Mariin siyang pinagmasdan ni Odeo na para bang nais sabihin nito sa kaniya na nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Sa pagkawala nga ng puting tigre, nagbalik ang katahimikan sa paligid. Hindi na siya nito nausisa pa sa pagbalik ng grupo ni Han sa tagpuan. Sumama kaagad ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Odeo na hindi rin naman nila pinagkaabalahang bigyan ng pansin. Hinayaan na lang nila ang mga ito sa kinatatayuan ng mga ito. Pinagmasdan na lamang ng mga ito ang itsura ng tagpuan na gulong-gulo. Hinanap pa ng mga ito ang iba pang mga mag-aaral na siya ring pagbalik ng ilan matapos masiguradong wala na nga ang mabangis na hayop. Makikita sa mukha ng mga mag-aaral ang kaunting takot na naiwan kaya lalong nagtaka ang grupo nina Han. Nadagdagan lang ang sama ng tingin nito sa

