“NANDITO na tayo.”
Nagising si Vera Mae sa bahagyang tapik at tinig ni Brian. Nang magmulat siya ng mga mata, nakita niya ang pamilyar na tanawin. Ang malawak na bakuran sa Banal mansion sa Sagada. Nang kumilos siya, noon lamang din niya napansin na mas nakababa ang sinasandalan niya.
“Mahimbing na mahimbing ka kanina noong huminto tayo sa Morning Star,” maagap namang nagpaliwanag ang binata. “Ginising kita pero hindi mo ako pinansin. Inayos ko na lang iyang upuan mo para mas makatulog ka pa.”
“Sana ay ginising mo ako uli. Relyebo tayo sa pagmamaneho, hindi ba?”
“Sayang ang himbing mo. Kaya ko naman na straight magmaneho. Nagkape na lang akong mag-isa habang nag-inat-inat. Tutal nandito na tayo, mauna ka na. Ako nang bahala sa mga dapat ibaba.”
“Sige salamat. Pero ako nang magbibitbit ng pasalubong ko kay Lolo.” Pero unang nahagip ng tingin niya ang malaking kahon ng starberry shortcake. “O, iyong pasalubong mo kay Yumi. Malay mo dumating na pala siya.”
“Ayan ha. Ikaw ang nagsisimula. Mamaya ikaw din naman ang napipikon.”
Nginisihan niya ito. “I’ll go ahead. I need to brush my teeth, too.” Tumalikod na siya.
“Conscious, babe?”
She stopped on her tracks and looked back. “Anong sabi mo?”
“Nag-English ka, naintindihan ko. Ngayong ako ang nag-English, hindi mo naintindihan?” sabi nito, tila litong-lito.
“Ah, forget it,” aniyang nagpipigil ng tawa. Nilakihan na niya ang mga hakbang at sabik na pumasok sa mansyon.
“Vera Mae, mabuti at maaga kang nakarating,” salubong sa kanya ng madrasta niya.
“Aunt Carrie, good morning! Kahapon pa ako dumating sa Baguio. Natulog muna ako doon bago itinuloy ang biyahe dito. Si Lolo Alfonso?”
“Nasa kuwarto niya. Alam niyang darating ka. Hinihintay ka niya.”
“Thanks, Auntie. Pupunta na ako doon. Wait may balita na ba kay Yumi?”
Umiling ito. “Sige na, puntaham mo na muna si Papa.”
Sabik na humakbang na siya sa direksyon ng kuwarto ng abuelo. She made a gentle knock.
“Tuloy,” wika ng isang tinig na kilalang-kilala niya.
Itinulak niya ang pinto. “Lolo!” malambing na sabi niya.
Ngumiti ito nang makita siya. “Vera, mabuti at maaga ka.”
“Dapat nga ay mas maaga pa ako.” Nagbeso sila nito at lumapit siya sa matanda at nagmano. “Lolo, kumusta ka na? Nagdala ako nitong paborito mong biscocho.”
“Salamat. Hindi mo talaga nakakalimutan ang paborito ko.”
“Of course not, Lolo.”
Tinitigan siya nito. “Si Angel, kumusta siya?”
“She’s doing great in school,” nagmamalaking sagot niya. “Consistent na first honor.”
Nasisiyahan itong tumango. “Gusto ko rin sana siyang makita pero alam kong madaming araw ang ililiban niya sa escuela kung igigiit ko ang hiling ko. Masaya na akong malamang mabuti ang lagay niya---” Bigla itong napaubo.
Maagap na dinaluhan niya ito at hinagod-hagod ang likod.
“Mukhang pinapahirapan kayo masyado ng ubo” nag-aalalang wika niya.
“Mayroong mas malalaking bagay na dapat kong harapin kesa magpaapekto sa ubong ito. Alam naman nating lahat kung saan patungo ang sakit na ito, Vera Mae.”
“Lolo, huwag kang magsalita ng ganyan.”
“Mamamatay din ako sa ayaw natin at sa gusto. Ayokong sayangin ang mga araw na mayroon pa ako. Kailangang mailagay ko sa ayos ang lahat.”
“Lolo,” halos singhap niya.
“Nabanggit ko na ito kay Carrie. Masakit sa kanyang tanggapin at naiintindihan ko siya. Pero gaya ninyo ni Yumi, hindi ko maaaring pabayaan ang iba ko pang apo. Nahanap ko na silang lahat. Anim sila.”
“How about Yumi, Lolo?”
“Kahit kailan ay hindi nakaligtas sa akin ang kinaroroonan ng kapatid mong iyon. Uuwi din iyon,” puno ng kombiksyon na sabi nito. “Vera Mae, bilang isa sa nakatatanda sa inyong mgakakapatid ngayon pa lang ay ibinibilin ko na sa iyo ang iba mo pang mga kapatid. Alam kong hindi rin madali sa iyo ang nalaman mo pero hindi dahilan iyan para hindi mo sila tanggapin. Gusto kong maging bukas ang puso at isip mo para mahalin ang bawat isa sa kanila. Tandaan mong katulad ni Yumi, iisa ang inyong ama. Kalahati ng dugo mo ay kagaya din ng kalahati ng dugo nila.”
“Naiintindihan ko po, Lolo.”
“Gawin mo, Mimi.”
“Opo.”
Nasisiyahan itong tumango. “Tiyak na pagod ka pa sa biyahe, Vera Mae. Kumain ka na muna at magpahinga.”
“Okay lang po ako, Lolo. Sa Baguio lang ako nanggaling. Hindi masyadong nakakapagod ang biyahe. Isa pa hinatid ako ni Brian. Siya ang nagmaneho kaya tulog lang ako sa buong byahe.”
“Ah, si Brian.” May pagkagiliw ang tono nito. “Kung pinalad sana akong magkaroon ng apong lalaki, isa si Brian ang gugustuhin kong maging tunay na apo.”
“Lolo, hindi mo naman siya itinuring na iba. Alam namin lahat na parang apo mo na rin si Brian.”
“Mayroon pa akong higit na magagawa,” makahulugang sabi nito. “Puntahan mo na si Carrie. Malamang ay gusto ka rin niyang makausap,” taboy nito sa kanya.
“Tawagin mo lang ako basta kailangan mo ako, Lolo.”
Pataboy na isinenyas nito ang kamay.
“Parang mas mahina si Lolo ngayon kesa noong huli akong dumalaw,” puno ng pag-aalalang sabi niya kay Aunt Carrie nang .
“Alam naman natin kung saan papunta ang sakit niya. Hindi naman nagpapabaya ang mga doktor niya. Talaga lang may mga bagay na hindi natin kayang pigilan,” malungkot na sagot nito.
“I hope it won’t happen soon.”
“Iyan din ang lagi kong panalangin. Lalo pa ngayong nalaman kong nagkalat pala ang mga iba pang anak ng ama mo.”
“Aunt Carrie.”
“Masisisi mo ba ako?” Lalong umasim ang mukha nito. “Kayo ni Yumi ay maluwag sa dibdib kong tinanggap. Ang totoo, kahit tanggap ko kayo ni Yumi, madalas ay parang tinutusok sa sakit ang puso dahil kayo ni Yumi ang buhay na patotoo ng kakulangan ko bilang babae. Sa haba ng pagsasama namin ni Alfie, ni hindi kami nagkaroon ng kahit isa man lang sanang anak. Pagkatapos, ngayon ay malalaman kong may anim pa pala siyang anak? Anim na anak sa anim na magkakaibang babae!” halos maghisterya ito.
“Aunt Carrie, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero nandiyan na sila. Ako man ay nagulat din pero walang dahilan para hindi ko sila tanggapin dahil mga kapatid ko rin sila. Sana kung hindi man ngayon ay dumating din ang araw na tanggapin mo sila kung paano mo kami tinanggap ni Yumi.”
“Mahirap ito, Vera Mae.”
“In time, Auntie.”
“Teka mayroon talagang nakahandang pagkain sa mesa. Kumain ka na muna.”
“No, thanks, Aunt Carrie. Wala pa akong ganang kumain. Sisilipin ko muna si Papa sa ospita. Pero si Brian---”
“Huwag mong intindihin iyon. At home iyon dito. Hindi papabayaan ni Tinay ang lalaking iyon.”
