Chapter 6

2000 Words
Set Saturday Morning Inabala ko ang sarili ko sa mga paper works na nakatambak sa harapan ko. Ilang slide pa ang kulang. Ilang graphs pa ang kailangang ayusin. May meeting kami sa Monday, at bilang department head, hindi ako pwedeng pumalpak. Kahit Sabado. Kahit pagod. Hindi ko alam kung trabaho lang ba talaga ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon o sinusubukan kong iwasan ang isipin na, in a few hours, haharapin ko na naman ang mga Guzon. Kasama si Ellison Gabrielle Guzon. Ellison. Ni hindi ko alam kung paano ko siya dapat kausapin. O kung gusto ko ba talagang kausapin siya. Pero pinili ko 'to. Ako ang pumili nito. "Anak," tawag ni Mama mula sa likod. Hindi ko agad siya narinig sa una. Mas pinili kong ibabad ang sarili ko sa trabaho sa ilalim ng lilim ng punong narra sa likod-bahay — ang paborito kong spot tuwing gusto kong mapag-isa. May dala siyang juice at dessert. Inilapag iyon sa harap ko. Naupo siya sa kabilang upuan. "Bakit hindi mo muna ipahinga ang araw mo? Saturday ngayon, 'di ba?" malumanay niyang tanong. Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "May kailangang tapusin lang po, Ma. May presentation kami sa Monday. Bagong client." Tumango siya, pero hindi siya umalis. Ilang segundo ng katahimikan, bago siya muling nagsalita. "Anak... pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Napatigil ako sa pagta-type. Dahan-dahan kong isinara ang laptop. "Tungkol saan po, Ma?" tanong ko habang inaabot ang juice. "Tungkol sa kasal. Zionne... anak, kung nahihirapan ka, hindi huli ang lahat para umatras. Alam kong gusto mo kaming mapasaya ng Papa mo, pero hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa isang bagay na hindi ka sigurado." Sa totoo lang... gusto ko sanang umiyak. Pero hindi ko na kaya. Ubos na ata ang luha ko noong gabi pa lang na tinanggihan ako ni Ellison — sa harap ng buong pamilya. Pero heto ako. Nakatayo pa rin. Nilunok ko ang pride ko. Dahil... mahal ko siya. "Ma," nagsimula ako, pinipilit ang sarili kong tumingin sa kanya. "Gusto ko po ito. Gusto kong magpakasal kay Elli." Tila may kirot sa mga mata ni Mama. "Anak... nakita ko kung paano kanya tiningnan noon, para bang wala kang halaga." "Ma, okay lang. Kasi hindi ko naman balak ang pilitin siyang mahalin ako. Pero kung sakaling dumating 'yung araw na... matutunan niya rin ako, hindi ba't sulit 'yon?" Tumango si Mama, pero hindi na siya muling nagsalita. Ako na ang tumapos: "Kung darating man po ang panahon na masakit na 'yung pagmamahal ko sa kanya... ako mismo ang lalayo. Pangako." ⸻ Kinahapunan Mensahe mula kay Addison. Addie: "Sorry, di ako makakasama tonight. Biglaan 'yung flight ko to Bangkok. Magso-stock ako para sa boutique." Napailing ako, pero hindi na ako nagulat. Sanay na akong hindi siya sumasama sa ganitong mga okasyon. Ako: "Okay lang. Ingat ka. Alam mo namang sanay na ako." Addie: "I'll bring you something nice, promise 😘" ⸻ Pagdating ng gabi, nagbihis ako ng maayos. Simple lang. Beige satin slip dress, blazer, loose curls sa dulo ng buhok. Classic. Elegant. Controlled — gaya ng nararamdaman ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung para kanino ba talaga ang effort na 'to. Sa sarili ko? Sa pamilya ko? O... para kay Ellison? Pagbaba ko ng kwarto, naroon na sina Mama at Papa. Tahimik kaming naglakad papunta sa kotse. Si Papa ang nagmaneho. Sa loob ng sasakyan, walang nagsalita. Tahimik. Parang lahat kami may kinikimkim. Nakarating kami ng hotel ng ligtas at halos hindi nag uusap. Pagbaba namin, ramdam ko agad ang lamig ng hangin — at ang init sa dibdib ko. Pinagmasdan ko sandali ang kilalang hotel. Classy. Mamahalin. Sa labas palang kitang kita na kung gaano ito kaelegante. Nauna nang pumasok sina Mama at Papa. Nang biglang tumunog ang phone ko. "Ma, Pa—mauna na po kayo. Sagutin ko lang 'to." Tumango sila at naglakad papasok. Nakatayo ako malapit sa entrance at sinagot ang tawag. Sumagot ako. "Hello?" "Sorry, Zionne, alam kong gabi na," sabi ni Ma'am Klea. "Pero gusto ko sanang ipa-draft 'yung project natin for Monday." ramdam ko yung aligaga sa boses niya. Napatawa ako sa sarili. Lagi nalang siyang ganito kapag may mga important client kami. "Okay lang po, Ma'am. Actually, may draft na po ako. Hindi ko lang po naisend kanina." sabi ko sa kanya. Punong puno ng assurance. "Thank you. Lagi kang maaasahan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka pa. Thanks Zionne." Ngumiti ako kahit mag-isa lang ako. "Don't worry, Ma'am. Andito lang po ako palagi. If you need me, just call me." Pagkababa ng tawag, ibinalik ko ang phone sa bag ko. Huminga ako nang malalim. Composed. Calm. Confident. Nang naglakad na ako papasok, may biglang sumabay sa akin. "Hindi pa nga tayo kasal, pero parang may tinatago ka na agad." Napatigil ako. Tiningnan ko siya. Si Ellison. Nakasuot ng puting polo na naka-roll ang sleeves, black pants, at 'yung pamilyar na half-smirk sa mukha. Nagsimulang kumulo ang dugo ko. "Excuse me? Anong ibig mong sabihin?" "Tumawag ka pa habang papunta sa dinner natin. Nakakahiya naman, baka meron ka nang ibang kausap na mas gusto mo." Napairap ako. "Boss ko 'yon, FYI. Wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo." "Really? Boss? Sa weekend?" Huminga ako nang malalim, pinipigilang sumabog. "Alam mo, Ellison, kung gusto mong maniwala sa kung anong gusto mong isipin, go ahead. Hindi kita pipigilan." Naglakad ako nang mas mabilis. Pero naabutan pa rin niya ako. "Zionne, wait," tawag niya. I stopped and faced him. "If you're going to insult me with your baseless accusations, go ahead. I won't stop you. And I won't explain anything to you—dahil hangga't hindi pa tayo kasal, wala akong obligasyong magpaliwanag." Mariin kong pahayag. His expression shifted. I couldn't read it. Hindi ko alam kung nainsulto ba siya, galit, o nadismaya. I didn't know—and honestly, I didn't really care. Yes, I love him. But that doesn't mean I don't have my own pride. Pinapangako ko, sa loob ng pagmamahal ko para sa kanya, hindi ko dapat makalimutan ang sarili ko. He said nothing. Kaya iniwan ko siya at naglakad papunta sa private room kung saan nakabook ang dinner. Pagbukas ko ng double doors, naabutan kong nag-uusap ang mga magulang namin. Kasama rin ang dalawang panauhin na sa tingin ko ay mga lolo't lola nina Ellison. "There you are," bungad ni Tita Lucy habang nakangiti. I couldn't help but smile back. "Sit down, iha," malambing niyang anyaya. Pero bago ako umupo, naglakad muna ako papunta sa dalawang matanda. They were looking at me intently—pero walang bahid ng paghuhusga sa mga mata nila. Nagmano ako. "Good evening po," magalang kong bati. Lumawak ang ngiti ng dalawa. "Ang ganda-ganda mo namang bata, tapos ang bait at magalang pa. Your parents must be so proud of you," sabi ng ginang, nakangiti. "Thank you po." "Nana. You can call me Nana. 'Yan ang tawag sa akin nina Elli at Addie." "Thank you po, Nana," sagot ko, sabay ngiti. Niyakap niya ako. "No, thank you. Thank you for accepting my grandson. Alam kong hindi siya madaling mahalin dahil sa ugali niya, pero tinanggap mo siya." Bulong niya habang yakap pa rin ako. "It's my dream to see my grandson marry a good woman. And I know it's you, Zionne." Pagkatapos ng yakap niya, umupo na ako sa tabi ng mga magulang ko, pilit pinapakalma ang puso kong binabagyo ng damdamin. "So, how are you, Zionne? Kumusta ang trabaho?" tanong ni Tito Adriano habang inaayos ko ang sarili sa pagkakaupo. Medyo kabado ako pero pinilit kong ngumiti. Wala pa si Ellison. "Medyo busy lang po," sagot ko habang sinusubukang hindi ipahalata ang kaba sa tinig ko. "May bagong project po kasi kaming inaasikaso para sa isang bagong client. Pero so far, so good naman po. Hindi naman po mahirap katrabaho 'yung team ko, kaya nakakagaan din po." "That's nice. I heard you're already a department head after just a year? That's impressive, huh?" May bahid ng paghanga sa