Chapter 5

2361 Words
Busy Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang sabihin sa mga magulang ko na hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal. Gusto ko nang wakasan ang lahat ng ito—ang pagkukunwari, ang pag-asang baka sakaling may patutunguhan pa. Pero kahit gaano ko na gustong bumitaw, may bahagi pa rin sa puso kong ayaw sumuko. May parte sa akin na umaasa... na baka sakali, baka sakaling magbago pa ang tingin sa akin ni Ellison. Hindi pa man ganap na sumisikat ang araw, maaga akong pinuntahan ni Mama sa kwarto ko. "Anak, papasok ka ba today?" mahinahong tanong niya, kasabay ng maingat na pagkatok sa pinto. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Parang may bumabalot na ulap sa buong katawan ko, hindi lang dahil sa pagod kundi dahil sa bigat na kinikimkim ko araw-araw. "Opo, Ma," sagot ko habang pilit binubuhay ang sarili ko para bumangon. Alam kong hindi ito ang tamang araw para hindi pumasok. Kahit mas gusto ko pa sanang manatili sa kama at hayaang lamunin ako ng katahimikan, may trabaho akong kailangang gampanan. Nag-iipon ako. May mga plano pa ako sa buhay na hindi pwedeng hayaang matabunan ng emosyon. Nag-shower ako at nagbihis ng pormal—cream trousers paired with a crisp white sleeveless top, at nilagyan ko ng beige na blazer. Professional pero elegante. Hinawi ko ang buhok ko at tinali sa isang simpleng messy bun. Walang make-up, kundi kaunting lip tint at pressed powder. Sa araw na 'to, sapat na 'yon. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang nakahandang baon sa lamesa. Hindi talaga nagbabago si Mama. Simula pagkabata, lagi niyang sinisigurado na may baon akong pagkain, kahit gaano pa ako katanda. Isa 'yon sa mga bagay na hindi ko inaamin pero labis kong pinahahalagahan. "Good morning, Ma," bati ko habang umupo sa hapag-kainan. Tahimik akong nagsimulang kumain ng tinapayan at itlog habang si Mama naman ay nakatingin lang sa akin, wari'y may gusto pang sabihin. Muli akong tumingin sa wristwatch ko—7:45 AM. Sakto lang. 8:30 ang pasok ko, at wala namang traffic kapag maaga akong umalis. ⸻ Pagkatapos kumain, hinalikan ko sa pisngi si Mama bilang pamamaalam. "Ingat ka, anak," paalala niya. "Ingat din po kayo dito sa bahay, Ma." Lumabas ako at dumiretso sa garahe. Nandoon ang silver SUV na binili ko mula sa unang bonus ko bilang Department Head. Ako na mismo ang nagmamaneho, mas gusto ko ng may kontrol ako sa oras at galaw ko. Habang nagda-drive palabas ng subdivision, may nag-pop na notipikasyon sa Viber. Mula kay Ellison. Ellison Guzon: "Thanks for the food, yesterday. But please, stop sending it. Hindi ko din naman kakainin. Sayang lang." Natigilan ako. Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa screen ng cellphone na nasa phone holder ng kotse. Wala akong sagot. Wala rin akong lakas para magpaliwanag o magdepensa. Ayoko ring umiyak habang nagmamaneho. Pero ramdam kong parang may pumulupot sa lalamunan ko. Gusto ko lang naman siyang alagaan, kahit papaano. Gusto ko lang maipakita na mahalaga siya. Pero paulit-ulit niya akong tinutulak palayo. ⸻ Pagdating ko sa building ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko, agad akong lumiko sa reserved parking space ko—malapit lang sa main entrance. Pagbaba ko ng kotse, agad akong sinalubong ng receptionist na si Jella. "Good morning, Ma'am Zionne!" "Good morning," tipid kong sagot habang inaayos ang bitbit kong laptop bag at handbag. Pagpasok ko sa elevator, may ilang staff na sumabay at agad bumati rin. "Good morning po, Ma'am Zionne!" bati ng dalawang marketing associates. "Morning." Isang pormal na ngiti lang ang isinagot ko. Wala pa rin ako sa mood makipag-kuwentuhan. Pagbukas ng elevator sa 12th floor—Marketing Department—lahat ng mata ay napatingin sa akin. Ganoon talaga. Bilang Department Head, sanay na akong maging sentro ng tingin ng buong team. May halong respeto, may halong takot. Pero wala akong panahon para sa mga assumptions nila ngayon. "Good morning, Ma'am," bati ni Carla, ang executive assistant ko, habang inabot sa akin ang schedule ng meetings ngayong araw. "Thanks. Paki-follow up 'yung client meeting sa 3PM, ha. And confirm kung tuloy ang Zoom call with the creatives team." "Noted po, Ma'am." Pumasok ako sa loob ng opisina kong may glass walls. Malinis, maaliwalas, at minimalist ang design. Nilapag ko ang mga gamit sa desk at umupo saglit, habang humihinga ng malalim. Pinikit ko ang mga mata. Hindi pa rin ako handang magpakasal. Pero hanggang kailan ko pa kakayanin 'to? Tumunog muli ang Viber. Isa pang mensahe mula kay Ellison. Ellison Guzon: "Don't forget the dinner with my parents this Saturday. Formal." ⸻ Hindi ko alam kung anong mas mahirap—ang trabaho bilang Marketing Head o ang araw-araw na pagharap sa katotohanang hindi niya ako kayang mahalin. Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang hum ng aircon at ang click ng mouse habang binubuksan ko ang laptop. Sinubukan kong ituon ang pansin ko sa trabaho—sa mga campaigns na kailangan i-finalize, sa brand strategies na kailangang i-present, sa mga team evaluations na overdue na sa table ko. Pero kahit anong pilit, hindi ko mabura sa isip ko ang huling mensahe ni Ellison. "Thanks for the food, yesterday. But please, stop sending it. Hindi ko din naman kakainin. Sayang lang." Napakuyom ang kamao ko. Pinilit kong huwag paiyakin ang sarili ko ngayong maaga pa lang. Hindi ito ang tamang lugar para magpaka-sentimental. Hindi rin ito ang panahon para maging mahina. Isa akong department head. May mga tao akong umaasa sa akin. May buong team akong kailangang i-lead. Maya-maya, kumatok si Carla sa salamin ng pinto. "Ma'am, pa-check po ng draft ng campaign para sa Torres Group. Nasa shared folder na rin po 'yung mock-ups from creatives. Also, waiting na po si Sir Allen sa meeting room for your 9AM briefing." Tiningnan ko ang relo ko. 8:57 AM. "Okay. Bigyan mo ako ng two minutes, susunod ako," sagot ko. Pagkaalis ni Carla, tumayo ako. Kinuha ko ang iPad ko at ang folder ng kliyente. Huminga ako ng malalim sa harap ng salamin na nasa gilid ng opisina ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko—ayaw man aminin, kita sa mata ko ang pagod at sakit na pilit kong tinatago. "Kaya mo 'to, Zionne," mahina kong bulong sa sarili habang inaayos ang blazer ko. Lumabas ako ng opisina at agad na nagtungo sa meeting room. Pagpasok ko, nandoon na ang ilan sa mga team members at si Allen, isa sa senior strategists ng department. Tumayo sila sa pagdating ko. "Good morning, everyone. Let's sit and get started," sabi ko habang umupo sa head ng mesa. Agad namang nag-umpisa ang presentation ni Allen. Pinapakita niya ang overview ng proposed campaign para sa isang high-end skincare brand na bagong client. Pinilit kong makinig, tumango, magbigay ng inputs. Nilalabanan ko ang sarili kong gustong mawala sa focus. "Ma'am Zionne, do you think the 'Everyday Luxe' concept aligns with the client's premium yet minimalistic image?" tanong ni Allen habang ipinapakita ang visuals ng mock ad. Tumingin ako sa screen at tumango. "Yes, I like the direction. But let's refine the tagline. Gusto ko ng mas emotionally anchored line—something that speaks to the experience of luxury, not just the look. Ask creatives to explore that." "Copy, Ma'am. I'll relay it right away." Patuloy ang meeting. Isa-isa kong tinignan ang feedback, at sa bawat input na binibigay ko, mas lalo kong nararamdaman ang contrast ng dalawang mundo ko—isa akong competent Marketing Head na may boses, may respeto, may say sa lahat ng desisyon. Pero sa personal kong buhay, para akong wala ni isang kapangyarihan. Para akong invisible. Para akong obligasyon na lang kay Ellison. Pagkatapos ng meeting, bumalik ako sa opisina at naupo sa swivel chair ko. Pumipintig pa rin ang ulo ko. Kinuha ko ang tumbler ko at uminom ng tubig, pilit na pinapakalma ang sarili. Tumunog ang phone ko. Addison calling... Napatingin ako sa screen. Pinag-isipan ko kung sasagutin ko ba o hindi. Kapatid siya ni Ellison. Kaibigan ko. Alam ko nang may kutob na siya. Pero hindi siya 'yung tipong titigil hangga't hindi niya nakukuha ang totoo. Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. "Hello?" "Zionne," mahina pero buo ang boses niya. "Okay ka lang ba? I saw your Viber status kagabi... 'Pagod na.' Tell me the truth. Is this because of Eli again?" Napatingin ako sa glass wall ng opisina ko at pumikit. "Hindi. Stress lang sa trabaho," pagsisinungaling ko, kahit alam kong hindi siya basta-basta naniniwala sa ganyan. "Zionne, please. Don't do that. I'm not just Ellison's sister—I'm your friend too, remember?" Tumigil siya saglit bago nagsalita ulit. "Kung siya lang din ang dahilan kung bakit ka unti-unting nauubos, then I'd rather stand with you than defend him." Tahimik lang ako. Hindi ko masagot agad. Ang sakit pakinggan, lalo na't alam kong totoo. "He told me to stop sending food. Alam mo 'yon?" mahina kong tanong, halos pabulong. "Sabi niya sayang lang daw. Hindi rin naman daw niya kakainin." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Addison sa kabilang linya. Mabigat. Halatang nasasaktan din siya para sa akin. "I'm sorry, Z." May kirot sa tono niya. "Kapatid ko siya, pero mali siya. Hindi mo deserve 'to. Hindi ganyan magmahal. You don't give your heart to someone only to be treated like you're invisible." Huminga ako nang malalim, pilit pinapanatiling kalmado ang boses ko. "Addie, please... Ayoko munang pag-usapan. Nasa office ako." "Okay..." sagot niya, mahinahon. "Pero promise me you'll talk to me later. Don't carry this alone." "I will." 'Yun lang ang nasabi ko bago ko ibaba ang tawag. Pagkababa ko ng telepono, tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang palad. Hindi ko na napigilan. Isang luha ang tumulo mula sa mata ko. Mabilis kong pinunasan, parang walang nangyari. Pagkatapos ng dalawang oras na meeting, lumabas ako ng conference room dala ang hawak na folder. Papasok na ako sa opisina ko, tuloy-tuloy lang ang lakad, kahit ramdam kong unti-unti nang sumasakit ang ulo ko sa dami ng iniisip. Pagdaan ko sa hallway, ilang staff ang bumati, pero tipid lang ang ngiti ko. Hindi ako sanay magpaka-plastik, pero sa mundong ito, minsan kailangan. "Ma'am Zionne, good morning po." "Good morning," sagot ko pabalik, sabay tango. Pagpasok ko sa opisina ko, isinara ko agad ang pinto at muling naupo sa swivel chair ko. Tila ba ang katahimikan ng silid ang tanging bagay na pumipigil sa pagbagsak ko. Ibinaba ko ang folder sa mesa at hinubad ang blazer ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, saka tumingin sa screen ng laptop. May limang unread emails, tatlong pending approvals, at isang reminder sa calendar: "Dinner with Guzon Family – Saturday, 7PM." Parang tumigil ang mundo ko sa isang iglap. Pinakatitigan ko ang notification. Ang dinner. Ang engagement. Ang kasal. Mga bagay na araw-araw kong pinipilit tanggapin, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang maunawaan kung paano ako napasok sa ganito. Bumukas ang pinto ng office ko—si Carla, bitbit ang kape at ilang dokumento. "Ma'am, here's your coffee. Also, these are for signature. May we proceed with the press budget request for Q4?" Tinanggap ko ang kape, at bahagyang tumango. "Yes. Tell finance to review the media spend before final approval. And Carla..." napatingin ako sa kanya, bahagyang napahinto. "Ma'am?" "Paki-resched ang call ko with the Singapore team. Move it tomorrow. I need... a bit of breathing room today." "Noted po, Ma'am." Lumabas na siya at muling nagsara ng pinto. Muling tumahimik ang paligid. Uwian na. Sa wakas, natapos din ang nakakadraining na araw sa trabaho. Ilang sunod-sunod na meetings, hindi matapos-tapos na revisions, at paulit-ulit na feedback mula sa kliyente—pakiramdam ko ay piniga na ako ng buong maghapon. Imbes na dumiretso pauwi, nagdesisyon akong dumaan muna sa isang coffee shop. Kailangan ko ng konting pahinga, kahit isang oras lang na tahimik na sandali para makahinga bago muling harapin ang mga responsibilidad. Kailangan ko ng kape. At tahimik na espasyo. Pagpasok ko sa café, sinalubong ako ng aroma ng freshly brewed coffee at ang mahinang tugtog ng acoustic music sa background. Medyo madilim na rin sa labas, at ang malamig na ihip ng hangin na pumasok sa pintuan ng café ay nagdala ng konting ginhawa. Tumingin ako sa menu kahit kabisado ko na, at umorder ng Salted Caramel Macchiato—pampatanggal-stress—at isang slice ng moist chocolate cake para may kasama ang kape. Bitbit ang tray, hinanap ko ang isang bakanteng mesa na medyo malayo sa entrance. Napili ko ang spot sa sulok, malapit sa glass window kung saan kita ang mga ilaw ng mga sasakyang dumaraan. Tahimik sa bahaging ito ng café, at tamang-tama lang ang ambience para makapag-focus. Pagkaupo ko, binuksan ko agad ang laptop at binuksan ang file mula sa huling meeting kanina. Project timelines, marketing strategy drafts, at ilang client requests na kailangang i-revise muli. Another long night, bulong ko sa sarili. Gusto ko lang matapos na ito para bukas, kahit paano, may konting ginhawang madadala. Habang nagta-type, napabuntong-hininga ako. Ilang beses ko nang ini-edit ang deck na 'to, pero laging may kulang. Laging may kailangan pang baguhin. At sa totoo lang, hindi lang ito ang iniisip ko. Habang nakatitig sa screen, bigla kong naalala ang isang bagay na mas mabigat pa sa trabaho—ang kasal. Oo, ang kasal na hindi pa man nagsisimula, pero ramdam ko na ang bigat. Wala pa man akong nahahawakan na checklist. Wala pa man akong napipiling date, venue, o kahit dress. Pero naroon na agad ang pressure. Mula sa pamilya. Mula sa mga inaasahan. At mula sa katotohanang... hindi ko pa rin sigurado kung gusto ko ba talaga 'to. Humigop ako ng kape. Mainit, matamis, at may bahagyang alat mula sa caramel. Paborito kong combination. Sa bawat lagok, tila unti-unting kumakalma ang puso ko. Kahit sandali lang. Hindi ko alam kung anong mas nakakapagod—ang trabaho o ang tahimik kong pakikipaglaban sa sarili ko tungkol sa mga bagay na hindi ko pa rin kayang harapin. Tumingin ako sa glass window. Sa labas, abala pa rin ang mundo. Sa loob ng café, naroon ako—nakaupo, nagkakape, nagtatrabaho. At habang pinipilit kong mag-focus sa work revisions ko, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili... Hanggang kailan ko kaya itong gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD