“Saan ka ba nagmula?”
Tanong ng isang babaeng kasama ko dito sa loob ng kusina. Tinutulungan ko itong mag gayat ng mga gulay.
“Hindi ko alam, basta malayo." Saad ko.
“Ganun ba? E ang lobo mo? Ano ang kulay nya?” Patuloy parin ito sa pag tatanong habang nag gagayat ng sibuyas.
Hindi ako agad naka sagot. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko.
Biglang dumating ang may katandaang babae na wari koy masama ang ugali, nakataas ang kilay nito ng tumingin sa aming dalawa ni Cale, mabait naman si Cale pero marami siyang tinatanong. Medyo nakakainis lang marinig ang mga maraming katanungan, tinatamad akong sumagot. Hindi ko na alam kung anong isasagot ‘kong kasinungalingan.
“Ikaw! Dalhin mo ito sa labas at ibigay mo kay Melya." Utos nito habang naka tingin sa akin. Sa tingin ko ako ang inuutusan nya. Nag tinginan kami ni Cale at tinanguan nya lamang ako.
Kinuha ko ang may kalakihang planggana at binitbit, mabigat ito dahil sa mga iba't ibang gulay na nagayat na. Wala akong nagawa kundi sumunod nalamang, isa na akong taga sunod dito sa palasyo at hindi ako pwedeng humindi sa ipinag uutos sa akin, dahil kung hindi . . . . baka mamatay na akong tuluyan sa lugar na ito.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang turo nya ay sa labas ko ito dalhin.
Paglabas ko ng pinto ay bigla akong may naka bangga. Nabitawan ko ang dala ko at nag kalat ito sa sahig. Nanlaki agad ang mata ko, kinakabahan ako dahil baka mapagalitan ako. Ayoko pa namang may magawang kapalpakan.
Kainis! Umpisa palang may katangahan nakong ginawa.
“Ano ba! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo!” Galit na sigaw ko sa lalaking naka talikod na bumangga sakin. Hindi man lang humingi ng pasinya! Sya na nga itong naka bangga sya pa ang may ganang umiwas ng tingin!
“Hoy, ano ba!” Hinawakan ko ang balikat nito at ipinaharap sakin.
Kasing lamig ng yelo ang tingin nito. At mukang galit siya. Hindi maari . . . . ang lalaking sinasabi nilang pinuno ang na. . . . ka. . . . bangga sa‘kin. Lumunok ako ng ilang beses at hindi na ako naka pag salita.
Nakita ko ang iilang mga kawal na nasa likuran nito at gulat na gulat sa nangyari. Sino ba naman ang magtatangkang sigawan ang pinuno nila. Malamang ako!
“Ikaw?” Galit na sigaw nya.
“Ahhh. . . p-pasinsya na–”
Pinanliitan nya ako ng mata at hinawakan ang baba ko. Masakit iyon at ramdam na ramdam ko ang kuko nyang bumabaon.
“You're really makes me mad huh?! How dare you to yell at me!”
Galit na galit na sabi nito kahit hindi ko naiintindihan.
“Hindi kita naiintindihan!” balik na sigaw ko at iniwaksi ang kamay nito, umatras ako at nilabanan ang nakakamatay niyang tingin.
“Tanga kaba para hindi mo maintindihan!”
“Sino kaya satin ang tanga! Alam mo namang hindi ako nakakaintindi ng lengguwahe na yan, tapos yan pa ang sinasambit mo!”
Napahinto ito at hindi makapaniwalang nakatitig sakin. Nakakatakot ang mga mata niya pero wala na akong pakialam.
“You're unbelievable!” Tanging nasabi nya at dimaka paniwalang umiling.
“Kita mo, sabing hindi ko maintindihan. Ewan ko sayo!”
Lumuhod ako sa sahig at isa-isang pinulot ang iba't-ibang gulay na nagkalat sa sahig. Naka tayo lamang ito at walang ginawa kundi titigan ako, ramdam ko ang matalim nyang titig. Pati ang naririto sa paligid ay gulat na gulat sa mga nangyayari. Kahit pinuno sya ay hindi ko sya uurungan.
“Tulungan niyo sya!” sigaw nya at tinulungan naman ako ng mga kawal at mga iilang taga sunod na pulutin ang mga gulay.
Nang maubos nang mapulot lahat ay siyaka ako tumayo at binigyan sya ng tingin, inirapan ko pa ito bago tuluyang umalis sa harapan nya dala ang palangganang puno ng gulay na may mga dumi.
Syaka ko lamang na napagtanto ang ginawa ko. Sinigawan ko ang pinuno nila. Lagot talaga ako, pero bahala na.
Nang sa wakas ay naibigay ko na ang mga dala ko sa babaeng medyo may katandaan na–ay doon ako naka hinga ng maluwag. Muntik pa akong mapagalitan dahil puno daw ito ng dumi. Pano kung sabihin ko sa kanya na ang pinuno nila ang dahilan kung bakit puno ng dumi ang mga gulay. Wala syang nagawa kundi hugasan nalamang ang mga gulay na dala ko.
Samantalang ako ay tahimik na naka tayo lamang dito sa may puno. Ano naman ang gagawin ko dito mag hapon? Baka lalo akong pag initan ng lalaking ‘yon pag wala akong ginawa dito sa palasyo nya. Nakakainis ang lalaking yun!
Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito pero ayoko talaga na may sinusunod ako, gusto ‘kong ako mismo ang mag dedesisyon at umayon sa mga gagawin ko.
“Ikaw!” Rinig kong turo ng isang kawal sa‘kin.
“Bakit nandyan ka? Doon ka sa loob at tumulong kang mag linis ng mga silid.” Utos nito. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili, naiinis ako pag may inuutos sakin na hindi ko naman talaga gusto.
Pumasok akong muli sa palasyo at nag lakad sa kung saan, hindi ko naman alam kung nasaan na ang mga naglilinis ng mga silid. Titingin-tingin nalang siguro ako sa loob kung naroon ang mga naglilinis.
Unang binuksan ko ang mga pinto dito sa baba ngunit walang tao, sa tingin ko ay silid iyon ng mga kawal. Malaki kasi at maraming higaan sa loob. Naka ilang pinto narin ako pero hindi ko parin mahanap kung nasaan sila.
Umakyat ako sa pangalawang palapag ng palasyo at binuksan isa-isa ang mga pinto ngunit wala parin. Isang pinto nalamang ang hindi ko pa nabubuksan, nasa pinaka dulo ito ng bawat pinto at mas malaki iyon kumpara sa ibang mga pinto na naririto, wari ko’y katulad din i‘yon ng nasa baba.
Nang buksan ko ang pinto ay agad kong sinilip ang loob, wala akong makitang tao. Namangha ako sa laki at linis ng kwarto, iisang kama lang ang nandito at malaki iyon, kakasya yata ang apat na tao. Agad akong pumasok at mas lalo akong namangha, maganda ang disinyo ng kwarto at maraming mga imahe ang naka dikit sa pader na sa tingin ko ay obra ng isang pintor. Nakakamangha talaga! Ang swerte naman ng may ari nitong kwarto.
Humikab ako ng ilang beses, nakaramdam ko ng antok. Mabango rin ang amo'y nitong kwarto, parang inaakit akong matulog.
Dumako ang tingin ko sa malaking kama.
“Masarap sigurong matulog dito.” Saad ko at umupo sa kama. Napaka lambot at mas lalo akong inaantok.
Humiga ako at kinuha ang isang unan upang yakapin. Napakabango pati ng unan. Humikab akong muli at tuluyan nang naka tulog.
Nagising ako dahil sa simoy ng hangin. Umupo ako sa kama at kinusot-kusot ang mga mata syaka ako nag unat ng mga bisig. Medyo malamig na ang simo‘y ng hangin, dapit hapon na siguro. Napasarap ang tulog ko, ilang oras din siguro ako naka tul–
Napahinto ako ng may naaninag ako sa kaliwang parte ng kama. Nang lingunin ko ito ay agad akong nagulat. Anong ginagawa nya dito?
“Gising kana pala.” Malamig na boses nito.
“Anong ginagawa mo rito?” Agad na tanong ko sa kanya.
“Ako ba dapat ang sumagot nyan o ikaw, Hmn? Anong ginagawa mo sa aking silid?”
Silid? Sa kanya to? Paktay! Sa kanya pala to, kaya pala ang laki, kasi pinuno ang may ari.
“S-sayo to?”
Tumaas ang kilay nito. Naka tingin lamang ito sa akin, hinihintay ang iba ko pang sasabihin.
“A-ano kasi, hinanap ko y-yung mga naglilinis t-tapos napadpad ako d-dito.” Nauutal kong sabi.
“Kaya pala ilang oras kang tulog.” Saad nya at tumayo, nilapitan ako nito at ilang dangkal nalamang ang layo nito sa ‘kin. Lumunok ako at nanatili sa kinatatayuan ko.
“P-paano mo nalaman na ilang oras akong nakatulog?”
“Kasi hinintay kitang magising." Tipid nyang sagot.
“B-bakit?”
“Anong bakit?” kumunot ang noo nito.
“Bakit muko hinintay magising?” Takang tanong ko. Ngumisi ito na parang hindi maka paniwala.
“Isn’t obvious? Kasi gusto kitang palabasin!” Parang may kung ano sakin upang magalit ako sa sinabi nya.
“E, bakit di muko ginising? Bakit kailangan mo akong hintayin magising? Sana ginising mo nalang ako! Parang may utang na loob pako sayo dahil hinintay mo pakong magising. Salamat ha!” Naiinis kong sabi at tinalikuran siya, tinungo ko ang pinto at binuksan. Aalis na sana ako ngunit may biglang pumasok sa utak ko.
“Sa susunod na matutulog ako sa silid mo, sana gisingin mo ako para hindi ka maghintay.” huling sabi ko at isinara ang pinto.