Buong magdamag akong hindi mapakali. Iniisip ko kung anong hakbang ang gagawin ko upang maka alis sa lugar na ito, ngunit paano kung nandito nga talaga si Raen? Kailangan ko muna syang hanapin. Kapag nasiguro kong wala sya rito ay doon lamang ako aalis sa lugar na 'to.
Kinaumagan ay may bumukas ng pinto, isang lalaki, isa sya sa nagdala sa akin dito sa silid kagabi. Inihagis nito papasok ang bag ko.
"Ihanda mo ang iyong sarili. Ililitis ka ng pinuno mamaya." Sabi nito at agad na isinara ang pinto.
Ililitis? Bakit? Wala naman akong ginawang masama. Hindi ko naman alam na umaapak na pala ako sa teritoryo nila. Kailangan ko ng tulong, kailangan ko ang tulong ni Waren, kilala nya ang Alpha ng lugar na ito. Siya lang ang naiisip kong makakatulong sakin upang maka takas at maka alis rito.
Pero paano ko sya makakausap? Saan ko siya hahanapin?
Nanlumo ako at napa upo sa kama. Paano kung hindi niya ako tutulungan? Paano kung katulad din sya ng lalaki kagabi? Tinaboy ko sya kahapon at sinabihan ng masasakit na salita, kaya impossibleng tulungan nya'ko.
Tumulo ang luha ko at niyakap ang bag na hawak ko. Hindi ko na alam.
Ilang oras ang lumipas at dinala nila ako sa isang silid na kung saan may roong lima na naka upo sa unahan at nasa gitna nito ang lalaking sumakal sakin kagabi. Muli akong nakaramdam ng takot ng magtama ang aming mga mata. Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya. Naka yuko lamang ako habang nag uusap ang mga nasa unahan. Siguro sila ang mga mas nakakataas na lobo sa lugar na 'to.
"Saang lugar ka nagmula?" Ani ng isang may katandaang lalaki.
Hindi ako naka sagot sa tanong nito. Ayokong madamay sila pinunong Gorb dito. Hinding-hindi ko sasabihin kung saan ako nanggaling. Pwede akong gumawa ng storya upang makumbinsi ko silang mag isa lamang akong namumuhay. Tama, yun lang ang tanging paraan.
"Ano ang iyong pangalan?"
Lumunok ako ng ilang beses at inangat ang aking tingin. Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa gitna na sing lamig ng yelo ang muka at mga matang naglalagablab na parang mapapaso ka kapag tumingin ka sa kanyang mga mata.
"M-mailah Wardrof, hindi ko alam kung saan ako nagmula at anong a-angkan ako nang-galing. Mag-isa na lamang ako sa buhay." Saad ko habang nilalabanan ang mga tingin na ibinabato nila sa akin.
"You don't know what kind are you from? Well, that's new but I'm not very well convince."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.
"Convince us that you are not an enemy." Muling saad nito ngunit wala talaga akong naiintindihan sa sinabi nya. Ano bang linguahe ang sinasabi nya? Salitang English ba?
Alam ko kung paano mag basa at mag sulat ngunit ang mag-slita at mga salitang English ay hindi ko alam. Kaunti lamang ang nalalaman ko.
"Pinuno, mu'kang hindi sya nakakaintindi." Sabi ng babaeng parang mas matanda lamang sa akin ng ilang taon. Mabuti pa sya nahalata nya, muka syang mabait at napaka ganda nya.
Halatang naiirita na ang kanilang pinuno. Kasalanan ko bang hindi ko naiintindihan ang sinabi niya? At kahit patayin man nila ako ngayon ay wala akong sasabihin sa kanila.
"Fine." Pagtitimpi nito.
"Kumbinsihin mo kaming hindi ka kaaway, mag anyong lobo ka." Dugtong pa nya.
Ano? Mag anyong lobo? Hindi. Hindi ako maaaring mag anyong lobo, yun ang dapat kong iwasan, baka tuluyan na nilang malaman na isa akong puting lobo.
"H-hindi. . . "
Tumaas ang kilay nito.
"Ano?"
"Hindi ko k-kaya. Hindi ko alam kung papaano." giit ko.
'Wag na wag mo akong ilalabas Mai, papatayin nila tayo' Anang lobo sa loob ko.
"Paanong hindi mo kaya? Isa kang lobo." Saad ng lalaking matanda.
"Hindi ko a-alam. Kagaya ng sabi ko, mag isa na lamang ako. Walang nagturo sa'kin paano ilabas ang lobong nasa loob ko." Pagsisinungaling ko. Mula bata palamang ay nakokontrol ko na ang lobong nasa loob ko.
Nagsitinginan silang lima. Mukang nag uusap sila gamit ang isip. Papatayin ba nila ako?
Nagulat ako ng tumingin'g muli sa akin ang sinasabi nilang pinuno.
"Kung gan'on, maari kang manatili at mamuhay kasama namin dito sa loob ng palasyo. Magiging isang taga sunod kita, sa ayaw at gusto mo." Saad nito at tumayo. Binalingan pa ako nito ng nakakamatay na tingin.
"Binabalaan kita, sa oras na may ginawa kang hindi maganda . . . ako mismo ang papatay sa 'yo." Kumislap ang kanang pulang mata nito. Madilim at may diin ang bawat salita nito. Tuluyan na itong umalis kasunod ang apat na naglitis sa ‘kin.
Habang ako ay tulalang ipinapasok sa utak ang mga huling sinabi nito. Wala akong kawala. Hindi ako papayag! Hahanap ako ng paraan upang maka takas, ngunit sa ngayon, kailangan ko munang mabuhay. Hindi ako gagawa na ikakasama ng imahe ko, upang makumbinsi ko silang magiging kaanib nila ako.
Binigyan ako ng isang babae ng susuotin. Katulad 'yon ng damit ng mga babaeng naririto sa palasyo, wari ko'y mga taga sunod.
"Ako si Mela, halika ihahatid kita sa kama mo." Nakangiti ito at masasabi ko na mu‘kang mabait sya. Sumunod ako sa kanya at naka rating sa isang maliit na silid na may roong dalawang kama. Ang isang kama ay nagugusot na, siguro ay may natutulog na roon.
"Doon ka sa kaliwang parte ng kama, akin naman itong nasa kaliwa. Pasinsya kana, ayaw ko kasi na malapit sa bintana. Mabilis kasi akong lamigan." Paliwanag nito. Wala akong sagot at tumango na lamang. Tinungo ko ang magiging kama ko at doon umupo, inilapag ko ang dalawang pares na damit at ang bag ko.
"Kakaiba ang iyong suot, siguro malayo ang pinagmulan mo."
Bilugan ang kanyang muka, ang kanyang buhok ay maiksi lamang at hindi ito masyadong maputi ngunit maganda sya at mabait.
Tumango ako. Pansamantala lamang ito, kapag nahanap ko dito si Raen, magkasama kaming tatakas.
"May babae ba silang idinakip dalawang gabi na ang nakakalipas?" tanong ko dito. Napaisip naman ito.
Sana meron, dahil nasisiguro kong si Raen 'yon.
"Hindi ako sigurado, pero. . . . parang mayroon nga." Sagot nito.
"Alam mo ba kung saan sya idinala?"
Umiling ito.
"Wala akong nalalaman tungkol ri‘yan, siguro ang ibang mga taga sunod ay may alam. Maari akong mag tanong-tanong mamaya."
Binigyan ko ito ng ngiti.
"Salamat, Mela."
"Walang anuman, sige maiwan na muna kita, may gagawin lamang ako." paalam nito at tuluyan nang naka labas ng silid. Tiningnan ko ang kabilugan ng buong silid, mas maliit ito kumpara sa silid na kung saan ako ikinulong kagabi.
Mahigpit 'kong hinawakan ang damit na susuotin ko. Kailan man ay hindi ako taga sunod ng kung sino man! Wala akong sinusunod kundi sarili ko. Pero wala akong magagawa, hindi ako kasing lakas ng kanilang pinuno, hindi ko kayang labanan sila ng mag isa.
Hinubad ko na ang suot kong damit at pumasok sa banyo. Maliit lamang ito at kasya lamang ang isang taong naliligo. Naligo ako at isinuot ang damit na ibinigay ni Mela. Maliit ito ng kaunti kaya parang hapit na hapit ito sa katawan ko. Hindi naman ako nahihirapang gumalaw dahil nauunat naman ito. Ngunit ang dibdib ko, naiipit at nakikita ang taas ng aking dibdib. Nahihiya akong isuot ito, pero kanina si Mela ay ganun din naman nakikita rin ang taas ng kanyang dibdib, siguro ay ganito talaga ang damit na ito. Medyo may kahabaan din ito, hanggang taas ng talampakan ko. Makakalakad bako sa damit na to? Para itong bistida na isinusuot sa pagdiriwang sa aming bayan.
Hindi ko itinali ang aking buhok at hinayaan lamang ito. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas. Nakita ko ang iilang nag babantay, kita ko ang kanilang mga mata na naka tingin sa akin. Hindi ko alam kung matatakot ako o mahihiya.