Take time to read this
"Bawal po kayo dito tay." Pagsuway ng isang staff kay papa. Mamimili lang naman ito ng bago kong isuusot na tsinelas pero tumawag na ng guard ang nasabing staff. Nasa labas ako ng mall pero rinig na rinig ko sila at kung paano nila pandirihan ang aking ama.
"Napag-utusan lang po ako pasensiya na." Paghingi ng tawad ng guard habang nakasunod sa aking ama.
"Pasensiya na anak ah." Malungkot nitong saad habang ginugulo ang aking buhok. Agad ko naman itong niyakap habang pinipigil ang aking paghikbi. Agad naman akong napatingin sa mall na pagbibilhan sana ni papa ng bago kong tsinelas. Alam ko kasing nasasaktan siya dahil sa trato ng ibang tao sa kaniya dahil pilit siyang tinataboy na para bang may nakakahawang sakit.
"Papa saan ka pupunta?" Tanong ko ng bigla bumitaw ito sa aking pagkakayakap. Pigil ang aking paghinga habang nakatingin sa isang batang babaeng niligtas nito sa kapahamakan.
"Papa ayos kalang ba?" Tanong ko rito pero hindi ito nagsalita. Nakadilat ang kaniyang mata habang nakatingin sa kalangitan. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ng batang babae sa aking likuran pero agad ko itong tinatabig. Dahil hindi naman nito maiibsan ang sakit na aking nararamdaman.