Larawan

203 Words
"Itigil na natin 'to!" Sigaw ko habang nasa likuran mo. Mabilis na nagbago ang reaksyon mo. Ang kaninang masaya mong mukha ay napalitan ng pagkadismaya. Na tila ba binagsakluban ng langit at lupa. "Anniversary natin ngayon! Pero gusto mong makipaghiwalay?" Tanong mo sa akin pero nagmamatigas parin ako. Ayaw lang kitang masanay na nasa tabi mo ako kaya ginagawa ko 'to. Dahil alam ko na kapag nawala ako, ikaw ang lubusang maaapektuhan sa pagkawala ko. Kaya kahit na labag sa aking kalooban ay humakbang na ako papalayo at sa bawat hakbang na ginagawa ko ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Tila may isang bagay na pinagsisisihang gawin. Dahil sa pag-alis ko ay hindi manlang kita nayakap ng mahigpit. Dahil sa isang kurap lamang ay nabalitaan ko na lamang ang iyong pagkawala. Umiyak ako. Oo umiyak ako! Mahal ko hindi ko alam na ganito ang dulo. Kung maari lang akong humiling ng isang pagkakataon ay iyon ang gagawin ko. Pero paano? "Paano kung ang hihilingin ko ay mapakaimposibleng magkatotoo? hindi ko inaasahan 'to "Hindi ko inaasahan na sa larawan nalang pala kita makikita." Bulong ko habang hawak-hawak ang larawan ng babaeng aking sinisinta habang pinipigilan ang pagpatak ng aking nga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD