NASA biyahe ngayon sila Xander at Shania. Walang imik mula pa kaninang nagtalo silang mag-asawa dahil sa hindi pagpayag ni Shania na sumama sa pag-alis ni Xander papuntang Australia. Napabuntonghininga si Shania. Sa totoo lang ayaw niyang malayo kay Xander lalo na ngayong nag-uumpisa pa lang ang magandang relasyon nila kaya lang, hindi maaring umalis siya lalo na sa kalagayan ni Zanray. Mahal ni Shania si Xander at iniisip pa lang niyang magkakalayo sila ay nangungulila na siya pero hindi rin naman kakayanin ng konsensiya niyang malaman maging miserable na naman ang buhay ni Zanray dahil sa pag-iwan niya rito. Naalala ni Shania nang araw na hindi siya nakapunta sa Ospital dahil hindi alam kung anong ipapaalam kay Xander, na hindi siya nito mabubuking. Tinawagan siya kinabukasan ni There

