Synopsis / CHAPTER 1
Paano kung ako nalamang ang natitira sa lahi ko? How can I find my mate? Pinanganak ba akong walang kapares sa mundong ito?
Kung dumating man siya, tatanggapin niya kaya ako, o tatanggapin ko ba siya? Paano niya ako mahahanap? At paano kong patay na pala siya?
Maraming tanong sa isip ko. Ni kailan man ay hindi ko masagot. Namulat akong walang mga magulang, dahil sa hindi ko maintindihang labanan noon. Dahil narin sa nangyari ay naligaw ang landas ko at kung saan-saan ako napadpad. Hanggang sa makarating ako sa isang bayan na kung saan merong mga kagaya ko.
Na kung saan malaya kong nailalabas ang tunay 'kong katauhan. Minsan napapaisip ako, bakit kakaiba ako sa kanila? Bakit puti ang balahibo ko? At bakit parang mas malakas ang pang amoy at pandinig ko? At bakit parang may kapangyarihan akong gamutin ang sarili ko?
___________________________________
CHAPTER 1
Lumabas ako upang makita ang napaka gandang buwan. Kalahati palang ito at sa susunod na gabi ay tuluyan na itong magiging bilog.
Ako si Mailah Wardrof isang lobong ulila. Sampung taong gulang palamang ako ng mamatay ang mga magulang ko dahil sa labanan noon. Hindi ko na maalala ang mga nangyari dahil labing limang taon na ang naka lipas. Ang tanging natatandaan ko ay ang mga magulang ko na inaatake ng itim at malalaking lobo. Dahil sa takot ko noon ay tumakbo ako paalis sa lugar na i‘yon.
Hindi ko alam kung tuluyan na talagang namatay ang mga kalahi ko at mga magulang ko. Ang nakikita at nakakasama kong mga lobo ay kakaiba ang kanilang mga balahibo. Naiiba ako sa kanila. Maraming nagsasabi na isa akong anak ng buwan. Ngunit hindi ako naniniwala.
“Ang lalim ng iniisip mo.” Biglang pag sulpot ni Raen. Ang babaeng naging kasama ko ngayon sa buhay. Ulila narin siya kagaya ko dahil namatay narin ang mga magulang niya, galing din siya sa ibang tribo kagaya ko. Tatlong taon narin kaming magkasama, maliit lang ang bayan na ito ngunit marami rin ang naka tira.
“Labas tayo?” Anyaya ko dito. Gusto kasi naming gumala kapag gabi. Palagi namin 'yong ginagawa kapag naiinip kami. Kaso ay palagi kaming nahuhuli ni pinunong Gorb, ang pinuno ng bayang ito, kasama ang anak niyang si Gerbin. Kasing edad ko rin siya at minsan ay kasama rin namin siyang gumala tuwing gabi.
“Magagalit naman ang mabahong matanda na i‘yon.” Saad nito. Tinutukoy niya ay si pinunong Gorb.
“Hinaan mo nga ‘yang boses mo, baka may maka rinig sayo.” saway ko dito. Inirapan niya lang ako at lumabas na nang tuluyan.
“Pakialam ko.”
Kanina ako yung nag-yayaya tapos ngayon mas excited pa siya sa‘kin. Umiling nalang ako habang natatawa. Maldita talaga si Raen. Pero sanay nako sa ugali na meron sya. Tatlong taon ba naman kaming mag kasama. Ako lang ang tanging nakakatiis sa ugali niya.
“Hintayin muko.” Nilock ko ang pinto at patakbong hinabol siya. Hindi man lang ako hinintay.
“Saan tayo?” Nagagalak na tanong nito. Halos lahat ata ng parte ng bayang ito ay napuntahan na namin.
“Ewan, hindi ko rin alam.” Gusto ko lang talaga lumanghap ng sariwang hangin tuwing gabi, at makita ang napaka gandang buwan. Sabi nila Ang diyos raw namin ay ang Buwan. Dahil ito ang nagbibigay sa amin ng lakas at buhay. Hindi naman ako kokontra dahil kapag titingin ako sa buwan ay parang may kakaiba akong nararamdaman.
“Hangganan tayo?”
Napatingin ako sa kanya. Hangganan? Tinutukoy niya ba ang boundary nitong bayan? Mahigpit na ipinagbabawal na pumunta roon.
“Alam mo naman--”
Hindi nito pinatapos ang iba ko pang sasabihin.
“Mabilis lang naman, titingin lang naman tayo siyaka di naman tayo tatapak talaga sa hangganan.” Saad pa nito.
Tinalikuran niya na ako at tuluyan na siyang naging anyong lobo. Natawa pa ako dahil hindi pa nito masyadong kontrolado ang pagiging lobo. Hindi kagaya ko na mula noong bata pa ay nakokontrol ko na, minsan ay kinakausap ko rin ito. Kakambal namin ang lobo sa loob namin, kung wala sila, normal na tao lamang kami.
Kinausap ako ni Raen gamit ang isip.
“Dalian mo na.” Saad nito. Bumuntong hininga nalamang ako, wala akong magagawa kundi sumunod.
‘Lumabas ka’
Anang isip ko at tuluyan na akong naging lobo. Nakita ko ang pag kislap ng mata ni Raen. Palagi siyang namamangha sa pagiging anyong lobo ko.
“Napaka ganda mo talaga.” sabi nito. Hindi naman ako sumagot at nauna nang tumakbo sa kaniya. Habang tumatakbo ay naglalaro din kami, minsan binabangga niya‘ko, minsan binabangga ko siya at inuunahan ng takbo. Nakaka relax kapag nag aanyong lobo kami.
Halos kalahating oras din kaming tumakbo patungo sa boundary. Nang maka rating ay agad kaming nagtago sa mga matataas na d**o dahil parang may narinig kaming mga kaluskos sa di kalayuan. Sa tingin ko ay mga bantay.
Mahina akong umungos upang makuha ang attention ni Raen.
“Itago mo ang amo'y mo.” Saad ko sa kaniya sa isip ko. Kapag tumitingin kami sa isa't-isa ay pwede kaming mag usap gamit ang isip. Yan ang isa sa mga kapangyarihan ng mga lobo. Ngunit limitado lamang dahil kailangan talagang mag ka tinginan ang mga mata ng isat isa upang magawa ang pakikipag usap gamit ang isip.
Nang wala na kaming narinig ay lumabas na kami sa aming pinag tataguan. Pareho kaming napa tingin sa mga malalaking puno. Sobrang lapit namin sa boundary. Paano kapag umapak kami sa mismong linya? At ano ba ang nandoon sa kabila?
Nawala ang pag iisip ko ng makita ko si Raen na papalapit sa mismong mga puno.
“Grrrrrrr.” pag babanta ko sa kaniya.
Nilingon niya ako at nagtama ang mga mata namin.
“Hindi kaba na cucurious Mai? Ayaw mo bang makita kung ano ang nasa kabila?” tanong nito. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at muling tumingin sa mga puno at madilim na paligid.
Kahit labag sa loob ko ay sumunod ako kay Raen. Nasa kabilang bahagi na ito. Isang tapak ko nalang ay nasa kabilang bahagi narin ako. Ngunit may kakaiba akong nararamdaman. Kinakabahan ako na natatakot.
Medyo malayo na si Raen kaya napa pikit ako at umapak sa kabilang bahagi.
Nang maka layo nako sa hangganan ay doon ko nakita ang malawak na gubat. May naamoy akong ni kailan man ay hindi ko pa naaamoy.
Tinakbo ko ang pagitan namin ni Raen at hinarangan siya. Tiningnan ko siya sa mga mata.
“Bumalik na tayo. Mukang hindi tayo ligtas dito.” Saad ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito.
“Sige, bumalik na tayo,” Tinalikuran niya ako at naglakad pabalik sa hangganan.
Pahakbang na sana ako ng biglang may naamoy akong kakaibang amoy. Katulad ito ng mga lalaking lobo ngunit mas matapang ito at nanunuot iyon sa ilong ko.
Mahina akong umungol at tumakbo. Ganun din si Raen. Mukang naamoy din niya ang naamoy ko. Nakarinig ako ng pag takbo sa di kalayuan at patungon ito sa amin.
Mukang hindi iyon narinig ni Raen kaya huminto ako at hinarap ang lobong iyon. Nasa kabilang parte na si Raen. Umungol ito, tinatawag niya ako.
May humintong lobo sa harapan ko. Katulad ng laki niya si Raen, ngunit mas malaki ako kaysa sa lobong kaharap ko. Mukang nagulat ito ng makita ako. Pinag masdan ko ang kaniyang kaniyang balahibo. Hindi ito maaari. Ang lobong kinakatakutan kong makita. Isang itim na lobo ang kaharap ko.