Kabanata 41

2060 Words

Naisip niyang mayroon pang ibang rason kaya bumagsak siya sa klase nang araw na iyon. Hindi niya masasagot ang sariling katanungan dahil sa hindi niya naman alam kung paano tumakbo ang isipan ng guro. Dala ang bagay na iyon sa kaniyang isipan naglakad siya pabalik sa kakahuyan nang mapatunayan niya sa guro na hindi siya nagkamaling tumulong. Tahimik pa rin sa kakahuyan kaya naririnig niya nang malinaw ang paghuni ng mga ibon at mga kaluskos na ginagawa ng mga hayop na naroon. Balak niya sanang tumakbo nang makabalik siya kaagad kung saan sila inipon ng guro ngunit hindi niya naituloy nang makarinig siya ng pag-uusap. Hinanap niya ang pinagmulan niyon habang maingat na nagtatago sa likuran ng mga punong-kahoy. Nahanap niya rin naman ang mga nag-uusap sa likuran ng malaking puno. Sumuksok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD