CHAPTER 4

1401 Words
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nasaan kana ba Raen, bakit muko pinahihirapan ng ganito? Pagod and katawan ko nang umupo ako at habang habol ang paghinga. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko. Pagod nako. Ayoko namang mag anyong lobo dahil baka may maka kita sa‘kin. Naamoy ko ang iilang mga tao na naririto lamang sa malapit. “Pagod kana?” Napairap ako sa hangin. Bakit ba hindi ako tinatantanan ng lalaking ‘to? Kanina pa sya sunod ng sunod. “Pwede ba, umalis ka sa harapan ko.” galit na sabi ko. Pagod na nga ako tapos may lobo pang pumipeste sakin. “Okay.” Akala ko’y aalis na talaga siya ngunit naglakad lamang ito patungo sa likuran ko at doon ko narinig ang pag upo nito. “Nakakapagod mag lakad.” Ani nito ngunit hindi ko ito pinansin. Tanghali na. Saan ba pwedeng bumili rito ng makakain? Kasya kaya ang dala kong pera? Nakakainis talaga! “Kanina ko pa napapansin na parang may hinahanap ka.” “Buti naman at nahalata mo.” Balik na sabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagsusungit sa kanya. Nahawa na siguro ako sa ugali ni Raen. “So meron nga? Sino ba? Lalaki ba?” Bumuga ako ng malalim na hininga. Muka bakong mag hahanap ng lalaki? Wala yun sa bukabularyo ko. Pero parang ganun narin dahil hahanapin ko rin ang lobong naka takda para sakin. “Oo at hindi.” sagot ko sa kanya. “Meron at babae ang hinahanap mo, Tama?” Bakit ba puro sya tanong ng tanong. Hindi ako sumagot at nag hanap ng pwede kalikutin sa bag. “Maganda ba ang hinahanap mo? Kailan ba siya nawala? I mean naglayas din ba?” Parang uusok ang tenga sa kakatanong ng lalaking to. “Pwede bang umalis ka nalang at pabayaan muko! Hindi kita kailangan.” Huling sabi ko at agad na naglakad palayo sa kanya. Nang sawakas ay hindi ko na ito muling nakita na sumusunod sa akin. Naka rating ako sa isang bayan na kung saan maraming tao ang naninirahan. Nakakaamoy naman ako ng iilang lobo ngunit masasabi kong iilan lamang. Kailangan kong maka hanap ng matutuluyan ngayong gabi at makakain. Nagpatuloy lamang ako sa pag lalakad at bumili ng iilang mga prutas sa kaninang dinaanan kong nagbebenta ng iba't ibang prutas. Kumakain ako ng mansanas habang patuloy paring naglalakad. Mukang wala rito si Raen. Saan ko kaya siya hahanapin? Napaka laki ng Mundo at hindi ko alam kung nasaan siya. Paano kung sa kabilang direksyon pala siya nagtungo? Tumingin ako sa paligid at bakit parang katulad ito ng hangganan? May malalaking puno at magkakasunod-sunod din ito. Baka nagkakamali lamang ako. Nagpatuloy ako at di kalaunan ay tuluyan na akong napagod. Muli akong naka tulog ngunit nagulat ako ng magising ako. Tatlong itim na lobo ang naka paligid sa akin. Inihandan ko ang sarili sa kanilang pag atake. Ito na ang ikinakatakot ko, ang makita kong muli ang mga lobong pumatay sa mga lahi ko. Tumingin ang isa sa aking mga mata. “Sino ka at anong ginagawa mo sa teritoryo namin?” “Grrrrrrrrrr. . . ” pananakot ng isa. Hindi ako sumagot at sinubukan kong tumakbo ngunit mas mabilis sila dahil hindi ako nag aanyong lobo. Ayokong malaman nilang isa akong puting lobo. Baka tuluyan nila akong patayin. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. May naamoy ako mula sa isang lobo. Amo'y iyon ni Raen. Teka, siya ang lobong nakita ko nang gabing pumunta kami ni Raen sa hangganan. “Sumama ka ng mahinahon o masasaktan ka.” Saad nito sa isipan. “S-sasama ako.” Pinilit kong maging malakas, hindi ako magpapakita sa kanila ng kahinaan. Tama nga ako, siya ang kumuha kay Raen. Ilang minuto ang naka lipas at naka rating kami sa isang malaking palasyo. Nasisinagan ito ng buwan, nakakatakot itong tingnan. Para bang may merong kung ano sa loob. At yun ang kailangan kong malaman, baka naroon si Raen. Pumasok kami at ang mga taong naririto ay mga lobo. Matapang ang amo'y, lahat sila ay itim na lobo. Maling galaw ay maari akong mamatay. Nakakatakot ang kanilang mga tingin. Huminto kami sa harap ng isang malawak na silid at may trono ito sa unahan. Kahit malayo ay alam kong may taong naka upo roon. Habang palapit ng palapit ay mas lalong tumatapang ang amo'y ng lalaking naka upo sa unahan. Ang presensya nito ay parang pumipigil sa aking mas lumapit. Nakaramdam ako ng takot ng magtama ang aming mga mata. Hindi siya ordinaryong lobo. Ang mga mata nito ay mag ka iba. Isang dilaw at isang pula. Sa tingin ko ay kalahating bampira at kalahating lobo. Nang tuluyan na kaming naka lapit ay tumingin ito sa mga lobong nagdala sa akin rito. Nag uusap sila gamit ang isip. Di kalaunan ay umalis na ang tatlong itim na lobo at tanging ako nalamang ang naiwan. “Bakit ka narito?” Malamig na boses nito. Nilabanan ko ang nagyeyelong tingin nito. Hindi ako magpapatalo sa isang kagaya niya. Hindi ako sumagot. “Tinatanong kita.” galit na saad nito. “May h-hinahanap ako,” matigas kong sagot. “Hmn? Saang tribo ka nagmula?” Hindi ako naka pag salita sa tanong nito. Wala akong sasabihin sa kanya tungkol sa pag-ka tao ko. “Matigas ang bungo mo. Gusto mo na bang mamatay?” Hindi parin ako naka sagot. Wala akong sasabihin kahit na ano. Manigas siya! Kahit patayin nya man ako ay wala akong sasabihin. “Hey man, ang init ng ulo mo.” biglang pag sulpot ng isang boses. Pamilyar iyon. Nilingon ko ito at tama nga ako. Si Waren nga, pero teka kilala nya ang lalaking kaharap ko? “Sino ba kasi–” Napa hinto ito ng makita ako. Nagulat pa ito. “Ikaw? Bakit ka nandito?" Takang tanong nito. “Kilala mo siya?” anang lalaking nasa harapan ko. Lumapit ito sa naka tayong lalaki at tinapik-tapik nito ang balikat. “Hindi naman pero kasama ko siya kanina, hindi ko naman alam na dito pala siya pupunta. Sana pala sabay nalang tayo, ang bilis mo kasi mag lakad.” Natatawang sabi niya. Wala namang reaksyon ang katabi nya. Ganun parin ang muka nito. “What are you doing here? And who is she?” “Pinuntahan kita. Naglayas ako sa bahay, magpapasama sana ako sayo papunta kila Herus.” Abala silang nag uusap kaya may naisip ako. Tatakas ako habang may pagkakataon. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa pinto ngunit biglang sumulpot ang lalaking kaninang kausap ni Waren. Hinawakan nito ang leeg ko, pulang pula ang kanang mata nito. Hinawakan ko ang kamay nitong nasa leeg ko. “Bro chill. She's just a girl.” Rinig kong sabi ni Waren. Ngunit parang wala itong narinig. Tumingin ako sa mga mata nito. Hindi ko mapigilang umiyak. Ito na siguro ang katapusan ko. Nakita ko ang pag kislap ng kaliwang mata nito. Ang kanyang kayumangging mata. Nabitawan niya ako at agad akong napa upo sa malamig na sahig habang habol ang paghinga. Ubo ako ng ubo habang patuloy lamang sa pag iyak. “Stop it bro, look at her. You scared her.” Sigaw ni Waren at patakbong lumapit sa amin. Hinawakan ng lalaki ang baba ko at galit na tiningnan ako sa mga mata. Wala akong mabasa sa mga mata niya kundi galit. “You're not going anywhere.” Pagtapos nyang sabihin ‘yon ay binitawan nya ako. Inilalayan naman ako ni Waren na tumayo. “Ayos kalang? Pasinsya na sa kaibigan ko, ganun talaga yun pero mabait yun.” Hindi ako naka imik at patuloy parin sa pag iyak. Napaka hina ko. Akala ko kaya ko nang protektahan ang sarili ko. Hindi ko namalayan na hinihila na pala ako ng dalawang lalaki. May sinabi si Waren sa kanila at hindi ko na iyon narinig. “Saan niyo‘ko dadalhin?” Tanong ko sa kanila ngunit wala akong natanggap na sagot. Huminto kami sa isang pinto at doon nila ako binitawan. Pinapasok nila ako at doon ko nakita ang isang kama at may isang upuan at maliit na mesa. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naka lock na ito mula sa labas. Napaluhod ako sa sahig. Anong gagawin ko? Paano ako makakatakas dito? Baka anong gawin nila sakin. Muli akong napaiyak. Natatakot ako. Ayokong makulong dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD