Sa laklas ng pagtawa ng lalaki nakaramdam na rin si Greyson ng galit para rito. Kahit saan nga rin naman siya pumunta mayroon mga taong halang ang kaluluwa. Pinagmasdan niya si Odeo na napuno ng galit na mapapansin sa panginginig ng kamay nito. Wala na itong inaksaya pang mga sandali. Sumugod na ito patungo sa tatlong na nakabalabal habang pinalilipad ang mga espada patungo sa mga ito. Nagkahiwalay ang tatlo sa pagkalat nito sa mga espada. Tumalon sa iba't ibang direskiyon. Dahil sa galit ng binata nabuhos ang atensiyon nito na mahabol ang mga kaaway imbis na mayroong gawin sa bangkay. Tinalon ni Odeo ang lalaking mayroong bakal ang panga nang magpalabas ang binata nang malapad na espada. Hinarap naman ito ng kaaway sa paghugot nito sa sariling espada na nakasukbit sa tagiliran nito. Nag