boses niya. Napakagat ako sa loob ng pisngi. I hate attention. But I smiled, politely. "Hindi rin po madali," sagot ko sabay iwas ng tingin. "Pero grateful po ako sa tiwala ng boss ko." "Anong line of business nga ulit ang trabaho mo?" singit ni Tita Lucy habang inaabot ang juice. "Beauty products po." "Wow. Kaya pala ang ganda-ganda ng skin mo. May mare-recommend ka ba from your company na puwede kong gamitin?" Napatawa ako ng mahina. "Naku, Tita, sa ganda n'yo po niyan, I don't think you need beauty products. You're already a beauty. Kaya nga po kayo mahal na mahal ni Tito, eh." Nagtawanan silang lahat. Ilang sandali, ramdam ko ang tension sa katawan ko unti-unting lumuluwag. Okay, Zionne. You're doing fine. Hindi ka outsider dito. I can feel the warmth. The ease. Sa totoo lang, hindi mahirap pakisamahan ang pamilya Guzon. They're charming. They're kind. Parang pamilya. Parang— "How about me, iha?" biglang singit ni Nana. "Puwede din ba ako sa beauty product na 'yan? Gusto ko rin maging kasing ganda at kasing kinis mo." Napatingin ako sa kanya. I smiled. "Nana, I don't think you need it. You're way more beautiful than anyone of us here po." Napakunot ang noo niya, kunwaring hindi naniniwala. "You're just joking me." "Of course not," sagot ko sabay hawak sa kamay niya. "Ikaw po ang pinakamagandang lola sa buong mundo." And just like that, everyone laughed again. It was light. It was real. Parang... normal lang. Parang hindi ako pinilit sa isang kasalang ayoko. Until the door opened. "Did I miss something?" Tumigil ang mundo ko. Everyone turned. At nandoon siya. Nakasuot ng puting long sleeves, walang ngiti, walang emosyon sa mukha. A typical Ellison. "Elli, apo! Come here. Maupo ka na, we're waiting for you," masayang paanyaya ni Nana. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bakit dito pa talaga? Ramdam kong nanigas ang katawan ko. Hindi ako makalingon. Hindi ako makagalaw. Bakit ba ako laging natutulala kapag siya na ang kaharap ko? Tahimik ang paligid. Parang nahulog ang lahat sa awkward silence. "Pwede na atang ipaserve ang pagkain," basag ni Tito Adriano sa tensyon. Nagka-tinginan ang lahat at sabay-sabay na tumango. Habang inaayos ang mesa, unti-unti nang pinagusapan ang kasal. That word again — kasal. Na parang sinasaksak ako sa bawat banggit. "The wedding will be set next month. Is it okay with you two?" tanong ni Tito. Bago pa ako makasagot, narinig ko na siya. "I have an out-of-the-country business trip next month." Just like that. Walang emosyon. Walang pakiramdam. Parang walang kausap. Nagkatinginan ang mga matatanda. "Maybe we can move it earlier, before your trip, Ellison? What do you think?" What? Earlier? Napalunok ako. Ramdam ko ang biglang lamig sa palad ko. "Hindi ba... parang ang bilis naman po ata kung ngayong buwan na po?" I blurted out, pilit na mahinahon ang tono. "I mean... di ba po medyo mabusisi ang paghahanda tungkol sa kasal?" Lahat sila napalingon sa akin. I felt my throat tighten. "Kung sabagay, may point ka, Zionne," ani Tito. "Then we can move it two months or beyond—" "I'm okay with it. Before I go to the business trip," singit ni Ellison, malamig pero matatag. Like it's final. Walang konsulta. Walang konsiderasyon. What? "What?" muntik ko nang sabihin ng malakas pero napigilan ko ang sarili. Napatingin ako sa kanya, pero hindi siya tumingin pabalik. Bakit parang minamadali mo? "What do you think, Zionne? We can handle everything," tanong ni Tita Lucy, nakangiti pero ramdam kong sinusukat ako. Napayuko ako. Ito na ba talaga 'yon? A month from now? Ikakasal ako sa taong hindi ko pa rin lubos na kilala? Sa taong halos di ko kausap, na parang laging malayo ang loob sa akin? Hindi ko alam na puwede pala itong mangyari — na ang isang buhay ay kayang baguhin sa isang buwan. "Okay po," bulong ko. And with that, may pwersang biglang humigpit sa dibdib ko. Para akong nalunod sa sarili kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD