Kabanata 49

2037 Words

Pinagpasalamat niyang hindi siya inusisa ng ahas na likas rito. Sapagkat kahit alam nitong marami dapat itong malaman pinipili nitong huwag siyang tanungin. Sa kaunting pagtulak niya sa karayom, tumunog na nga ang posas sa kaniyang paa. Inalis niya ang posas na wala nang iba pang sinasabi sa ahas. Gumapang naman ang ahas patungo sa kaniyang balikat. Lumapit siya sa rehas na bakal na minamasahe ang namumula niyang pupulsuhan. Inilabas niya ang isa niyang kamay nang magawa niyang maipasok sa butas ng rehas ang karayom. Bahagya siyang nahirapan sa kaniyang ginagawa ngunit sa hinidi niya pagtigil nagawa niya na ring mabuksan ang rehas sa pagpitik ng kandado nito. Gumawa ng ingay ang rehas sa pagtulak niya rito palabas. Hinayaan niya lamang na nakabukas iyon sa kaniyang paglipat ng kulungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD