Matatanaw sa bubongang salamin ang bilugang buwan kasama ang mga talang kumikislap. Nakatingala lang si Gresyons a buwan sa pagkaupo niya sa sulok na nakasandig sa malamig na dingding. Tumatama ang liwanag ng buwan sa mga mag-aaral na nakaupo sa sahig. Nasa harapan ng klase ang gurong si Elle na tinuturo kung paano palakasin ang espirituwal na enerhiya sa pamamagitan nang pagmuni-muni. Nakapikit ang mga mata nito't nakapahinga ang mga dalawang kamay sa nakabaluktot na tuhod. Nagliliwanag ang buong katawan nito sa madilim na bahagi ng silid. Wala ang atensiyon niya rito dahil hindi siya interesado. Sapagkat natutunan niya na ang paraan na tinuturo mula sa librong binigay sa kaniya ng ahas. Samantalang ang mga kamag-aral niya ay namamanghang nakatingin dito. Sa pagmulat ng mata ni Elle nata

