CHAPTER 7

1198 Words
Nang tuluyan na akong naka labas ng kanyang silid ay padabog akong pumasok sa silid namin ni Mela. Pinag sususuntok ko ang unan at itinapon sa kung saan. Ewan ko kung bakit ako nagagalit, basta galit ako, galit ako sa lalaking yon! Akala mo kung sino! Ang sarap niyang gutay-gutayin! “Ayos kalang ba?” Hindi ko namalayan na pumasok pala si Mela. Mukang pagod na ito. Puno rin ng dumi ang damit niya. “Ayos lang.” Tipid kong sagot at tinungo ang bintana. Kita mula rito ang papalubog na araw, mag dadalawang araw na pala ako dito, at hindi ko pa rin alam kung paano ako aalis at mahahanap si Raen. Sumasakit ang dibdib ko kapag naiisip kong baka tuluyan na akong hindi maka alis sa lugar na ito. Tumulo ang luha ko at agad ko iyong itinuyo gamit ang aking palad. Kailangan kong mag paka tatag. “Habol!! Ang bagal mo naman, HAHAHA” rinig ko ang pamilyar na boses. Tumingin ako sa baba at nakita ko roon si Waren na nakikipag habulan sa mga bata. Bakit sobrang komportable naman nya sa lugar na ito? Samantalang ako parang napaka miserable ng lugar na ito para sa akin. Kailangan kong maka usap si Waren ngayon din. Nag dali-dali akong lumabas at bumaba patungo sa labas. Naabutan ko si Waren na naka upo sa may damuhan at ang mga bata naman ay patuloy sa pag hahabulan. Nang makita niya ako ay agad itong ngumiti. “Hi ulit.” bati nito. “Pwede ba tayong mag usap?” Hindi nako nag pa tumpik-tumpik pa. “Ahm, tungkol saan ba?” Nakangiti parin ito ngunit ang kaliwang kilay ay naka taas. “Basta importante.” Biglang sumulpot ang kaninang naglalaro na mga bata. “Oyyy . . . si kuya Ren may girlfriend na.” Tumawa lang si Waren sa sinabi ng batang babae. “Siya si ate niyo Mailah, kaibigan ko siya.” Saad ni Waren sa apat na bata at binalingan ako ng tingin. “Sila naman si Bryan, Mika, Ronie at Hero.” “Ang ganda niya kuya.” Sabi ni Bryan “Hello po ate Mailah.” Kumaway naman sa akin si Mikka. Ngumiti nalamang ako. “Alagaan mo ang kuya Ren namin ate, mabait yan at gwapo pa.” Sabi naman ni Ronie. “Huh?” takang tanong ko. Naguguluhan ako. “Sige na mag laro na muna kayo. May pag uusapan lang kami ng ate Mailah niyo.” Ani ni Waren. “Ang ganda ng pangalan niya Kuya, bagay na bagay sa kanya.” Biglang sabi naman ni Hero, sa tingin ko ay sampung taong gulang pa lamang ito. Tumawa naman si Waren at tumayo. “Sige na doon na muna kayo.” Nag si alisan naman ang mga bata at nag patuloy sa pag-lalaro sa di kalayuan. “Pasinsya kana sa kanila, anyways. . ano ba ang pag uusapan natin?” “Matutulungan mo ba ako?” Agad na tanong ko. Tumaas ang kilay nito. “Kung iniisip mong tumakas, hindi kita matutulungan.” Para akong nanlumo sa narinig. Akala ko pa naman matutulungan niya ako. “You are safe here, Mailah. I know you're different, I guess alam din niya yun. Kaya hindi siya papayag na umalis ka.” Hindi ko naintindihan ang unang sinabi nito, ngunit ang huling sabi niya ang tumatak sa isip ko. Bakit ayaw niyang umalis ako? Alam ba nila ang sekreto ko? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. “I'm sorry, wala akong kontrol sa kanya lalo na't sya ang pinuno dito. Kaibigan ko rin si Jero, at alam kong hindi ka niya sasaktan kung iyan ang iniisip mo.” Jero? Jero ang pangalan ng lalaking yun? “Jero is a good guy. Magtiwala ka sa kanya.” Huling sabi nito. Umiling ako at mapait na ngumiti. “Yun ang hindi ko kayang gawin, hindi ako mag titiwala kahit na kanino. Lalo na sa lalaking yon! Kung hindi mo ako matutulungan, ayos lang. Kaya ko mag isa.” Pag tapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na ito. [ Waren POV] Naghihinayang na tumingin ako sa papalayong pigura ni Mailah. Siguro umasa siyang matutulungan ko siya. Kahit subukan ko man ay wala akong magagawa, Jero is responsible for her right now. Mabuti sana kung nasa teritoryo ko si Mailah, kaso hindi. Hindi ko naman alam na dito pala sya patungo. Bumuntong hininga nalamang ako. Naramdaman ko ang presensya ni Jero sa terrace ng kwarto nito. Malamig ang tingin nito sakin. Alam ko na ang ibig sabihin ng tingin niya. Gusto niya akong maka usap. Tinungo ko ang silid nito at umupo sa malapad na sofa. Kumuha ako ng mansanas sa mesa nito at agad itong kinagat. “What did she said?” “She wants my help. Like I expected.” Tipid kong sagot at muling kumagat sa mansanas. “Hindi ko pa pala nasasabi sayo, bro. May hinahanap siyang babae. Nasabi niya sa akin noong nakasabay ko siya sa kakahuyan.” “Babae? What about it?” muling tanong nito at umupo sa kabilang sofa. Madilim ang muka nito. Palagi naman siyang ganyan, nagsimula ito nang mamatay ang Ina niya. Ako at si Herus lamang ang kinakausap niya ng matino. “I don't know, maybe her mother? or her sister, neither a friend.” I shrug. “I can't read her mind. I don't know why. Maybe there's something different in her.” “I know. You need to figure it out bro.” Tumayo ako at kumuha ulit ng mansanas sa mesa. “I will. But I need to find my mate first.” Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Mate? Mating season naba? “A what?” natatawang tanong ko. “My mate, I need to find her fast as I can. Kailangan ko nang mag ka roon ng tagapag mana.” Huminga ito ng malalim. Finding a mate is hard. Hindi mo alam kung saang lupalop mo ito hahanapin. The moon god said to our ancestors that only one wolf will destined to us. If she reject him, then he can find another one again, but if she doesn't, then they will live happily ever after. “Why? I mean. . . I thought you doesn't want be with someone.” I laugh. “I change my mind. Ayokong mabuhay mag isa.” Malamig na sabi nito. Humagalpak ako ng tawa. Si Jero ba talaga itong kausap ko? “Stop laughing moron!” Singhal nito. “S-sorry, HAHAHAHAA. K-kasi naman, last year mo lang sinabi sakin na ayaw mong makilala ang naitakda para sayo. Kakainin mo din pala ang sinabi mo.” “What about you? Ayaw mo bang malaman kung sino ang naitakda para sayo?” I shrug at napaisip. “I'm not ready yet. Hindi pako handang sumugal.” “Ako handa na. Kahit pa nakataya ang pagiging pinuno ko. Isusuko ko ito para sa kanya.” Tumango ako at napangiti. He was a cold guy with a warm heart. I can see it through his eyes. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nito. “I will help you to find her.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD