Chapter 4

1460 Words
Ignore Pinipigilan ko ang sarili kong humagulhol. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng pamilya ko. Dahil alam ko, sa oras na makita nila akong ganito—basag, marupok, umiiyak—baka magbago pa ang desisyon nila. Baka hindi na nila ituloy ang kasal. Pero ako, gusto ko. Gustong-gusto ko. Hindi dahil sa obligasyon. Hindi dahil sa utos. Kundi dahil sa kanya. Kay Ellison. Pagpasok ko ng bahay, una kong naamoy ang pabango ni Mama—laging amoy bulaklak at kapayapaan. Pero sa loob ko, isang bagyong ayaw tumigil. "Anak," tawag niya sa akin. Bahagyang lumambot ang tinig niya. Marahil napansin niya ang pamamaga ng mata ko, ang kabigatan ng lakad ko. Napatigil ako saglit. Ngunit hindi ko magawang lumingon. Kung lilingon ako, baka bumigay na ako. No, Ma. Please... not right now. I already made a decision. "I'm okay, Ma. Ang mahalaga, di pa naman niya dinidecline ang possibility of this marriage," I said, trying to sound calm. Strong. But my voice cracked at the edges. Mabilis kong tinahak ang hagdan, pumasok sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Yakap-yakap ko ang unan, pilit nilulunok ang lahat ng sakit. Ellison... alam kong hindi mo ako gusto. Hindi pa ngayon. Pero gagawin ko ang lahat para lang matuloy ang kasalang ito. ⸻ Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi para pumasok sa trabaho. Hindi para magpahinga. Kundi para puntahan si Ellison. Kailangan niya akong marinig. Kailangan niya akong makita. Pagbaba ko, nadatnan ko si Mama sa kusina, abalang naghahain ng almusal. "Morning, Ma," bati ko sabay yakap mula sa likod. Halik sa pisngi, kunwaring masaya. Kunwaring buo pa ako. Napalingon siya sa akin. "Ang aga mo, anak. Wala kang pasok?" Umiling ako, ngumiti ng pilit. "Nag-leave po ako." Napatigil siya. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Bakit? May sakit ka ba?" sabay dampi ng palad niya sa noo ko, tapos sa leeg. Napatawa ako, kahit ang totoo gusto ko nang umiyak. Marahan kong inalis ang kamay niya. "Wala po, Ma. May pupuntahan lang po ako." "Sigurado ka bang wala kang sakit?" ulit niya, this time mas seryoso. Meron, Ma. Hindi mo lang alam. Hindi dito sa katawan. Dito, sa puso. Dito, sa damdamin ko na pilit kong nilalabanan. "Ma, sigurado po ako," I replied, steadying my voice. "Concern lang ako sa'yo, anak. Lalo na sa nangyari kagabi..." Mahinahon ang boses ni Mama, punung-puno ng pag-aalala at pagmamahal. Para akong binasag. Ma, kung alam mo lang kung gaano ko gustong itago ang lahat sa ngiti ko. "Last night? Huwag na po nating isipin 'yon. Nabigla lang siguro si Ellison. Pero, I know he's not backing out of this marriage. Alam kong hindi siya gano'n." Tahimik si Mama. Parang may gustong sabihin. Pero nauna na ako. "Ma, tulad ng sinabi n'yo ni Papa—Ellison will take care of me. I know he will." Pero ang totoo? Hindi ko alam. Wala akong kasiguraduhan. Kahit sarili ko, hirap na akong paniwalaan na magiging maayos ang lahat. Pero gusto kong subukan. Gusto kong sumugal... para sa kanya. ⸻ Nagpaalam ako kay Mama. Bitbit ko ang lunch box na niluto ko para kay Ellison. Hindi ko alam kung matatanggap niya. Hindi ko alam kung papapasukin ako sa firm nila. Pero kailangan kong subukan. Nagsuot ako ng pastel sleeveless top, ipinares ko sa high-waist shorts, at puting sneakers. Maaliwalas. Magaan. Parang wala akong pinagdadaanan. Nag-book ako ng Grab para iwas traffic. Tinext ko si Addie, kaibigan ko at kapatid ni Ellison, para itanong kung nasaan ang exact location ng office niya. Grabe, sa tagal ng hindi naming pagkikita ni Ellison, halos wala na akong alam tungkol sa kanya. Parang estranghero ulit kami. Pagtigil ng sasakyan, bumungad sa akin ang mataas na gusali. Moderno. Matikas. Katulad ni Ellison. Hindi na bago sa akin ang ganitong set-up dahil corporate din ang work ko, pero iba ang kabog ng dibdib ko ngayon. Iba ang tensyon sa dibdib ko. Paglapit ko sa entrance, agad akong hinarang ng guard. "Saan po ang punta niyo, Ma'am?" Ngumiti ako. Calm, girl. I raised the lunch box. "I'm here to send food to your boss." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tapos napailing. "Sino po ba kayo, Ma'am? Asawa? Girlfriend? Kasi sa dami pong nagdadala ng pagkain kay Sir Ellison, hindi na po namin alam kung sino po ang totoo." Nanlaki ang mga mata ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. What? Marami? Nagdadala? Sa kanya? Imposible. Walang girlfriend si Ellison. At kahit na wala pa kaming label, kami ang engaged. Kami ang ipapakasal. "Nagkakamali po yata kayo, Kuya. Hindi po magagawang tumanggap ng fiancé ko ng pagkain mula sa iba." Tumaas ang kilay ng guard. "Fiancée? Pero bakit ngayon lang po namin kayo nakita dito, Ma'am?" At doon ako tuluyang natigilan. Natuyuan ng laway. At unti-unting sumagi sa isip ko— Fiancée nga ba talaga ako? O ako lang ang pumayag sa isang kasalang siya mismo ay tinatanggihan nang palihim? Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lang ako sa guard habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong mag-panic. Fiancée nga ba talaga ako? O ako lang ang humahawak sa pangakong wala namang kumpirmasyon mula sa kanya? Pakiramdam ko biglang lumamig ang paligid. Hindi dahil sa aircon ng gusali, kundi dahil sa mga salitang narinig ko mula sa guard. Mga salitang parang punyal na dahan-dahang inuukit sa puso ko. "I—uh..." nilunok ko ang kaba, at pinilit ngumiti kahit na nanginginig na ang mga kamay ko. "Bagong arrangement lang po. Kaya ngayon lang ako nagpakita." Bahagyang tumango ang guard, pero halatang duda pa rin. "Pakisabi na lang po kay Sir Ellison na narito si Zionne," dagdag ko, halos pabulong. "Sabihin mong... may dinala lang akong lunch." Umiling ang guard. "Sorry po, Ma'am, pero policy po ng kumpanya na kailangan may appointment. Bawal pong basta-basta na lang pumasok ang visitor. Pwede ko pong tawagan ang secretary niya kung gusto niyo." Tumango ako, kahit ang totoo, gusto ko na lang umalis. Gusto ko nang ibalibag ang lunch box at sabihing bakit ako pa ang humahabol? Pero hindi. Pinili kong lumaban, at tatapusin ko ito nang buo. "Okay lang po," mahinahon kong sagot. Habang tinatawagan ng guard ang secretary, pinilit kong ayusin ang ayos ko. Pinunasan ko ang pawis sa leeg, inayos ang buhok, pinakalmado ang sarili. Pero ang puso ko—nandoon pa rin, kumakabog nang todo. Parang binabayo ng kaba, ng takot, ng rejection. "Ma'am?" tawag ulit ng guard. "Sabi po ni Ma'am Lyra, hindi raw po available si Sir Ellison ngayon. May closed-door meeting daw po buong umaga. Pwede daw po kayong mag-iwan na lang ng message o pagkain." Napayuko ako. Closed-door meeting. Totoo ba? O ayaw niya lang akong makita? "Ah... ganun ba..." Pilit kong tinatago ang pagkadurog. "Okay po. Pakibigay na lang po ito sa kanya, please." Iniabot ko ang lunch box, habang pilit na pinapatigas ang boses ko. "Noted po, Ma'am. Sasabihin ko pong galing sa inyo." "Salamat." Humakbang ako palayo. Pilit na hindi lumilingon. Hindi nagpapakita ng kahinaan. Pero habang papalayo ako sa lobby ng gusali, mas lalo kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Parang ang bawat hakbang ay pabigat nang pabigat. Hindi niya ako hinarap. Hindi man lang siya bumaba para tumingin sa akin. Hindi niya ako pinaglaban. Wala man lang kahit simpleng—'Pasok ka muna.' Pagdating ko sa labas, sakto namang dumating ang Grab na tinawag ko pabalik. Pag-upo ko sa likod, saka tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Tahimik lang akong umiyak. Hawak-hawak ang strap ng bag ko habang pinagmamasdan ang paglalakad ng mga taong walang kamalay-malay sa pighati ko. Sa pagdududa ko sa sarili. Sa tanong na paulit-ulit na umuukit sa isipan ko: Zionne, kailan ka matututong huwag maghintay sa taong hindi ka kayang salubungin halfway? ⸻ Pag-uwi ko, tahimik akong dumiretso sa kwarto. Hindi ko na kinaya ang pa-casual na pakikitungo. Ayokong maramdaman ni Mama na walang nangyari. Ayoko nang magkunwari. Pag-upo ko sa kama, binuksan ko ang phone ko. Wala pa ring text mula sa kanya. Wala ring missed call. Kahit isang "thank you." Niyakap ko ang tuhod ko at ipinikit ang mga mata. Ellison Gabrielle Guzon... bakit mo ako pinipiling iwasan? Ako na nga 'to. Ako na nga ang lumalapit. Ako na ang sumusuyo. Hindi ba sapat 'yon? May narinig akong katok mula sa pinto. Tok. Tok. "Zionne?" si Mama. "Okay ka lang, anak?" Hindi ako sumagot. Hinawakan ko lang ang unan at tinakpan ang mukha ko. "Anak, gusto mong kumain?" tanong niyang muli. Marahan. May lambing. Huminga ako nang malalim. "Mamaya na lang po, Ma," sagot ko sa mahina kong tinig. "Okay. Basta... nandito lang ako, ha?" Narinig kong umalis siya sa tapat ng pinto. Naiwan akong mag-isa. Sa tahimik kong kwarto. Sa magulong isipan. At sa unti-unting pagkalas ng pangarap na binuo ko para sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD