Hindi ito gumalaw at patuloy lamang sa pagtitig sa’kin. Naguguluhan ito at parang may takot sa mga mata. Habol ang hininga habang hinahanda ang sarili, paano kung aatakehin niyako?
Nagulat ako ng tinalikuran nya'ko at tumakbong umalis. Hindi nako nag dalawang isip na tumakbo patungo kay Raen at pareho kaming mabilis na tumakbo pauwi.
Nag anyong tao na kaming pareho, pumasok ako sa kwarto at nag bihis.
Di kalaunan ay pumasok si Raen sa kwarto ko, nakabihis narin ito.
“Anong nangyari kanina?” Kinakabahan ang boses nito.
Hindi parin maalis sa isip ko ang lobong nakita ko. Ang dating pumatay sa mga kalahi ko. Paanong nandito sila? Kaya ba bawal kaming pumunta sa kabilang parte ng bayan dahil nandoon ang mga itim na lobo?
“Mai?” Pag pukaw nito sa‘kin.
“H-hindi ko alam.” balik na sagot ko.
“Wala akong makita kanina dahil sa dilim at medyo malayo na ako sa kinaroroonan mo.”
Hindi ako umimik. Sasabihin ko ba sa kaniya ang nakita ko? Ayokong matakot si Raen.
“Pero may naaamoy akong matapang na amoy malapit sa kinaroroonan mo kanina, sabihin mo sakin kung ano ang nakita mo, Mai.” Saad pa nito.
Umiling ako habang hindi tumitingin sa kaniya.
“Wala akong nakita. Kagaya ng sabi mo, masyadong madilim doon, tanging amoy lang din niya na ang naamoy ko kanina.”
“Niya?”
Paano ko ba sasabihin? Ayokong may ibang pang maka alam tungkol sa nakita ko. Alam ni Raen ang nangyari sa mga magulang ko dahil minsan ko na ring na e'kwento sa kaniya, at alam kong matatakot ito kapag sinabi ko kung ano ang nakita ko.
“Isang lobo rin ang naamoy natin.” sagot ko. Hindi ito nag salita at mukang malalim ang iniisip nito.
“Hindi kaya si Gerbin i'yon?”
“Alam natin ang amo'y ni Gerbin, hindi pamilyar ang amo'y na iyon kanina.”
“Tama ka. Ibig sabihin may iba pang lobo sa labas ng hangganan. Isang mabashshshshs”
Tumango ako at umupo sa kama. Hindi ko na rinig ang ibang sinabi nito dahil masyadong mahina.
“Magpapahinga nako.” Tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto ko.
Hindi ako makatulog buong gabi sa kakaisip. Natatakot ako, paano kung hinahanap nila ako? Paano kung papatayin nila lahat ng nandito? Kagaya ng ginawa nila noon sa mga lahi ko.
Pinahamak ko ang lahat ng naririto sa bayan. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
KINAUMAGAHAN ay pinuntahan ko si Gerbin.
“Ang aga mo naman para kausapin ako, Mai. Gumaganda ka ngayon a.” Pag bibiro nito. Inirapan ko siya at patuloy parin sa pag lalakad. Nang maka layo na kami ay doon ko siya hinarap.
“May itatanong lang ako.”
“Eh? Bakit parang ang seryoso mo naman? Importante ba yan?” Sunod-sunod niyang tanong.
“Ako yung mag tatanong, hindi ikaw.”
Tumawa ito. Pinanliitan ko naman siya ng mata. Wala akong panahon para makipag biruan.
“Ang seryoso mo kasi. Ano ba ang itatanong mo?”
“Anong meron sa kabilang parte ng hangganan?”
Tumaas ang kilay nito sa tanong ko.
“Bakit mo naman natanong 'yan?”
“Sagutin mo nalang kasi.”
Bumuntong hininga ito.
“Hindi ko rin alam, pero may nasabi sakin ni Ama noon. Sa dulo ng hangganan ay may mas malawak na gubat. Ang nasa dulo ng gubat na iyon ay may mga lobong naka tira. Isa na roon ang mga lobong pumatay sa mga lahi mo Mai. Wala tayong dapat ikatakot dahil hindi nila tayo gagambalain at sasaktan, may isang kasunduan sila noon.”
Napaisip ako. Kung ganun wala dapat akong ikatakot.
“Anong kasunduan?”
“Walang ibang lahi na tatapak sa kanilang teritoryo. Dahil kapag nilabag nila ang kasunduan ay may kapalit ito.”
Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ito maari. Nilabag namin ni Raen ang kasunduang i‘yon kagabi.
“Bakit mo nga pala naitanong?” Takang tanong nito.
Hindi ako naka sagot. Nilamon na ako ng kaba at takot.
“Gerbin!” Rinig kong tawag ng kaniyang ina.
“Sige mauna nako, mukang tinatawag nako. Kita nalang tayo mamaya.” paalam nito.
Nagmadali narin akong umuwi. Kailangan ko ‘tong sabihin kay Raen.
“Raen?! asan ka?” Tawag ko. Mukang tulog pa yata sya. Sa tingin ko ay mag aalas otso palang ng umaga.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto nito.
“Raen?” Tawag ko ulit. Ngunit walang sumasagot. Binuksan ko ang pinto nito, mabuti at di naka lock.
“Ra--”
Nagtaka ako dahil wala ito sa kanyang kwarto. Nasaan kaya ang babaeng yun? Hindi kaya kanina pa sya gising at may pinuntahan lang?
Nakarinig ako ng katok mula sa baba.
Ang amo'y na iyon. Si pinunong Gorb at Gerbin.
Nagmadali akong bumaba at pinag buksan sila ng pinto.
Madilim ang muka ni Pinunong Gorb at mukang kinakabahan naman si Gerbin. Hindi kaya alam na nila ang ginawa namin ni Raen kagabi?
“Si Raen.”
Napahinto ako. Nilalamon nako ng kaba.
“Nakita siya ng isa sa mga bantay sa hangganan kagabi. Tumakbo ito patungo sa kabilang bahagi at hindi na ito naka balik.”
Parang naging latang gulay ang tuhod ko sa narinig. Paano? Hindi iyon magagawa ni Raen. Magkasama kami kagabi at paanong hindi naka balik 'e pareho kaming naka uwi kagabi.
“Impossible ang sinasabi mo.”
Hindi ito naka sagot. Si Gerbin ay muka nang galit. Kaya ba wala sya sa kanyang silid kanina? Pero paanong hindi ko manlang napansin na umalis siya kagabi?
“Kaninang madaling araw siya nakita ng mga bantay.” Saad pa ni pinunong Gorb.
“May alam kaba tungkol sa pag alis ni Raen, Mai?” Tanong naman ni Gerbin. May bahid ng galit ang pananalita nito.
Hindi magagawang iwan ako ni Raen, at hindi niya magagawang umalis ng hindi ako kasama. Marahil ay hindi siya umalis, maaring may kumuha sa kaniya. Hindi kaya ang lobong iyon ang kumuha kay Raen? Hindi ito maari.
Lumabas ako at nag anyong lobo. Hindi ko na sila binalingan pa. Hindi ako naniniwala sa kanila. Nang makarating ako sa hangganan ay nakita ko ang ibang mga bantay.
Ramdam ko naman ang presensya ni Gerbin sa likuran ko.
“Mai humanahon ka.” Saad nito.
Paano ako hihinahon kung hindi pa bumabalik si Raen. Natatakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. At bakit niya ginawa i’yon?
Tumingin ko sa mga mata ni Gerbin.
“Kailangan ko siyang hanapin.”
“Kailangan mong kumalma.”
Pabalik na sabi nito mula sa isipan. Kita ko sa mga mata nito ang galit at pag-aalala.
“Paano ako kakalma kung hindi ko alam kong nasaan si Raen. Baka kong ano na ang nangyari sa kanya.”
Tumingin akong muli sa hangganan. Maari akong tumakbo patungo sa kabila ngunit natatakot ako, hindi ko alam kung anong meron sa kabila. Ngunit paano si Raen? Bakit siya bumalik doon? At bakit hindi pa siya bumabalik?
Bumalik ako sa bahay at nag bihis. Padabog akong umupo at sinubsob ang muka sa mesa. Rinig ko pa ang pag katok at pag tawag sa akin ni Gerbin. Napaiyak ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko siyang maibalik. Napatayo ako at pumasok sa kwarto niya. Baka may iniwan itong sulat o kung ano.
Wala akong nakita kundi isang notebook at isang libro. Binasa ko ang naka sulat sa notebook nito. Mga nangyayari ito sa buhay niya. Binasa ko ang nasa pinaka dulo ng pahina.
Kagabi niya lang ito isinulat.
“Meron kaming na dikobre kanina. Nasa kabila ito ng hangganan. Anong meron sa kabila? Bakit parang may tumatawag sa‘kin na pumunta sa kabila? At ang amo'y na i‘yon, parang inaakit niya akong lapitan siya. Parang may kung anong humihigop sa akin na pumunta sa hangganan. Na puntahang muli ang gubat at makita ang nagmamay-ari ng amoy na iyon. Siya ba ang sinasabi sa libro?”
Kumunot ang noo ko habang binabasa ang sulat nito. Anong tinutukoy niya?
Tumingin ako sa librong nasa harapan ko. Isa itong lumang libro na may naka ukit na isang lobo.
Binuksan ko at binasa ang mga pahina. Naririto ang mga katangian ng mga lobo. Ang iba't ibang lahi, anyo, laki at paano ito namumuhay.
Binasa ko ang naka tuping pahina.
“Wolf's Mate.” pag basa ko dito.
“Bago ang tuluyang pag bilog ng dilaw na buwan, may mga lobong naghahanap ng kanilang kapareha na makakasama nila hanggang sa walang hanggan. Malalaman nila ito gamit ang amo'y, puso at ang nasa loob nilang lobo.”
Hindi kaya ito ang naging dahilan para gawin iyon ni Raen? At mate niya ba ang lobong nakita ko kagabi?