Part Two Chapter Seven: In Three Months...

1560 Words
Tahimik na naka-upo si Ellis habang inaantay ang isang mahalagang tao. Maya-maya ay bumukas ang binto at bumungad ang isang pamilyar na mukha. Napangiti siya kay Bon na nasa likuran ng lalaki. Sarado ang kaniyang pasugalan ngayon dahil kailangan niyang tipunin ang lahat ng kaniyang member. “Welcome Mr. Gilmore,” Bati ni Ellis sa lalaking bagong dating. Napalinga siya sa paligid at napagtandong napapaligiran siya ng mga tauhan ni Ellis. Wala na itong nagawa kung hindi umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ni Ellis. “Huwag kang mag-alala. Hindi ka naman nila gagalawin, as long as you are with me.” Nakangiting wika ni Ellis. Hindi na nagsalita ang lalaki. Huminga ng malalim si Ellis at sinimulan na ang sasabihin. "Well, hindi ba’t sinabi ko sa’yo na sa susunod nating pagkikita ay malamang na sasali kana sa grupo ko.” Panimula ng binata. Tumingin ng seryoso sa kaniya si Mr. Gilmore. “Ano bang posisyon ko dito?” Napangiti si Ellis. Tumayo siya saka nagpunta sa bintana. Nakapila ng taglilimang column ang mga tauhan niya. Bawat column ay may tig-bentang tauhan. Itinuro niya ang ikalimang column at saka tumingin kay Mr. Gilmore. “Ikaw ang magiging captain ng division na iyon,” Nakangiting wika ni Ellis. Tumayo si Mr. Gilmore at sinilip ang tinuturo ni Ellis. “Anong gagawin ko?” Tanong nito sa binata. Sa pagkakataong ito, medyo mahinahon na ang tono ng pananalita ni Mr. Gilmore. “Ikaw ang nakatoka sa pagpapalago ng pera. Ibig sabihin, gusto kong magtayo ka ng negosyo para sa grupong ito,” Diretsong sagot ni Ellis. Napakunot ng noo si Mr. Gilmore dahil sa sinabi ni Ellis. “Ano bang pakay mo?” tanong ulit ng matanda. Ngumiti lang sa kaniya si Ellis at saka tumingin sa mga tauhan n’ya sa baba. “Soon malalaman mo rin,” Wika ni Ellis. Hindi pa siya handang sabihin sa lalaking ito ang rason. Kailangan pa nitong patunayan ang loyalty niya sa grupo nila. “Deal,” Sagot ni Mr. Gilmore. Inaasahan na ni Ellis na sasabihin ito ng matanda kaya sinenyasan niya si Bon. Agad niyang isinama sa baba si Mr. Gilmore upang ma-meet niya ng harapan ang kaniyang magiging grupo. Dahil sa mga connection ni Mr. Gilmore sa mga underground fights and business, malamang na mabilis lalago ang pera sa kanilang grupo. Maya-maya ay umakyat na si Bon at lumapit kay Ellis. “Lumalaki na ang ating grupo. Kailangan na natin ng lugar na mas malaki rito,” Wika ni Bon. Tumango si Ellis at saka tumingin kay Bon. “Ikaw na ang bahala d’yan. May iba akong gagawin ngayon,” Sambit ni Ellis. Tumango si Bon at saka lumabas. Umalis si Ellis papunta sa isang maduming eskinita. Duon ay naabutan niya ang mga tambay na nagbibilang ng pera. Nang makita siya ay agad na itinago ng mga taong iyon ang mga pera nila. “Anong kailangan mo?” Tanong nito kay Ellis. Ngumiti lang ang binata at saka inilabas ang dos-por-dos n’ya. “Kapag ba natalo ko kayo ay magtatrabaho kayo sa akin?” Nakangiting tanong ni Ellis. Nagkatinginan ang anim na mga kalalakihan. “Naghahamon ata ito ng away, e.” “Madali lang ‘yan,” “Tara,” Mabilis silang sumugod kay Ellis. Sa isang iglap, natalo lahat ni Ellis iyon dahil walang laban ang mga lalaking iyon sa baril at dos-por-dos n’ya. Sa huli, pumayag rin ang mga ito. Ang tanging trabaho lang na ibinigay sa kanila ay gumawa ng mga krimen kung saan kikita sila ng pera. Kailangan nilang magbigay sa kaniya at ibigyan din sila ng mga privileges sa kanilang grupo. Isinama niya sa first division ang anim na iyon. Sa loob ng tatlong buwan, iyon lamang ang pinagka-abalahan ni Ellis. Sa loob ng tatlong buwan, lumaki ng lumaki ang kaniyang grupo. Ngayon ay kaliwa’t-kanan na niyang naririnig ang kanilang grupo na walang pangalan. Sa bawat sulok ng kanilang lugar ay naririnig ang kanilang walang pangalang grupo. Lumaki rin ang kaso ng mga holdup-an ay pickpocketing. Nagkaroon na sila ng isang building na nabili ni Mr. Gilmore sa isang kakilala. Dito sila lihim na nagtayo ng pasugalan at iba pang illegal na negosyo. Gayun pa man, may isang bagay pa rin ang tumatakbo sa utak ni Ellis. Kulang pa ang mga ito. Kailangan niyang mas maging malakas at malaki upang makamit niya ang bagay na iyon. Tatlong buwan na rin ang lumipas at hindi na niya nakikita ang mga kaibigan. Wala na siyang balita dito at ipinatigil na n’ya rin ang pag-utos na manmanan ang mansyong iyon. Wala na rin siyang balita sa kaniyang pamilya. Ang tangi n’ya lang sinabi ay nagpunta siya sa malayong lugar. Hindi maikakaila na malungkot si Ellis. Gayun pa man, wala ng mas sasaya pa sa pagkakaroon ng maraming pera. Ito ay ipinasasalamat niya sa grupo ni Mr. Gilmore. Naging tapat na tauhan ni Mr. Gilmore sa kaniya. Dahil dito, napagdesisyonan n’ya na rin na sabihin dito ang pakay nito. Gayun pa man, limited lamang ito dahil may kaugnayan pa rin ito sa pagiging kanang-kamay ni Mr. Gilmore. “Makakaasa ka Ellis,” Wika ni Mr. Gilmore sa kaniya. Tumango-tango siya. May iilan ring grupo ang nagtangkang kalabanin sila. Sa huli, nakuha n’ya rin ang mga grupong iyon. Bukod sa building na pagmamay-ari nila, bumili rin sila ng isa pang building para sa iba pa nilang tauhan. Kasalukuyan ngayong naka-upo si Ellis sa kaniyang balkonahe habang nakamasid sa mga ilaw mula sa mga sasakyan sa baba. Kitang-kita rin niya ang mga ilaw ng lansangan at ng iba pang nagtataasang building. Hindi inaakala ni Ellis na makakatira siya sa ganitong lugar. Parang noon lang ay iniisip niya na balang araw ay makakatira siya sa ganito, ngayon ay totoo na. Naramdaman niya ang paglapit ni Bon sa likuran niya. Hindi siya nagsalita at nanahimik lang. May iniabot itong sulat. Tiningnan lang niya iyon at saka tumingin kay Bon. “It’s good news,” Wika ni Bon. Napakunot ng noo si Ellis at kinuha ang sobre. Pagbukas niya ay isa itong invitation. Nang makita niya kung kanino galing ito ay napatayo siya. “Malapit na,” Mahinang sabi ni Bon. Napangiti si Ellis dahil hindi niya inaakala na malapit na siya sa kaniyang tagumpay. Hindi talaga siya nagkamali na lumapit kay Bon. Alam niyang maraming magagawa si Bon na hindi niya kayang gawin. “Excited na ako,” Nakangiting wika ni Ellis. Ngayon ay malapit na niyang makaharap ang taong iyon. Inaasahan n’ya na rin na makikita ang isang pamilyar na tao kaya naman inihanda na niya ang sarili. *** Tatlong buwan na rin ang lumipas ngunit wala parin balita si Theo kay Ellis. Ilang beses nilang binabalikan ang warehouse na iyon ngunit nalaman niyang hindi na duon ang hideout nila Ellis. “Kalat ngayon sa buong lugar namin ‘yung grupong ‘yun,” Bulalas ni Jet habang nakatingin sa dyaryo. Nasa front page kase ang tungkol sa mga krimen ng pagnanakaw kaya naipasok niya ang usapan tungkol du’n. “Malakas ang kutob ko na sina Ellis iyan,” Bulalas ni Frank. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse habang nakatanaw sa bahay nila Ellis. Naglalabas ang mga ito ng gamit. Mukhang tuloy na nga ang pag-alis ng mga ito. “Alam kaya ni Ellis na aalis na ang mga pamilya n’ya dito?” Tanong ni Jet. Nagkibit-balikat lang ang tatlo sa tanong niya. Napatitig na lang si Theo sa pamilya ni Ellis habang malalim ang iniisip. Hindi niya maalis sa isipan ang tungkol sa kaibigan. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayare sa kaibigan. Gusto niyang puntahan ito ngunit hindi niya alam kung nasaan. Kahit ramdam niyang nand’yan lang ang kaibigan, hindi niya ito makita. Malakas ang sigaw ng kaniyang kalooban na gusto niyang iligtas ito sa hindi malamang dahilan. Gusto niyang tulungan ito sa hindi malamang problema. Nakita niyang pasakay na sa jeep na iyon ang pamilya ni Ellis. Agad niyang pina-andar iyon at saka sinundan. Gusto niyang makita na nasa maayos na lagay ang pamilya ng kaibigan. Habang nasa hi-way, hindi inaalis ni Theo ang paningin. Maya-maya ay isang kotse ang sumulpot sa harapan nila dahilan para magkaroon ng pagitan sa kanila at ng sasakyan ng magulang ni Ellis. Agad tinapakan ni Theo ang preno dahilan para muntik ng mauntok ang tatlo niyang kasama. “s**t!” Bulalas ni Theo. Pinagmasdan niya ang kotse sa harap. Hindi ito umaandar. Nakatigil lang ito sa harapan kaya naman pinindot ni Theo ang busina. Maya-maya ay nakita niyang lumabas sa kotse si Bon. Nagulat silang apat dahil nakangiti ito sa kanila. “Sorry,” Wika ng matanda saka tumawa ng may halong pang-aasar. Pumasok ulit ito sa kotse at saka pina-andar na. Umalis na rin ito sa linya dahilan para hindi na makita ni Theo ang jeep ng pamilya ni Ellis. “He did that on purpose,” Naiinis na sabi ni Ash. Hindi sumagot si Theo. Alam niyang hindi mag-isa si Bon. Alam niyang nasa loob nu’n si Ellis. Susundan n’ya na sana ang sasakyan ngunit hindi na niya ito makita. Mabilis itong nawala sa mga sasakyang dumaraan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD