Part Two Chapter Six: The game begins.

1462 Words
“Tingnan mo ‘tong si Theo, yayamanin.” Sambit ni Jet saka ininom ang isang cocktail na ibinigay ng isang staff. Nagtawanan naman sila dahil du’n. “Minsan lang ‘to kaya dapat magsaya,” Wika ni Theo. Itinaas niya ang kaniyang baso saka nagsalita, “Cheers!” Sumunod naman sa kaniya ang tatlong kaibigan at saka masayang nagtawanan. Nanunuod lang sa kanila si Avery mula sa second loor. Ang resort na ito ay isa sa business ng kaniyang ama. Ibinigay ito sa kaniya nu’ng nag-aaral pa s’ya bilang regalo. Ngayon n’ya lang ito pinuntahan. Isinarado niya ang bintana at saka pabagsak na humiga sa kama. Hindi parin mawala sa isipan niya ang nangyare kanina kung saan nakita niya si Ellis. Bukod sa masaya s’ya, nalulungkot din siya dahil sa nangyayare. Mukhang nagbago na nga talaga si Ellis. Minsan ay naisip na niyang makipagkita dito ngunit natatakot s’ya sa magiging reaksyon ng binata. Naalala niya ang mga huling sinabi dito at ayaw niyang sirain iyon. Mataas ang rango niya ngayon sa organisasyon at ayaw niyang madamay si Ellis du’n. Kahit sunod-sunod na ang magandang nangyayare sa kaniya, si Ellis pa rin talaga ang nagpapalungkot sa kaniya. Naputol ang pag-iisip ni Avery ng tumunog ang kaniyang telepono. Ng silipin niya kung sino iyon ay napagtanto niyang ang kaniyang ina ito. Walang alinlangan niyang sinagot ito at saka ngumiti. “Hello?” “Ogenkidesuka? (How are you?)” Huminga ng malalim si Avery saka sumagot sa ina. “Daijōbudesu, (I’m fine)” Ayaw niyang iparamdam sa ina na marami siyang pinoproblema. Matapos kaseng gumaling ang kaniyang ina dahil sa antidote na iyon, napagdesisyonan ni Avery na dalhin sa Japan ang ina. Ayaw niyang madamay ito sa mga problema niya at sa gulong kinasasangkutan ng kanilang pamilya. “Honkidesu ka? Anata wa watashi to hanasu koto ga dekimasu. (Are you sure? You can talk to me.)” Wika ng ina mula sa kabilang linya. Napailing si Avery dahil alam niyang masyadong mapilit ang ina. “Okāsan, watashi o shinpaishinaide kudasai. (Don't worry about me, Mom.)” Sagot ni Avery. Narinig niyang huminga ito ng malalim. Alam ni Avery na sumuko na ito sa pagkumbinsi sa kaniya. Imbis na pag-usapan ang mga bagay na iyon, pinalitan ni Avery ang usapan. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi sinasadya ni Avery na maikwento sa ina ang tungkol kay Ellis at sa nangyare kanina. “Dārin, anata wa kare ni koi o shite imasu ka? (Are you in love with him, darling?)” Pang-aasar ng kaniyang ina. Naramdaman ni Avery ang pag-init ng kaniyang pisngi. “Mochiron chigaimasu. Kare wa gankode orokadesu. (Of course not. He's a stubborn and a stupid.)” Pangangatwiran ni Avery. Hindi n’ya parin maalis ang pakiramdam na para bang umiinit ang magkabila niyang pisngi. Pilit niyang itinatanggi sa ina ang bagay na iyon ngunit patuloy lang din sa pang-aasar sa kaniya ang ina. Sa huli, sumuko ito sa kaniya. “Sate, watashi wa ima yameru tsumoridesu. (Okay, I gonna stop now.)” Wika ng ina. Umupo ng maayos si Avery at saka napangiti sa mga sinabi nito. “Shikashi, soreha aisuru subete no hito ni totte daijōbudesu, soreha watashitachi no seikatsu no ichibudesu. (But it's okay to all in love, it's part of our life.)” napakagat na lamang sa labi ni Avery. Pagkatapos magpaalam ng mag-ina sa isa’t-isa ay saka na niya ibinaba ang telepono. Humiga ulit siya sa kama at tumitig sa kisame. Hindi niya alam kung bakit ganu’n ang sinabi sa kaniya ng ina. Hindi niya alam kung in love na nga ba talaga iyon dahil ang ginawa n’ya lang ay ikwento ang mga katangahan ng lalaking iyon. Nag-shift s’ya ng pwesto at dumapa sa kama. Ngayon naman ay umaalingawngaw sa isipan niya ang mga huling sinabi ng ina. Alam niyang walang masama sa bagay na iyon, ngunit sa sitwasyon ng buhay niya, imposible iyon. Kailangan niyang pagtuonan ang pansin ang kaniyang trabaho sa organisasyon ng ama. Ang mga ganitong bagay ay dapat na niyang itapon dahil makakagulo lang ito sa kaniya. Isa pa ay mukhang nasa iba ang atensyon ng lalaking nasa isipan niya. *** “Ang tagal naman ni Theo,” Naiiritang sabi ni Frank. Kasalukuyang nasa ilalim ng tubig si Ash samantalang si Jet ay napalilibutan ng mga babae sa gilid. Tanging si Frank lang ang mag-isa ngayon sa harap ng mga pagkain. Maya-maya ay nakita niyang papalapit sa pwesto niya si Theo na mukhang hindi na maipinta ang itsura. Umupo ito sa tabi niya at saka nilantakan ang isang spaghetti. Nagulat naman si Frank dahil sa ikinilos ni Theo. “Bago ‘to, ah.” Pang-aasar ng kaibigan. Hindi siya pinansin ni Theo dahil occupied ang kaniyang isipan. Sinabayan na lamang s’ya ni Frank sa pagkain. Matapos nilang ubusin ang lahat ng pagkain sa lamesa ay saka nagsalita si Theo. “Ganito ka pala ka-takaw,” natatawa niyang sabi kay Frank. Sinamaan s’ya ng tingin ni Frank dahil alam n'ya sa sarili niya na hindi iyon totoo. "Luh? Kasama kita dito," Sagot n’ya kay Theo. Tumang-tango na lamang si Theo dahil totoo naman ang sinabi ng kaibigan. Huminga siya ng malalim at iniba ang usapan. “Tingin mo, anong dahilan ni Ellis at ginagawa n’ya ang mga bagay na ito?” Tanong niya dito. Tumikhim saglit si Frank at umupo ng maayos. “Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Bigla na lang s’yang nagbago. Para bang iba ang tumatakbo sa isip n’ya hindi gaya dati,” malungkot na sabi ni Frank. Naintindihan naman ni Theo ang ibig iparating ng kaibigan. “I really need to meet him,” Bulong ni Theo sa sarili. Lingid sa kaalaman nila, nasa gilid ng pool si Ash at nakikinig. Kahit na medyo malapit na ulit sila kay Theo, para sa kaniya, parang may nagbago. Lahat ng bagay ay nagbabago kahit na sa maliit lang na panahon. Iyon ang nararamdaman ni Ash. Gumugulo pa rin sa isipan niya ang tungkol sa connection ni Theo sa mundo ni Avery. Inaamin niyang medyo tanga siya ngunit alam niyang hindi siya bobo para sa mga ganitong bagay. Kung noon ay tahimik siya, ngayon ay kailangan na niyang mag-isip at kumilos. Napatingin si Ash kay Theo. Alam niyang may tinatago ang kaibigan at sisiguraduhin niyang malalaman niya iyon. *** Kasalukuyang nakamasid sa malayo si Ellis. Pinagmamasdan niya ngayon ang ina at kapatid na nagiihaw ng isaw. Mukhang ito na ang bagong pinagkakakitaan ng kanilang pamilya. Kung sabagay, malakas ang benta nila duon dahil maraming tao sa kanilang pwesto. Maya-maya ay nakita niyang lumabas ang ama. Agad pumasok sa isipan ni Ellis ang mga nangyare dito. Pilit niyang kinakalimutan iyon ngunit hindi niya maiwasang makonsensya. Aalis na sana siya ng makabunggo siya ng hindi inaasahan. “Sorry,” Bulalas niya. Nakayuko siya kaya hindi niya nakita kung sino ang nabunggo niya. “Teka, Ellis ikaw ba iyan?” Napa-angat ng ulo ni Ellis at bumungad sa kaniya ang babaeng pulis. Napakunot ang noo n’ya dahil tila nakalimutan niya ang pangalan nito. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya. Hindi sumagot si Ellis at saka siya nilagpasan. Nagulat ang babaeng pulis na iyon dahil sa inakto ni Ellis kaya hinabol niya ulit ito. “Sandali lang,” Agad hinawakan ng babaeng pulis ang braso ni Ellis. Nakita niya ang tattoo nito na ikinagulat niya. Napahinto rin si Ellis at hindi lumingon sa babae. “Bakit may ganiyan ka?” Tanong nito. “Ano bang pakialam mo?” Tanong ng binata. Nagulat ang babaeng pulis na iyon dahil ito ang unang beses na tinaasan siya ng boses ni Ellis. Agad niyang hinarap sa kaniya ang binata. “Anong nangyayare sa iyo? Bakit nagkaganyan ka?” Tanong ng pulis. Tinignan ni Ellis sa mata ang pulis. “It’s not your problem. Mind your own business,” Diretsahang sagot ni Ellis at saka inalis ang braso sa kamay ng pulis. Nag-umpisa na rin siyang maglakad palayo kay Alianna. Naiwan namang nakatulala ang babae dahil sa inakto nito. Mabilis na nilisan ni Ellis ang lugar dala-dala ang kakaibang kaba sa puso. Akala niya ay makikita s’ya ng mga magulang dahil sa paghinto sa kaniya ng babaeng iyon. Ayaw niyang makita s’ya ng mga magulang sa ganu’ng kalagayan. Tahimik siyang naglakad papunta sa kotse sa hindi kalayuan. Habang humahakbang siya palayo sa pamilya ay lumalayo na rin siya sa nakasanayang mundo. Ngayon, magbubukas na siya ng panibagong chapter sa buhay niya. ‘And the game begins,’ Aniya sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD