Pinagmamasdan ni Ellis mula sa kaniyang bintana ang halos lagpas sa sampung mga lamesa sa baba. May iilan na ring mga naglalaro du’n at ang karamihan ay puro mayayama.
Malaki na rin ang nakuha nilang pera mula sa bagong negosyo na itinatag ng kanilang grupo.
Matapos niyang hithitin ang sigarilyo ay saka niya ito itinapon sa sahig at saka tinapakan. Halos isang linggo na ang lumipas simula ng maka-usap niya ang kanang-kamay ng senator.
Isang linggo na rin ang lumipas simula ng malaman niya ang sinabi ng kaniyang tauhan. Habang inilalarawan sa kaniya ang itsura ng lalaki ay alam na agad ni Ellis kung sino ang tinutukoy ng mga ito na naghahanap sa kaniya.
Lihim na napangiti si Ellis dahil alam n’yang nagbalik na si Theo. Gayun pa man, wala s’yang lakas ng loob na harapin ito dahil hindi pa s’ya handa. Hindi n’ya pa kayang harapin ito lalo na’t alam niya ang tungkol sa sikreto nito.
Nabalik sa reyalidad si Ellis ng bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Bon habang may dalawang tauhan ang nasa likuran niya. Ito ang mga tauhan nila na inutusan n’yang mag-manman sa abandonadong mansyong iyon.
“Boss, may itim na kotse po ang palaging nagppunta du’n. Nandu’n rin po ang mga kaibigan n’yo,” Wika ng mga ito. Tumango-tango s’ya.
“Alam ko na ‘yun, wala bang bago?” Naiiritang tanong ni Ellis. Nagkatinginan ang dalawang lalaki at saka tumingin ulit kay Ellis.
“Kanina po may babae silang kasama,” Sambit ng isa sa kanila. Natigilan si Ellis at napatayo. Pilit n’yang iniintindi ang mga sinabi nito. Isang tao agad ang pumasok sa kaniyang isipan.
“Babae?” Tanong n’ya dito. Tumango ang mga ito at inilarawan pa ang babae.
“Mukhang may lahi,” Dagdag ng isang lalaki. Tumang-tango s’ya at saka tumalikod. Agad naramdaman ni Ellis ang excitement at kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang n’ya naramdaman iyon ng maisip na maaaring si Avery iyon. Gayun pa man, hindi n’ya ito ipinahalata.
“Makakaalis na kayo,” utos n’ya dito. Mabilis na lumabas ang dalawa at naiwan si Ellis kasama si Bon. Tahimik lang ang matanda at inoobserbahan si Ellis. Saglit itong tumawa at naupo sa sofa ni Ellis.
“Girlfriend mo ‘yung babaeng ‘yun, no?” Panunukso ni Bon. Humarap sa kaniya si Ellis at binigyan n’ya ito ng masamang tingin.
“Ulol,” Depensa ni Ellis. Natawa naman si Bon dahil alam n’yang naiinis ito kapag inaasar s’ya.
Sa ilang linggo nilang magkasama, alam na agad ni Bon ang kiliti ni Ellis. Hindi naman mahirap basahin ang binata. Alam n’yang mababaw lang ito at mabilis kilatisin. Kaya naman maski siya ay nagpupursigi na isilang ang panibagong karakter sa binata.
“Bakit gan’yan ka maka-react nu’ng nalaman mong may kasama silang babae? ‘Yung Avery ‘yun, no?”
“Don’t you dare to mention her name,” Pagbabanta ni Ellis. Itinaas ni Bon ang kamay na para bang sumusuko.
“Masyado kang halata bata,” Payo ni Bon. Natahimik na lamang si Ellis at hindi na kumibo. Pinagmasdan lang s’ya ni Bon at saka huminga ng malalim.
“Tara,” Aya n’ya dito. Tumingin ulit sa kaniya si Ellis ng may pagtataka.
“Puntahan natin ‘yung babae mo,” Wika ni Bon.
Hindi maintindihan ni Ellis ang sarili kng bakit pumayag agad s’ya dito. Marahil ay sabik lang s’yang makita ang dalaga ngunit alam n’yang may mas malalim du’n.
Kasalukuyan silang nasa kotse ni Bon at papunta sa abandonadong mansyon na bahay ni Avery. Ilang linggo na rin siyang hindi nakakapunta du’n simula nu’ng iwan niya ang mga kaibigan.
Tahimik lang siya habang tinatahan ang daan. Maya-maya ay napadaan sila sa kanto nila. Saglit siyang napatingin sa looban at umiwas na rin. Ang totoo n’yan, hindi pa s’ya nakakauwi sa kanila. Sinabihan n’ya lang ang pamilya niya na hindi na s’ya uuwi dahil aalis na s’ya sa kanila. Nuong una ay tumutol ang kanyang ina ngunit ng sinabi niyang nasa tamang edad na s’ya, pumayag na rin ito.
Hindi na rin n’ya gaano nakaka-usap ang ama pagkatapos ng nangyare. Tuwing tinatanong siya nito tungkol sa bagay na iyon ay iniiwasan n’ya. Simula ngayon ay idinistasya na niya ang sarili upang hindi madamay ang pamilya.
“Malapit na tayo,”
“Huwag mong iparada sa malapit,”
“Alam ko,”
Inihinto ni Bon ang sasakyan sa hindi kalayuan sa mansyon. May nakaparadang kotseng itim duon at mukhang mamahalin pa. Ito malamang ang tinutukoy ng kaniyang mga tauhan.
Tatlongpung minuto na silang nandu’n at pinagmamasdan lang ang kotseng iyon. Maya-maya ay nakita niyang may lumabas sa mansyon. Ito ay ang mga kaibigan niya at ang dalawang pamilyar na mukha na ilang linggo na niyang hindi nakikita.
Napatitig si Ellis sa mukha ni Avery. Sa isip-isip ni Ellis ay mukhang nagbago na ang dalaga. Iba na rin ito manamit at mukhang nagbago rin ang galaw. Napangiti na lang s’ya dahil para bang pareho silang nagbago dahil sa mga dahilan nila.
Para kay Ellis, malamang na ang dahilan ni Avery ay ‘She’s a Mafia’s Daughter’. Well, inaasahan na ni Ellis na darating ang araw na si Avery ang magmamana ng organisasyon nila.
“Namumukaan ko ‘yung babaeng ‘yun. Di’ba s’ya ‘yung nakapagpabagsak dati sa mga tauhan ko ng s’ya lang mag-isa?” Tanong ni Bon. Hindi s’ya pinansin ni Ellis at nanatiling nakatingin sa mga kaibigan.
Sumakay ang mga ito sa kotse ni Theo na mukhang masasaya. Si Avery ang huling sumakay sa kotse ngunit napatigil ito at lumingon sa paligid. Pinanuod lang ni Ellis ang kilos ni Avery na mukhang nakaramdam ito sa presensya niya.
Nahinto ang tingin ni Avery sa kotse na sinasakyan niya. Hindi naman gumalaw si Ellis at nanatiling nakatingin. Alam n’yang hindi siya makikita nito dahil nasa malayo sila at maraming kotse sa harapan nila.
Matapos ang ilang segundo ay sumakay na rin si Avery ng tawagin s’ya ng kaniyang mga kaibigan. Umandar na rin ang sasakyan. Napatingin si Ellis kay Bon at agad namang kumilos si Bon. Alam na nito ang gagawin.
Sinundan nila ang sasakyan ni Theo. Hindi niya alam kung saan pupunta ang mga ito ngunit pamilyar ang daan.
Ilang minuto rin silang nasa loob ng kotse. Maya-maya, nakita niyang lumiko ang kotse sa isang pamiyar na lugar. Huminto rin sila at medyo nasa malayo sila upang hindi mahalata. Pinagmasdan ni Ellis ang lugar at napagtantong isang resort ito.
“Anong ginagawa nila dito?” Tanong ni Ellis. Natatawa na lang si Bon dahil mukhang alam na niya ang ginagawa nila dito.
“Malamang na magsu-swimming,” Wika ni Bon. Napakunot ng noo si Ellis. Alam niya iyon ngunit hindi n’ya lang maintindihan kung bakit naisipan nilang mgswimming.
“Normal pa ba sa panahon natin ngayon ‘yan?” Natawa nanaman si Bon.
“Masyado ka kaseng nakatuon sa misyon mo---” hindi natuloy ni Bon ang sasabihin ng mapansin na muntik na niyang sabi ang bagay na iyon.
“Tsk!” Napairap si Ellis dahil mukhang magkakamali pa ang matandang iyon.
Nag-peace sign lang siya sa binata. Pagkatapos ay pareho silang napatingin sa resort.
“Let’s go,” Wika ni Ellis. Pina-andar na ni Bon ang kotse. Nilagpasan nila ang resort na iyon patungo sa kanilang hideout.
Lingid sa kanilang kaalaman na hindi pa pala pumapasok sa resort si Avery at nandu’n lang s’ya sa labas. Nang makita niya ang kotseng iyon na lumagpas ay saka niya nakumpirma.
Kitang-kita niya si Ellis sa loob ng kotse. Kanina n’ya pa nararamdaman na nakasunod sa kanila ang kotseng iyon ngunit hindi niya inaasahan na si Ellis pala ang sumusunod sa kanila.
Kahit mabilis ang pangyayare, saglit n’ya lang nakita si Ellis ay pakiramdam n’ya ang saya niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ngayong nalaman niya na sinusundan sila ni Ellis, ang saya niya.
Lumapit sa kaniya si Theo at saka siya pinitik sa noo. Natauhan siya at tumingin dito. Sinamaan n’ya ito ng tingin ngunit hindi na niya itinuloy ang paghihiganti. Hinayaan n’ya nalang ang pagpitik sa kaniya ni Theo.
“Bakit nandito ka pa?” Tanong ni Theo kay Avery.
“Walang signal sa loob,” pagsisinungaling ni Avery. Pinili niyang huwag sabihin dito ang tungkol kay Ellis. Hindi niya alam kung bakit siya nagsinungaling tungkol kay Ellis ngunit mas mabuti na ito.
“Naghihintay na sila sa loob,” Wika ni Theo. Tumango si Avery at saka muling tumingin sa labas. Pumasok siya sa loob ng nakangiti sa hindi malamang dahilan.