Kinatutubuan ang mababang bundok ng mga mayayabong na punong tuwid. Isinasayaw ng banayad na pag-ihip ng hangin ang mga sanga't dahon na siyang naging dahilan kaya maya't maya'y maririnig ang pagyangitngit. Umaalingawngaw ang yangitngit hanggang sa paanan ng bundok kung saan nagkatipon ang mga mag-aaral. Mistulang tinatawag ng kalikasan ang napapatingalang ilang mga mag-aaral na umakyat na paitaas ng bundok. Nagsasabi ang bundok na iwanan ang karamihan nang malaman ang kagandahan ng kabundukan sa nakalutang na lupain. Sumisilip ang ibang mga matataas na naglalakihang mga bato sa pagitan ng mga punong kahoy na kasamang bumuo sa kabuuang lupa ng bundok. Ang pagyangit-ngit sa paligid ay nahaluan ng pag-iyakan ng mga ibon habang lumilipad ang mga ito nang paikot sa pinakatuktok. Walang naka

