Mataas na ang araw nang mga sandaling iyon ngunit hindi mainit ang paligid dahil sa humaharang na maninipis na mga ulap sa kalangitan. Nakadagdag pa rito ang pag-ihip ng malamig na hangin na isinasayaw ang mga punong sa paligid. Maririnig pa rin ang paghuni ng mga ibon, ito ay isang musika na ang kalikasan lamang ang makakagawa. Ilang dipa mula sa huling hanay ng puno ay ang mataas na bangin kung saan matatanaw ang umaanggulong ilog. Hinati ng malinaw na umaagos na tubig ang kalaparan ng kakahuyan sa lambak sa ibaba patungo sa kabundukan na namumuti ang tuktok dahil sa mga niyebe. Hindi alam ni Greyson kung ilusyon lamang ang senaryong nakikita niya pagkarating nila sa bakanteng lupa bago ang bangin. Imbis na pakaisipan pa kung alin ang hindi totoo, binaling niya na lamang ang kaniyang at

