Waiting for someone to be ready for a responsibility is like waiting for an ant to become a firefly. It takes time and is quite ideal. Hindi kasi ganun kadaling itulak ang isang tao para sa isang bagay na hindi niya naman ginusto. Lalo na sa isang responsibilidad na hindi niya naman inakala. Malay natin, gusto ako ni Xeno pero hindi pa siya handa para maging ama para kay Xelena. Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit namin ng pumasok si Ethan. "Sinong kausap mo sa labas?" pang-uusisa ko sa kanya. Narinig ko kasi ang boses niya kanina. "Ang tagal mo bago pumasok." "Ah. Wala isang malayong kamag-anak." mabilis nitong sinarado ang pinto. Kanina parang may sinisilip pa siya sa labas. "Really?" Tumango si Ethan. Hindi niya nga magawang titigan ako ng deretso sa mga mata ko. "Bakit hindi k

