bago lumabas ng kwarto ay tiningnan n’ya muna ang lalaki. Nakangiti ito sa kaniya. Pagkasara ng pinto ay saka naupo ang mga taong nandu’n sa meeting na iyon. “You know my daughter? Mr. Cosevio?” Tanong ni Mr. Lewis kay Bon. Tumango si Bon at saka ipinakita ang confidence na meron siya. “Yes, I’ve seen her once.” Tugon niya dito. Dahan-dahang tumango si Mr. Lewis at saka tumingin kay Mr. Gilmore. “Si Sulliman nasaan?” Tanong niya dito. Kanina pa sila tapos sa kanilang usapan ngunit hindi n’ya pa rin nakikita ang senador. “Nasa baba kasama ang iba pang mga politicians,” Diretsong sagot ni Mr. Gilmore. Tumango-tango si Mr. Lewis at saka ibinalik ang tingin kay Bon. Hindi pa rin inaalis ni Bon ang kaniyang ngiti sa mga ito. “I hope you enjoy this night, pero mukhang aalis kana after ng meeting na ito.” Sambit niya kay Bon. Inabot ni Bon ang isang basong alak at saka ininom iyon. Pagkatapos ay saka niya nginitian si Mr. Lewis. “Pasensya na ngunit tama ka, may importante pa kase akong aayusin. Hindi ko rin naman planong magtagal dito,” Sambit ni Bon. Tumango-tango si Mr. Lewis at saka tumayo. “I want to meet your boss. Tell him maybe next time,” Sambit ni Mr. Lewis at saka lumabas ng pinto. Sumunod sa kaniya ang ilan pa nilang ka-meeting at naiwan sa loob si Mr. Gilmore at si Bon. “Bumalik na tayo kay Ellis,” Wika ni Bon. *** Halos maubos na ni Ellis ang isang pakete ng sigarilyo. Kanina pa siya sa labas ng kanilang kotse habang inaantay sina Bon. Malapit ng mag-umaga kaya naman lumabas na siya duon. Wala rin naman siyang nagawa sa loob. Nakatulala lang siya sa madilim na parte ng kalangitan habang inaalala ang mga kaganapan kanina. Maya-maya ay naramdaman niya sina Bon sa likuran at mukhang katatapos lang mag-meeting. “Ang tagal n’yo naman,” Pagmamaktol ni Ellis. Natatawa na lang si Bon kay Ellis dahil minsan ay may pagka-isip-bata ang binata. “Pasensya na, medyo naparami ang kwentuhan,” Sambit ni Bon. Luminga sa likuran ni Bon si Ellis upang hanapin si Mr. Gilmore. “Nasaan si Mr. Gilmore?” tanong ni Ellis. Nag-inat-inat si Bon at saka binuksan ang pinto. “Nasa amo n’ya,” wika ni Bon. Tumango-tango na lamang si Ellis. Malamang na kasama ni Mr. Gilmore si Senator Sulliman. Hindi na lamag sumagot si Ellis at pumasok na sa kotse. Inalok n’ya pa si Bon kung s’ya na ang magmamaneho ngunit ng maalala na wala pala s’yang lisensya ay hindi na rin siya sumagot. “Sa susunod ay kumuha ka na ng lisensya,” pagmamaktol ni Bon. Siningkitan lang s’ya ng mata ni Ellis. “Oo na,” ngunit sa isip-isip ni Ellis ay malamang na ayaw na magmaneho ni Bon para sa kaniya. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang biruan. Hindi naman masyadong seryoso ang mga iyon. Kinabukasan, maagang nagising si Ellis ng marinig niya ang tunog ng kaniyang telepono. Nakita niya sa kaniyang cell phone na tanghali na. Mabilis siyang bumangon upang sagutin ang tawag na iyon. “Yes?” Alam niyang si Che-che iyon kaya naman hindi na s’ya nagsayang pa ng oras upang tanungin kung sino iyon. Medyo na hihilo pa si Ellis ng tumayo siya. Naalala n’yang nag-inuman pa sila ni Bon kagabi bago matulog kaya naman may hangover pa siya. “Si Mama…” natigilan sa paglalakad si Ellis ng marinig ang sinabi ni Che-che. “Anong meron kay Mama?” Tanong niya ngunit nababalutan na rin ng kaba si Ellis. Ang daming pumapasok sa isipan niya ngunit pilit niya itong inaalis. “Nandito kami ni Papa ngayon sa ospital, bigla nalang kaseng hinimatay si Mama.” Pagkarinig niya nu’n ay agad sumabog ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang mataranta ngunit iniiwasan niya iyon. “Tell me the address,” Pagkasabi sa kaniya ni Che-che ng address ay agad na siyang nagbihis. Hindi na niya ginising pa si Bon. Kinuha n’ya lang ang susi sa bulsa ni Bon at saka lumabas. Nagmaneho siya patungo sa ospital na sinasabi ni Che-che. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa kung nasaan sila kanina. Pagdating duon ay mabilis niyang hinanap si Che-che. “Kuya!” Tawag sa kaniya ni Che-che. Nang makalapit s’ya dito ay nakita n’ya rin ang ama. Tahimik itong naka-upo sa gilid at mukhang malalim ang iniisip. Balak n’ya sanang kunin ang atensyon nito ngunit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang may masabi sa ama lalo na sa mga nangyare sa kaniya. “Ano nang balita?” Ibinaling na lang niya ang atensyon kay Che-che. Kahit medyo hindi maayos ang huli nilang pag-uusap, nakalimutan nila pareho iyon alang-alang sa ina. “Hindi ko pa alam, nasa loob pa sila.” Naramdaman ni Ellis ang panginginig ng kapatid. Malamang na natakot rin ito sa posibleng mangyare sa ina. Tahimik na umupo si Ellis. Isang upuan ang pagitan nila ng ama ngunit hindi n’ya parin ito magawang kausapin. Maya-maya ay dumating ang doktor. Nang makita sila ay agad itong lumapit. Mukhang bumalik na rin sa reyalidad ang kaniyang ama kaya ito na ang kumausap sa doktor. “Ano pong nangyare sa asawa ko?” “Wala naman pong serious problem, mukhang due to stress ang nangyare. Masyado pong pagod ang kaniyang utak kaya medyo nanghina ito.” Sambit ng doktor. Tumango na lamang ang ama dahil mukhang naintindihan na niya ang ibig sabihin ng doktor. Hindi na muling nagtanong pa si Che-che. Nang umalis ang doktor ay hindi na napigilan ni Ellis ang magsalita. “If you need anything, just ask.” Wika niya. Lumingon sa kaniya ang ama na ikinagulat niya. “Sabihin mo sa akin, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Ikaw?” Tanong niya sa kaniyang mga anak. Nagkatinginan si Che-che at si Ellis. Hindi nila inaasahan ang tono ng pananalita ng ama. “May hindi ba kayo sinasabi sa akin?” tanong ulit nito. Hindi nakasagot ang dalawa. Naintindihan na rin nila ang ibig sabihin ng mga tanong ng ama. Para bang alam nila ang nag-uusap sila sa kani-kanilang mga isipan. “Nothing,” Maikling sagot ni Che-che. Hindi nagsalita si Ellis. Ayaw niyang madulas sa sasabihin. Kitang-kita naman ang pagka-irita sa mukha ng kanilang ama. “Akala n’yo ba hindi ko nararamdaman ‘yun? Kitang-kita ko iyon sa ina n’yo. Ramdam na ramdam ko iyon sa kaniya,” Hindi nakapagsalita si Ellis. Iniisip niya na mukhang sinisisi ng ama ang kaniyang sarili sa nangyayare sa ina. “Hindi mo kasalanan ang nangyare---” “Anong hindi? Simula ng makabalik ako, nararamdaman ko sa kaniya iyon. Hindi ko matukoy kung ano,” Wika ng ama. Hindi na ulit siya nagsalita. Si Che-che naman ay hindi nagawang magsalita. Natatakot rin siyang baka may masabi sa ama. Napaupo na lamang ang ama ni Ellis sa sobrang lungkot na nararamdaman. Kahit hindi niya itanong, alam n’yang may hindi sinasabi ang kaniyang pamilya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD