Part Two Chapter Nine: Masquerade Party 1

1909 Words
Araw ng celebration. Ito ang araw kung kailan pupunta si Ellis sa lugar kung saan gaganapin ang celebration party ng organisayon nila Avery. Kasama niya si Bon at si Mr. Gilmore na siyang tatayo bilang guide nila. Hindi naman masyadong makikisalamuha si Ellis dahil bukod sa masquerade party ito ay iba ang pakay niya ngayong gabi. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse. Mamahalin ang mga tuxedo na kanilang suot upang masabi na mataas ang kanilang estado. Si Bon ang tatayong representative niya samantalang siya ay tatayong assistant ni Bon. Alam na rin naman ni Bon ang gagawin. Pagdating sa venue, namangha siya dahil kitang-kita agad ang kanilang party. Inaasahan ni Ellis na medyo tago ito dahil sa mga illegal na business ang mayroon sa kanilang grupo ngunit naalala niya na marami ring sakop ang business ng ama ni Avery. Bumaba na sila sa kotse at sakto iyon sa red carpet na nakahanda para sa kanila. Ginanap ang party sa isa sa mga sikat na hotel and resort sa bansa. May iilan ring limousine ang nandito kung saan bumababa ang ilang mga sikat na celebrity. Mayroon ring mga Politician ang nandito upang makidalo. Agad na pumagitna si Bon habang nasa likuran niya si Ellis at si Mr. Gilmore. Si Mr. Gilmore ang nag-akay sa kanila kung saan sila mismo pupunta upang mas makalapit ng diretso sa mga nasa taas ng organisasyong ito. “Mr. Gilmore,” Bulalas ng isang lalaki habang may hawak-hawak itong wine glass. Agad na namukaan ni Ellis kung sino iyon. Ito ang kilalang senador, si Senator Sulliman. Mabilis na bumati si Mr. Gilmore sa kaniya at saka ipinakilala sa Bon. Mabuti na lamang ay mga nakasuot sila ng maskara. “I would like you to meet, Bon Cosevio. He’s the representative of that organization.” Pagpapakilala ni Mr. Gilmore. Napangiti si Senator Sulliman at saka siya kinamayan. “It’s nice to meet you. Where’s your leader? Bakit hindi siya ang nandito at ikaw ang ipinadala?” Tahimik lang si Ellis sa likuran at saka inantay ang sagot ni Bon. Tumikhim lang si Bon saka umayos ng pagkakatayo. “As you can see, my boss is not a partygoer. Hindi s’ya mahilig sa mga okasyong ito. Gayun pa man, ipinahahatid niya sa inyo ang kaniyang pasasalamat sa pag-imbita.” Lihim na napangiti si Ellis dahil sa galing nito sa pagsagot. “Ganu’n ba? Sayang naman. Akala ko ay hindi niya gustong makisalamuha sa amin. Malulungkot kami ng husto.” Wika ni Senator Sulliman. Nagkatinginan lang sila Bon at Mr. Gilmore ng tumawa si Senator Sulliman. Nang tumigil ito sa pagtawa ay seryoso siyang humarap kay Ellis. “And who’s this?” tanong nito ay Ellis. Hindi kumibo si Ellis at nanatiling nakatayo. “He’s my assistant. Don’t mind him.” Malamig na tugon ni Bon. Tumango-tango si Senator Sulliman at saka humarap kay Mr. Gilmore. “Dalhin mo na sila sa table nila,” Utos ni Senator Sulliman. Napatingin si Ellis kay Mr. Gilmore dahil tama nga ang hula niya dito. Utos-utusan lang siya ng senador. “Yes sir,” Agad na inaya ni Mr. Gilmore ang dalawa patungo sa taas upang ihatid sa mga upuan nila. Habang naglalakad ay nagmamasid-masid si Ellis kung makikita niya ang hinahanap. Kahit saan siya lumingon, hindi niya makita si Avery. Maski ang anino ni Theo ay hindi niya makita. “Nakita mo na?” tanong sa kaniya ni Bon. Umiling si Ellis at hindi sumagot. Iniisip niya na baka wala pa ang mga ito. Pagdating nila sa kanilang table ay mabilis na nagpaalam si Ellis. Sinabi niya dito na magsi-cr lang muna siya. Agad naman naintindihan ni Mr. Gilmore iyon at saka itinuro kung saan ang banyo. Bukod du’n, itinuro rin ni Mr. Gilmore kung saan maaaring makita sina Avery. Nagtungo na siya sa Cr. Pagdating duon ay mabilis siyang lumiko sa kanan kung saan papunta sa labas. Ang daang ito ay papunta sa likuran ng building kung saan nakaparada ang iilang sasakyan ng ibang guess. Pagdating niya sa labas ay medyo madilim dahil walang ilaw duon. Paglingon niya sa taas ay may CCTV. Wala siyang maaninag na ibang tao kaya naman inilabas niya ang kaniyang sigarilyo. Sinindihan niya iyon at saka nanigarilyo sa gilid. Kinakabahan siya na excited. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa dalaga kapag nagkita sila. Gusto niya itong kausapin tungkol sa ilang bagay. “Koko de kitsuen shinaide kudasai, (you should not smoke here)” Natigilan si Ellis at tumingin sa kaniyang gilid. Nakita niya ang isang babae na nakatayo du’n. Dahil medyo madilim ang paligid, ang puting damit na suot nito ang naaaninag niya. “Avery?” Sa hindi malamang dahilan ay nabigkas niya ang pangalan ng dalaga. Si Avery lang ang pumasok sa isipan niya dahil sa lenggwaheng iyon. “Watashi wa Avery wa arimasen. (I'm not Avery.)” Wika muli nito. Kahit hindi naintindihan ni Ellis ang sinabi ng babae, alam niya na hindi ito si Avery. “Sorry,” Sambit ni Ellis. Lumapit sa kaniya ang babae at saka kinuha ang sigarilyo. Itinapon niya ito sa lupa at saka tinapakan. Nagulat si Ellis ngunit hindi na siya nakakibo. “So, you knew my daughter’s name. Are you one of her friends?” Tanong ng babae. Napatayo si Ellis dahil sa tanong na iyon. Ibig sabihin ay nanay s’ya ni Avery. Nagulat si Ellis dahil du’n. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong niya. Maikling panahon lang naman silang nagsama ni Avery kaya hindi niya alam kung friends ba sila. “I don’t know,” Sagot ni Ellis. Natahimik ang babae at saka siya tiningnan. Medyo nailang si Ellis dahil sa pagtitig nito sa kaniya. “Tabun anata wa watashi no musume ga hanashite iru otokodesu, (Maybe you are the guy my daughter is talking about)” Sambit ng babae saka tumango-tango. Napakunot ang noo ni Ellis dahil sa mga sinabi nito na hindi naman niya naintindihan. Lihim na lamang s’yang natatawa dahil naaalala n’ya si Avery dito. “Papasok na po ba kayo? “Mauna na po ako,” Wika ni Ellis. “Actually, I’m not familiar with the place. Can you join me?” Tanong muli ng babae kay Ellis. Nagdadalawang isip pa siya kung sasamahan n’ya ba ang ina nito. Gayun pa man, pumayag na rin siya dahil maaaring makita niya agad si Avery. Isa pa ay gusto n’ya ring makilala ng lubusan ang babae. “Of course,” nakangiting sagot ni Ellis. Pumasok na sila sa loob. Marangya ang bawat disenyo ng paligid. Ang mga kulay ay ginto’t-pilak at ang iba naman ay itim at puti. Ang mga tao ay nakasuot ng mga mamahaling damit at gowns upang makabagay sa handaan. Ngayon lamang napagtanto ni Ellis na nakasuot ng isang kimono at walang maskara. Mukhang hindi rin ito nagkaroon ng idea na masquerade ang tema ng handaan. “They are so beautiful,” Bulong ng ina ni Avery sa kaniya. Tumango siya upang sumang-ayon ngunit hindi sumagot. Tumingala siya sa taas kung saan nakapwesto sina Bon. Nakita niyang may lumapit na men-in-black duon dahilan para tumayo si Bon at Mr. Gilmore. Mukhang pupunta na sila sa mga pinuno ng organisasyong ito. Balak sana habulin ni Ellis iyon ngunit naalala n’yang kasama niya ang ama ni Avery. Napansin naman iyon ng babae kaya agad niyang kinausap ang binata. “Do you have something important to do?” Napatingin si Ellis sa babae dahil napansin siya nito. Umiling si Ellis at saka umiwas. “Why is everybody being always in a hurry? Can we just enjoy the night?” Nakangusong tanong ng babae. Napatitig na lang si Ellis dito dahil naaalala niya si Avery dito. Naisip ni Ellis na mukhang sa ina nga nagmana ang dalaga. Sa loob-loob niya ay natatawa siya dahil para kasama n’ya ulit ngayon ang dalaga. Tumingala si Ellis upang tingnan sina Bon. Wala na ito ngayon. ‘I’m counting on you, Bon’ Wika niya sa kaniyang isipan. Naupo ang dalawa sa bakanteng upuan at inantay ang pagsisimula ng programa. Hindi rin nagtagal ay nagstart na ito at natahimik ang lahat. Tahimik rin silang nakinig sa mga sinabi nito tungkol sa anibersaryo ng kanilang organisasyon. Nakinig lang din mabuti si Ellis sa mga sinasabi ng emcee tungkol sa pagtatayo ng organisasyon. Ang bawat salita nito ay maingat na akala mo ay iniiwasang mabanggit ang mga illegal business ng organization. May mga media rin dito kaya naman naintindihan niya kung bakit iyon nag-iingat. Lingid sa kaalaman ni Ellis, kanina pa siya pinakikiramdaman ng babae. Minsan ay sinusulyapan siya nito upang makita ang reaksyon kahit na nababalot ito ng maskara. Wala naman siyang hidden agenda sa binata. Gusto n’ya lang itong makilala dahil napapalagay na ang loob niya dito. Iniisip niya na kung ang lalaking ito ay ang lalaking tinutukoy ni Avery, kailangan niya itong kilatisin para sa anak. Nagpalakpakan na ang lahat ng matapos ang ilang mga speech na ginawa ng ilang mga sub-president ng mga business ng pagmamay-ari ng organisasyong ito. Maya-maya ay muling nagsalita ang emcee at ipinakilala ang isang pamilyar na tao. “On behalf of Mr. Lewis, his daughter will be the main speaker of the night. Please welcome, the only daughter of Mr. Lewis, Ms. Avery Florence Lewis.” Sambit ng emcee. Natigilan si Ellis ng makita ang dalaga na paakyat sa stage. Maganda ang suot na gown nito. Gold and black ang kulay nito na katerno ng kaniyang maskara. Napatingin rin ang nanay ni Avery sa binata upang hulihin ang reaksyon nito. “That’s my daughter. Isn’t she a beautiful?” Nakangiting wika nito kay Ellis. Humarap si Ellis sa babae at ngumiti. Hindi niya magawang mabuka ang mga bibig. Ngayon n’ya lang nakita si Avery ng ganito. Nagsimula na rin sa speech niya si Avery. “As you can see, my father is not around right now. He has some urgent meeting right now, but he will be here afterwards…” Tahimik lang na nakikinig si Ellis. Pinagmasdan niya ang dalaga hanggang sa matapos ito sa pagsasalita. Pagbaba niya ng hagdan, sinundan ng babae si Avery. Dahil dito, nakasunod rin si Ellis dahil nakakapit ang babae sa braso niya. Pagdating nila sa baba ng hagdan sa gilid ng stage, nakita niya si Avery habang inaalalayanan ng isang lalaki. Agad na nakilala ni Ellis ang lalaking iyon. “Thanks Theo,” Sambit ni Avery. Napalingon naman sa kanila si Avery at nakita ang ina. Kitang-kita ang gulat ni Avery. “Mama?” Tanong ni Avery. Ngumiti ang babae at saka bumitaw kay Ellis. “How are you?” Tanong nito kay Avery. Niyakap ni Avery ang ina. “Why didn’t you tell me na uuwi ka dito sa Pilipinas?” Tanong ni Avery. “I’m sorry. I just wanted to surprise you,” Nakangiting wika ng ina. Napalingon naman si Avery kay Ellis. Natigilan siya ng makilala niya ang binata. Ganu’n din si Theo. Kahit na may maskara siya, agad siyang namukaan ng dalawa. “E-Ellis?” tanong ni Avery. Ngumiti si Ellis sa dalawa na para bang walang nangyare. “Kamusta?” Bungad na tanong niya sa dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD