Dinala siya ng tinig ng ahas sa harapan ng higanteng puno na siyang naging sentro ng kakahuyan. Sa ibaba pa lamang ay nasaksihan niya ang pagharap ni El sa lalaking natatakpan ang mukha ng maskarang bungo ng usa't nakasuot ng purong itim. Nagpapakawala ang lalaki ng mga pana sa pagkatayo nito sa malaking sanga sa gawing kaliwa niya. Mabilis namang nagbabago ng laki ang ahas upang hindi ito matamaan. Lumalampas na lamang ang mga pana't tumatama sa mga sanga na nagdulot sa pagkabali ng mga ito. Isinangga niya ang kaniyang kamay sa mukha sa pagbagsak ng mga nasusunog na sanga. Mistulang naging ulan ang mga naglalarong dahon sa hangin na tuluyang nagiging abo. Hindi makalapit ang makamandag na ahas sa bilis ng paggalaw ng lalaki. Habang abala ang lalaki sa pagsugod sa ahas, hindi niya pinata

