“Kamusta?”
Hindi nakasagot si Avery. Nanatili siyang nakatitig sa binata. Naghahalo ang kaniyang emosyon dahil nasa harapan niya ngayon ang binata. Dahil dito, si Theo na ang naglakas-loob na kumausap kay Ellis.
“Anong ginagawa mo dito?” Takang tanong ni Theo. Nanatiling tahimik si Ellis at nakatingin lang sa kanila. Hindi pa siya handa para magsalita sa harapan nila lalo na ni Theo.
“Sate, saisho ni tabete,-go de sore ni tsuite hanashite mimasen ka? (Well, why don't we eat first then talk about that later?)” Singit ng ina ni Avery. Mabilis na sumang-ayon si Avery sa ina at saka ito inakay papunta sa kanilang lamesa. Tatalikod na sana si Ellis ng hawakan ni Theo ang kaniyang balikat.
“Mag-usap tayo,” Malamig na tugon ni Ellis.
Muli ng tumugtog ang mga musika at nagsayawan ang lahat. Napuno na rin ng ingay ang buong lugar. Maririnig rin ang tunog ng mga camera sa bawat sulok ng lugar. Mayroong mga kumakantang banda at ang iba ay tahimik lang sa kani-kanilang mga upuan.
Mula sa pwesto nila Theo ay rinig na rinig nila ang tugtugan sa labas. Kasalukuyan silang nasa likod ng building kung saan nakita ni Ellis ang ina ni Avery. Nanigarilyo ulit siya gaya ng ginawa niya kanina.
“Anong nangyayare sa’yo?” Nagtatakang tanong ni Theo. Humithit si Ellis ng sigarilyo saka ito ibinuga.
“Wala naman,” Sagot ni Ellis at muling itinuloy ang ginagawa. Tinitigan ni Theo ng mabuti ang kaibigan. Pilit niyang binabasa ito gaya ng ginagawa niya dati ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya mahulaan ang isipan nito. Tuluyan na ngang nagbago ang kaibigan.
“Ellis, alam mo ba ang ginagawa mo?” Tanong muli ni Theo. Tinitigan siya ni Ellis sa mata.
“Alam ko,” Mabilis na tugon ng binata. Hindi na muling sumagot si Theo. Naramdaman ni Theo ang awkward na pakiramdam sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang isusunod niya sa mga sinabi niya. Nawawalan siya ng mga salita sa utak. Ngayon lamang s’ya naging blangko sa buong buhay niya.
Samantala, si Ellis naman ay hindi maintindihan ang mga salitang nasa isipan. Nagbubuhol-buhol ang mga ito sa utak niya at hindi malaman ang sasabihin. Sa loob ng ilang buwan, ngayon lamang sila nagkasama at nag-usap ng ganito ni Theo. Sa lahat ng kaibigan niya, si Theo ang isa sa nagpapakaba sa kaniya.
Ngayon ay nilalakasan niya ang loob na huwag ipahalata dito ang kanyang tunay na saloobin. Alam niyang si Theo lang ang nakakakilala sa kaniya at ang taong mabilis manghula ng kaniyang nararamdaman.
Nang maubos na niya ang isang sigarilyo ay saka niya ito tinapakan. Tumayo na siya at nag-unat. Alam niyang marami silang dapat pag-usapan ngunit sa tingin niya ay hindi ito ang tamang oras.
“Mauna na ako,” Sambit ni Ellis. Mabilis siyang pinigilan ni Theo.
“Sandali Ellis, may gusto sana akong itanong sa iyo,” Sambit ni Theo. Tiningnan ni Ellis ang kamay ng kaibigan na nakahawak sa kaniyang braso saka muling tumingin sa mata nito. Unti-unti na ring bumitaw si Theo at saka umayos ng pagkakatayo.
“Gusto ko lang itanong kung gusto mo ba si Avery,” Seryosong wika ni Theo. Nagulat si Ellis. Hindi niya inaasahan na ito ang tanong na ibabato sa kaniya ng kaibigan. Muli nanamang nagulo ang kaniyang isip. Bakit sa dinami-rami ng tanong ay ito ang ibinigay ng kaibigan? Bakit ganito ang tanong ni Theo? Anong ibig niyang sabihin? Iyon lamang ang ilan sa mga tanong na tumatakbo sa isip ni Ellis.
Napapikit siya saglit at saka inayos ang necktie. Humarap siya sa kaibigan at saka seryosong tumingin sa mata nito.
“Wala akong gusto sa kaniya,” Malamig na tugon niya. Pagkatapos ay saka na siya tumalikod at naglakad. Naiwan si Theo duon at hindi maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sinasabi ng kaibigan. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga salitang iyon.
Tahimik na pumasok si Theo sa loob habang malalim ang iniisip. Hindi na rin niya nakita pa si Ellis. Inisip na lamang niya na malamang ay nagtungo na ito sa orihinal nitong pakay.
Pagdating ni Theo sa lamesa kung nasaan sina Avery ay saka siya napahinto. Napatitig siya sa babaeng naka-upo ngayon sa harapan niya. Kahit nakamaskara si Avery, nakikita n’ya pa rin ang kagandahan nito. Napansin naman iyon ni Avery kaya tumingin siya dito. Mabilis na luminga-linga sa paligid si Avery na tila may hinahanap.
“Nasaan si Ellis?” Tanong ni Avery kay Theo. Nagulat ang binata sa tanong na iyon.
“Bakit mo s’ya hinahanap?” Diretsong tanong rin ni Theo. Natahimik si Avery. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata. Hindi n’ya rin kase alam kung bakit niya hinahanap. Ang gusto n’ya lang ay makita ito at makausap kahit na saglit.
Nang hindi sumagot si Avery ay saka umupo si Theo. “Umalis na s’ya,” Sambit niya sa dalaga. Hindi na rin sumagot pa ng tuluyan si Avery. Mukhang wala na nga siyang magagawa kung hahabulin niya si Ellis.
Ipinagpatuloy na lamang niya ang kinakain. Gayun pa man, malalim pa rin ang kaniyang iniisip. Hindi talaga niya inaasahan na makikita ang binata dito. Iniisip n’ya rin kung paano nakakuha ng imbitasyon ang binata.
Nagpatuloy ang magarbong handaan hanggang madaling araw. Kahit na ganu’n ang oras ay napupuno pa rin ang mga tao at ang iba ay halos lasing na. Mabuti na lamang at may inilaang hotel ang kanilang organisasyon para sa mga taong katulad nila.
May mga private rooms din dito kung saan maaari silang mamalagi kung ayaw nilang makisalamuha sa labas. Ang mga private rooms na iyon ay may karaoke, billiards, at maliit na cinema. Duon nakatambay sa buong oras sina Ash. May ilan ring mga babae ang nanduon at halos napapalibutan na si Jet. Gustong-gusto naman ni Frank ang kusina dahil maraming pagkain.
“So, nagkita kayo ni Ellis?” Tanong ni Ash kay Theo. Matapos ang kainan sa baba ay dumiretso si Theo sa kina Ash.
Tumango si Theo sa tanong ni Ash, “Oo kanina,”. Hindi naman makapaniwala si Ash dahil nandito ang kaibigan. Sa tingin niya ay malamang na inimbitahan ang kanilang grupo na halos tinagurian ng ‘Notorious Gang’.
“So, anong nangyare? May sinabi ba s’ya?” Tanong muli si Ash. Umiling lang si Theo. Ayaw niyang iparating sa kaibigan ang kaunting pag-uusap nila tungkol kay Avery. Actually, hindi n’ya rin alam sa sarili kung bakit iyon ang itinanong niya sa kaibigan.
“Nasaan na s’ya ngayon?” Tanong muli ni Ash. Tumingin si Theo kay Ash ba para bang konti na lang ay sasabog na siya.
“Mukha bang alam ko?” Sarkastikong tanong ni Theo. Tinitigan s’ya ni Ash na para bang seryoso rin sa kaniyang mga sinasabi. Ngayon ay napagtanto ni Theo, lasing na ang kaibigan.
“Mukha bang nagbibiro ako sa tanong ko?” Papikit-pikit na tanong ni Ash. Bumagsak na rin ang boteng hawak niya. Napapailing na lamang si Theo at saka tinawag si Frank.
“Patulugin mo na nga ito, baka mapano pa.” Natatawang wika ni Theo. Halos hindi na rin makatayo si Frank sa dami ng kinain ngunit pinilit pa rin nito. Napapa-facepalm na nalamang si Theo dahil sa mga kaibigan. Naalala n’ya tuloy si Ellis tuwing sinasabihan niya ang tatlong ito ng ‘Tolonggos’.
Nang binuhat na ni Frank si Ash, natigilan ito ng magsalita muli si Ash.
“What if ang hidden agenda pala ni Ellis ay si Avery?” tanong ni Ash. Napatitig si Theo kay Ash na halos nakapikit na at namumula. Alam niyang lasing na ang kaibigan kaya kung anu-ano ang mga sinasabi nito.
Nang umalis na ang dalawa papasok sa isang kwarto ay tahimik na umupo muli sa sofa ang binata. Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isipan niya ang sinabi ni Ash.
‘Bakit naman si Avery ang hidden agenda ni Ellis?’ Tanong ni Theo sa sarili. Binuksan niya ang isang bote ng alak at saka ito ininom. Sinulyapan niya si Jet na halos may kahalikana na ngayon.
“Gusto ko lang itanong kung gusto mo ba si Avery,”
“Wala akong gusto sa kaniya,”
Ngayon ay halo-halo na ang mga salitang umiikot sa utak niya. Sinabayan pa ng tugtugin sa loob ng private room na iyon. Mabilis na inubos ni Theo ang alak at saka ibinato iyon sa pader. Dahil sa tugtog ay hindi narinig nila Jet at ng mga baabeng kasama niya ang ingay ng basag na bote.
Ipinikit na lamang ni Theo upang makatulog. Sa pamamagitan nito, makakalimutan rin niya pansamantala ang mga iniisip.