“PAPA ALFIE, ang laking sorpresa nito sa akin,” sabi niya sa walang malay na ama. Ugali na niyang kausapin ito sa kabila ng hindi niya tiyak kung aware nga ba ito sa mga sinasabi niya. “Imagine six more sisters? Excited akong makilala ang bawat isa sa kanila pero hindi ko alam kung paano kaya kami magkakasundo? Sana lahat kami ay makapag-adjust sa isa’t isa.” niyugyog pa niya nang bahagya ang kamay nito. “Papa, sana gumising ka na. Or i-mental telepathy mo si Yumi. Pauwiin mo na siya. I can’t handle this all by myself. Mas madali ito kung nandito si Yumi.”
Kumislot ang isang daliri nito na ikinabigla niya. Tumayo siya at tumawag ng nurse. “Nakita kong gumalaw ang daliri ni Papa. Magigising na ba siya?”
Sinuri ng nurse ang kalagayan ni Alfie. “Tulog pa rin siya, Ma’am.”
“Pero nakita kong gumalaw ang daliri niya,” pilit niya.
“Involuntary muscle movement.”
Malungkot siyang tumango. Akala pa naman niya ay magiging na ang kanyang papa. “Gusto ko sanang magtagal pa nang kaunti. Pwede ba?”
“Sige po, ma’am.”
Pinagmasdan niya ang ama. Malaki ang pagkakahawig nito at ni Lolo Alfonso. Parehong guwapo sa madaliang deskripsyon. Lamang ay mas malambot ang bukas ng mukha ng kanyang ama kesa sa lolo niya. Bakit nga ba hindi ay seryoso lagi sa buhay ang matanda habang ang papa naman niya ay likas na ang pagiging happy-go-lucky.
They also both have the same imposing prominent nose, na masuwerteng minana din niya. In fact, kahit medyo malaki ang pagkakaiba ng anyo nila ni Yumi ang hugis ng ilong nila ang makakapagsabing mula sila sa angkan ng mga Banal.
“Tell me, Papa, are your other daughters got your nose, too?” she asked aloud. Sino kaya ang mas kamukha nila? Ang mga nanay nila o ikaw? I got your nose but I got mama’s color and beauty. At huwag kang kokontra dahil ikaw mismo ay nabighani sa ganda ni Mama. Alam mo Papa, kahit maganda si Aunt Carrie, hindi magpapatalbog si Mama sa kanya. She wouldn’t be Estrelle Diaz for nothing. She’s the same classy woman you knew when you were seventeen. I’m sure marami pa ring nanliligaw sa kanya hanggang ngayon. Ayaw na lang siguro niyang makipagrelasyon pa uli. Masaya naman kami sa bahay. Lagi siyang nakabantay kay Angel.
“You know what, Papa, Angel is also a beauty queen in the making. Parang mas mana pa nga siya kay mama kesa sa akin. Palagi siyang dinadala ni Mama sa mga mall shows, madalas nasasali siya sa modelling. Madalas din may lumalapit na talent scout, inaalok siya magpa-VTR. She liked the idea pero wala siyang tiyaga na pumila. Minsan nag-try sila ni mama na magpa-VTR, inip na inip siya. Ang tagal daw pala maghintay.
“She also excels in school, Papa. Angel is the kind of student that I was not. Ang sipag niyang mag-aral. At ang bilis niyang matutuhan ang lesson niya, that’s why she still got a lot of time to learn some more. Naisip ko ngang isama sana siya kaya lang may pasok siya sa school. Hindi papayag si Mama na matagal siya ma-absent. Saka sa sitwasyon ngayon, sa palagay ko saka ko na lang papadalawin dito sa iyo si Angel.”
Hinagod niya ang kamay ng ama. “Papa magpagaling ka na. May sakit pa si Lolo. I’m sure palagi pa ring nag-aalala sa iyo si Lolo kahit na inaalagaan ka din dito. Iba yung magigising ka, Papa. I really hope you hear me. Please, Papa. Sana magising ka na.” Dinampian niya ito ng magaang halik sa pisngi. “I love you, Papa.”