Hinihila ng dalawang kayumangging kabayo ang karwaheng dala ng manglalakbay. Nabubungan ng tela ang karwahe't nakataas ang sarang kurtina sa hulihan. Sumakay silang dalawa ng binatang prinsipe sa loob nito habang si Jayme ay naroon sa unahan na siyang nagpapatakbo sa kabayo hawak ang lubid. Tinahak ng karwahe ang mabuhanging daan paalis ng bayan kung saan naroon ang tinigilan nilang istasyon. Nag-iiwan ng alikabok ang mga bilugang gulong na pinalala ng katamtamang bilis na pagtakbo ng mga kabayo. "Ano ba talagang sadya mo kina Mara? Sabihin mo na sa akin," wika ng manglalakbay nang pinili nitong lumingon sa kaniyang kinauupuan sa gawin kanan nito. Kaharap niya ang kinauupuan ng binatang prinsipe na nasa kabilang gilid ng karwahe. "Hindi pa nga puwede. Maririnig mo rin naman kapag nakarat

