CHAPTER 3

1323 Words
Dalawang araw ang naka lipas at hindi parin bumabalik si Raen–hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang nag aalala ako para sa kanya. Paano kung pinatay na siya ng lobong i‘yon? Napasuntok ako sa mesa habang naiisip ang masasamang nangyari kay Raen. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Kung hindi lang sana ako pumayag na pumunta sa hangganan, hindi sana ‘to mangyayari. Bumuntong hininga ako at pumasok sa aking silid. Nakita ko ang maliit na bag at kasha na doon ang iilang mga damit at gamit. Hindi ako nag dalawang isip na ilagay ang iilan kong gamit na dadalhin ko. Kailangan kong hanapin si Raen. Bahala na kung ano man ang mangyari sa‘kin, ang importante ay makita at mahanap ko siya. Lumabas na ako ng bahay. Tiningnan ko muna ang kabuoan ng bahay. May kaliitan lang ito at masasabi kong ito ang naging tahanan ko sa loob ng ilang taon. Dito ko mas nakilala si Raen, at ayokong may mangyaring masama sa kanya. Makakabalik pa ba ako? Mahahanap ko kaya si Raen? Mga tanong sa isip ko habang tahimik na tinatahak ang madilim na daan patungo sa hangganan. Halos kalahating oras din akong naglakad patungo sa hangganan at nakita ko ang dalawang lobo na nagbabantay roon. Napahinto ito ng makita ako. Si Mang Daryo at ang anak nitong si Huro ang nagbabantay. Tumingin ako sa mga mata nila upang makausap sila ng mahinahon. Alam kong hindi nila ako papayagang umalis. “Mai nakikiusap ako.” Ani ni Mang Daryo. Nag uusap kami gamit ang isip. “Kailangan ako ni Raen mang Daryo, alam mong delikado sa kabila, baka ano na‘ng nangyari sa kanya.” Saad ko sa isip ko. “Aasahan ko bang makakabalik ka? Pakiusap Mai, mag iingat ka.” Huling sabi nito bago tumakbo paalis. “Mag ingat ka Mai, ibalik mo si Raen.” Sabi ni Huro, ang anak ni Mang Daryo. Hinabol nito ang kanyang ama. Alam kong labag sa kanilang loob ang pag alis ko, ngunit kailangan ‘kong gawin ‘to. Ipinapangako kong hahanapin ko si Raen. At hahanapin ko rin ang taong sinasabi sa libro. Hahanapin ko rin ang lobong naka takda para sa‘kin.. Napatingin ako sa hangganan, lumalayo na ako dito at habang patagal ng patagal ay nakakaramdam ako ng takot. Sinawalang bahala ko ang takot at sinundan ang amo'y ni Raen. Kita ko rin ang maraming bakas sa maputik na lupa. Nasisinagan ito ng maliwanag na buwan. Lumunok ako ng ilang beses at nag patuloy sa pag lalakad. Nakakarinig ako ng mga kaluskos ngunit galing ito sa mga hayop na naririto sa gubat. ‘Nasaan kaba Raen?’ Ilang oras na akong naglakad at masasabi kong parang walang katapusan ang gubat na ito. Mas mabuti sigurong mag anyong lobo ako ngunit ayokong maamoy ako ng mga lobong naririto lamang sa malapit. Mas mabuti nang ganito at naitatago ko ang amo'y ko. Umupo ako sa malaking ugat at nag pahinga ng ilang minuto. Nawawala na ang mga bituin sa mga langit, wari ko‘y mag uumaga na. Sumandal ako sa malaking puno at ipinikit ang mga mata. Nakikiramdam ako sa paligid, wala akong naaamoy na lobo. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa noo ko. Nakatulog pala ako. Tumingin-tingin ako sa paligid at wala naman akong– “Gising kana pala.” Agad akong napatayo at hinanda ang sarili sa pag atake. “Oi! Teka lang! Wala akong ginawa sayo.” Bigla itong nag panic sa ginawa ko. “Sino ka?!” Galit na tanong ko sa kanya. Kainis! Bakit hindi ko naramdaman ang pag lapit nito sa akin? Ganun ba ka himbing ang tulog ko? “Kalma kalang, nakita lang kitang natutulog dito. Muka namang mag isa kalang kaya binantayan kita, baka kasi anong mangyari sayo.” Saad pa nito. Tinaasan ko siya ng kilay. “Tinatanong kita kung sino ka!” Umatras ako at binitbit ang bag na dala ko. Baka mamaya may ninakaw ito sa gamit ko. “Ako si Waren ok? Ikaw sino kaba?” Umupo ito sa dulo ng ugat na kaninang tinutulugan ko. Hinihintay ang sagot ko sa tanong nito. Wala akong dapat na isagot sa hindi ko kilala. Lumanghap ako ng hangin, batid kong isa rin syang lobo. Amo'y na amoy ko ang baho ng lobo nito. Masyadong matapang ang kanyang amoy katulad nang kay Gerbin. Akmang aalis nako ng biglang tumayo ito at hinarangan ang dadaanan ko. “Umalis ka sa daraanan ko!” Utos ko dito ngunit umiling lamang ito at ngumiti. “Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi ang pangalan mo. Siyaka wala man lang salamat?” Kumunot ang noo ko. “Salamat?” takang tanong ko, salamat para saan? “Walang anuman.” sagot nito. Inuubos niya ang pasinsya ko. “Salamat para saan? At hindi ako nagpapasalamat sayo.” Kumaliwa ako at iniwan ito. Akala ko ay wala na ito ngunit narinig ko nalamang ang mga yabag nito, sinusundan nya ako. “Saan kaba pupunta? Siyaka nag layas kaba?” Hindi ko ito sinagot at patuloy lang sa pag lalakad. Tumataas na rin ang sikat ng araw. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina.” Muling sabi niya. Binalingan ko ito at pinanliitan ng mata. “Ano ba! Pwede bang tigilan moko!” “Titigilan lang kita pag sinabi mo na ang pangalan mo.” naka ngiting saad nito. Bumuga muna ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili. “Mailah.” tipid na sagot ko at tinalikuran ito. “Nasagot ko na ang tanong mo, pwede bang tigilan mo nako.” Nagpatuloy na ulit akong mag lakad at rinig ko parin ang pag sunod nito sa akin. Nakakainis! Rinig ko nalamang ang tyan kong tumutunog dahil sa gutom. “Gutom kana?” Tanong nito mula sa di kalayuan. “Hindi.” sagot ko at patuloy parin sa pag lalakad. Naramdaman ko nalang ang presensya nito sa kabilang gilid at may inabot na isang prutas. Isa iyong mansanas. Teka saan naman siya naka kuha nito? Doon ko lamang napagtanto na may dala rin pala itong maliit na bag. “Alam kong gutom kana, kunin mo na.” Hindi ko alam kung kukunin ko ba. Baka mamaya may lason pala. “Kung iniisip mong may lason yan, nag kakamali ka. Kung gusto mo palit tayo, ito nalang sayo, kinagatan ko na ito at nalunok ko na, sigurado akong wala itong lason.” mahabang linyagan nito. Wala akong nagawa kundi kunin nalamang ang mansanas. Ayokong may kagat niya na ang kakainin ko. Mas maraming lason ang laway niya. Hindi ko na alam kung nasaan si Raen. Wala nakong naamoy na amoy niya mula rito. Marahil ay iba ang dinaanan niya, naliligaw na siguro ako. Kinagat ko ang mansanas na bigay ni Waren. Wala naman akong pagpipilian, gutom nako. “Naglayas ka nga?” Pag ingay nito sa katahimikan. “Hindi.” Tipid kong sagot. “Eh bakit ka nandito sa gitna ng gubat? Sa pag kakaalam ko walang mga lobong pumupunta rito maliban sa nangangaso.” Binalingan ko ito at tiningnan ng masama. “Bat ka nandito kung walang pumupunta rito? Siyaka aso tayo, may nangangaso bang aso?” Bakit ko ba kinakausap ang lalaking to? Ayokong pag tuunan siya ng pansin. Inuubos niya ang oras ko. “Sungit mo naman. Siyaka hindi tayo aso, lobo tayo.” Tumawa ito, pero hindi bumenta ang biro niya sakin. Hindi nakakatuwa. “Saan ba punta mo? Pwede ba akong sumama?” “Hindi.” “Sige na, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Nag layas din kasi ako.” Napahinto ako sa paglalakad. “Bakit ka naglayas?” Napakamot ito sa ulo. “Mahabang kwento. Ikaw? Bakit ka naglayas?” Inirapan ko ito at muling nag lakad at iniwan siya. “Mahabang kwento.” Pag ulit ko sa sinabi nito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD