Isang linggo nalang bago ang selebrasyong iyon. Nakahanda na rin si Ellis sa lahat ng mangyayare. Sa ngayon, medyo malaki na ang kanilang grupo at unti-unti na rin itong naging organisasyon.
“Are you sure about this? Masyadong malaki ang babanggain mo.” Wika ni Mr. Gilmore. Kasalukuyan itong nakaupo sa bakanteng sofa habang umiinom ng mamahaling alak.
“I’m just saving certain someone,” Mahinang wika ni Ellis. Tumango-tango si Mr. Gilmore sa kaniya ngunit mabilis siyang bumawi.
“I know but I can’t help to think about it. What if ayaw n’ya ng tulong mo?” Hindi sumagot si Ellis. Wala pa siyang sagot na nakahanda sa tanong na iyan. Ilang beses na n’ya ring iniisip iyan ngunit maraming beses na n’ya ring iniiwasan sagutin iyon. Natatakot siya sa magiging resulta.
“Anyways, your friends are there too.” Hindi siya nilingon ni Ellis. Alam niyang darating ang mga kaibigan niya sa handaang iyon. Well, party pa rin ito nila Avery kaya naman malamang na pupunta ang mga iyon.
Masyadong delikado ngunit alam niyang poprotektahan naman ni Theo ang mga kaibigan.
Nalalapit na ang handaang iyon ngunit mas excited si Ellis sa ibang paraan. Magagawa na niyang makalapit sa ama nito ng walang kahirap-hirap. Mabuti na lamang at nandito ang kanang-kamay ni Mr. Gilmore para tulungan sila.
Dahil medyo kalat na sa lansangan ang pangalan ng grupo nila, nakakuha ito ng pansin sa organisasyon nila Avery. Dahil dito, inanyayahan silang makisali sa pagdiriwang ng kanilang grupo. Syempre, hindi naman mismong si Ellis ang magpapakilalang pinuno. Inutusan niya si Bon para dito.
“Nga pala, nagustuhan ba nila ang bagong bahay na nabili ko?” Tanong ulit ni Mr. Gilmore. Tumango si Ellis at saka tumayo.
“Thank you,” Wika ng binata at saka lumabas ng kwarto.
Agad siyang sumakay sa kotse kung saan nasa loob si Bon. Alam na agad ni Bon ang gagawin kaya pina-andar niya ang sasakyan. Ilang minuto lang ang nakalipas ng marating nila ang isang town house. Binati agad sila ng guard ng makilala ang kanilang sasakyan.
Pagdating sa harap ng bahay ay bumaba si Ellis. Bumungad sa kaniya ang ama’t-ina na nakangiti sa kaniya.
“Keith!” Bungad ng ina. Siningkitang ni Ellis ang ina dahil tinawag nanaman siya sa pangalang iyon. Ayaw na ayaw n’ya talaga ang pangalang iyon.
“Mama ano ba? ‘Wag mo nga akong tawagin sa pangalang ‘yun,” naiinis na sabi ni Ellis. Natawa na lamang ang ina niya at saka hinawi ang kaniyang kaunting bangs.
“Ikaw talaga,” Natatawang sabi ng ina.
Dito n’ya inilipat ang mga magulang. Para sa kaniya, delikado kung pababayaan n’ya lang ang mga ito sa lugar na iyon. Isa pa, masyado itong malapit kina Theo kaya hindi niya maaaring pabayaan.
Gayun pa man, hindi pa rin alam ng mga magulang ni Ellis ang tungkol sa negosyong ginagawa niya. Ang pagiging pinuno ng isang gang at pagkakaroon ng mga illegal business sa underground. Maski ang kaniyang tattoo ay hindi alam ng pamilya niya kaya palagi s’yang naka-jacket.
“Nasaan pala si Che-che?” Tanong ni Ellis.
“Umalis kanina, may pupuntahan daw.” Napatingin si Ellis kay Bon. Tumango lang sa kaniya si Bon at saka medyo lumayo. May kinausap ito sa telepono ngunit hindi na nila iyon narinig.
“Ay oo nga pala, kumain kana ba? Nagluto ako,” Masayang wika ng ina. Tahimik lang na nakatingin ang ama kay Ellis dahilan para medyo mailang ang binata.
“May problema po ba?” Tanong ni Ellis sa ama. Tinitigan lang nito ang anak na tila ba inaalam ang bawat sulok ng pagkataon niya. Pagkatapos ay umiling ito sa kaniya.
“Wala naman,” Nakangiting wika ng kaniyang ama. Dahan-dahang tumango si Ellis at saka tumingin sa ina.
“Tara na Ma,” Wika ni Ellis.
Dito na rin siya nagtanghalian. Masaya naman ang kaniyang mga magulang dahil ngayon lang ulit nila makakasabay sa lamesa ang anak. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng kumain sila ng sabay.
Nakikinig lang si Ellis sa kaniyang mga magulang habang ang mga ito ay nagkukwentuhan at madalas ay nag-aasaran pa. Napapangiti na lang si Ellis tuwing nakikita niya ang mga sweet moment ng kan’yang mga magulang.
Ilang minuto pa ay natapos na rin nila ang pagkain. Kasalukuyan sila ngayong nanonood sa sala. May iba na ring katulong ang naghuhugas o kaya naman naglilinis ng bahay. Talaga ngang gumanda ang buhay nilang pamilya. Lingid sa kanilang kaalaman na galing ang mga ito sa maduming paraan.
“Grabe na talaga ang mundo ngayon, puro masasamang gawain na lang ang umiiral sa paligid.” Komento ng kaniyang ina sa balita tungkol sa mga sunod-sunod na pagnanakaw sa kanilang lugar. Hindi naman umimik si Ellis dahil alam niya ang mga gawing iyon ay mula sa kaniyang grupo.
“Kaya ikaw Ellis, matuto kang gumawa ng magagandang bagay. Hindi baleng magutom tayo basta nasa tama ang ating ginagawa,” Wika ng kaniyang ama. Napatitig si Ellis sa ama’t-ina dahil sa mga sinabi nito. Tumango na lang s’ya bilang tugon.
“Labas lang ako,” Wika ni Ellis at saka tumayo.
Pagdating niya sa labas ay saka siya huminga ng malalim. Ngayon ay mukhang hindi niya alam kung paano haharapin ang mga magulang. Hindi niya alam kung paano titingnan sa mga mata ang mga magulang dahil sa kaniyang ginagawa.
Gayun pa man, nasa isipan parin ni Ellis ang mga bagay na, ‘kung hindi ko ito gagawin, wala kami ngayon sa posisyong ito,’. Pilit niyang ipinapaintindi sa isipan na ito ang bagong mundo na mayroon s’ya. Ito ang mundong natutunan niya sa mga pangyayareng ito. Ito ang mundo na hindi niya inaakala na nag-eexist pala.
Dahil sa sobrang daming iniisip, kinuha ni Ellis ang sigarilyo sa bulsa. Sinindihan niya iyon gamit ang kaniyang customize lighter. Unang hithit pa lang ay ramdam na niya ang usok na dumaraan sa kaniyang lalamunan. Pagbuga niya ay saka niya ito sinamahan ng kaunting paghinga. Inulit-ulit n’ya ito upang mabawasan ang nararamdamang guilt.
“I never knew na nagsisigarilyo ka kuya,” Agad na napalingon si Ellis sa likuran at bumungad ang nakababatang kapatid. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Agad niyang itinapon sa sahig ang sigarilyo at saka iyon tinapakan.
“Saan ka nanggaling?” Tanong ni Ellis. Ipinakita ni Che-che ang isang envelope na naglalaman ng iba’t-ibang mga papeles.
“Nag-eenroll ako sa college,” Wika ni Che-che. Tumango-tango si Ellis. Naisip niya na nasa college na ang kapatid. Hindi na rin kase niya itinuloy ang pag-aaral dahil nawalan na siya ng time. Isa pa, nabubuhay naman siya sa negosyong mayroon siya ngayon.
“Good to know,” Sagot ni Ellis. Sinarado na ni Che-che ang envelope at seryosong humarap sa kapatid.
“Eh ikaw? Saan ka naman galing?” Kahit simpleng tanong lang iyon ni Che-che, alam ni Ellis na malalim ang ibig sabihin nu’n. Agad siyang natahimik dahil hindi n’ya rin alam ang isasagot.
“It’s not your business,” Malamig na wika ni Ellis at saka nilagpasan si Che-che. Agad naman nainis ang dalaga. Sa buong buhay nila, ngayon lang siya nainis sa kuya ng ganito.
“Bakit bigla mo nalang iniwan sila kuya Ash?” tanong muli ng dalaga.
“Because I want it,” Sagot ni Ellis.
“Ano bang nangyayare sa’yo kuya? Bakit ka nagkakaganiyan? Hindi ka naman ganiyan dati, e.” Hindi na sumagot si Ellis. Pumasok na siya sa kotse ng tuluyan. Dahil dito, mabilis na kinalabog ni Che-che ang kotse. Naglikha ito ng ingay na sinabayan n’ya pa ng pagsigaw. Dahil dito, nakuha niya ang atensyon ng kanilang mga magulang kaya mabilis silang tumakbo palabas.
“Akala mo ba hindi naman napapansin nila Mama? Saan galing ang lahat ng ito? Bakit ka may ganito? Ano bang ginagawa mo?” Sunod-sunod na tanong ni Che-che.
“Anak tama na ‘yan,” Pag-aawat ng kaniyang ina sa dalaga.
“Anong balak mong gawin sa amin kuya? Ikukulong mo kami sa bahay na ito? Pati ba naman pag-alis ko may nakabuntot pa sa akin. Ano kuya? Sumagot ka!” Sigaw muli ni Che-che. Mabilis na pumasok si Bon sa kotse. Agad na niyang pina-andar ang sasakyan at nilisan ang lugar.
Naiwan sina Che-che ang ang mga magulang na nakatayo duon habang pinagmamasdan ang mamahaling kotse ni Ellis. Nang tuluyan itong nawala sa kanilang paningin ay saka napaiyak ang kaniyang ina.
“Ano bang nangyare?” Tanong ni Bon kay Ellis. Hindi sumagot ang binata. Tahimik lang s’yang nakamasid sa binata at pinagmamasdan ang tanawin.
Kahit anung gawin ni Ellis, hindi niya magawang ibuka ang bibig. Ang lakas rin ng t***k ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng mabigat na pagkakamali sa buong buhay niya.
“Kung ayaw mong magsalita, ayos lang.” wika ni Bon. Hindi siya nilingon ni Ellis at saka pumikit.