Stacy's POV
Umaga na, ngunit narito pa rin ako sa balcony, hindi ako tinatablan ng antok e. Matapos kong mag break down kagabe sa nakumpirma ko, nandito ako naglagi.
Pinanuod ang pag-akyat ng haring araw. Ilang oras na akong nakaupo sa gilid, nasisinagan na rin ako ng araw ngunit hindi ko pa rin magawang umalis man lang sa kinauupuan ko.
Para bang tamad na tamad akong kumilos.
Ngunit naalala ko 'yung sinabi ko kay Dos na ipagluluto ko siya, kaya naman kahit nanghihina ako ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo.
Naglakad ako papuntang banyo at napagpasyahan mag halfbath, hindi naman kase ako puwedeng maligo dahil sa wala akong tulog.
Saglit lang akong nag-ayos at napagpasyahan ko ng umalis, ako nalang ang pupunta sa kaniya, doon na lang siguro ako magluluto at magpapahinga.
Ayoko na muna isipin ang lahat, I wanna enjoy everything, sooner or later, puwede sa akin mawala ang lahat ng bagay na kinatatakot ko.
Walking distance lang naman 'yung pagitan ng condo namin ni Dos, siguro fifteen to twenty minutes ang paglalakad.
Habang naglalakad ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaisip, sa totoo lang, kanina pa ako nag-iisip ng nag-iisip, hindi ako mapakali sa takot kong malaman kung anong magiging reaksiyon niya...
Tatanggapin niya kaya? Knowing him, he would not accept it, but the fact that I still hope that he would accept this.
Malalim akong napabuntong hininga, kasabay ng pagbalik ko sa wisyo ay napagtanto kong nasa building na ako ng condo ni Dos.
He gave me a duplicate key, siguro ay tulog pa siya.
Maliit akong napangiti sa isiping iyon.
Kaya naman ay nagpatuloy ako sa paglalakad.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 15th floor, nandon kase ang room niya.
Tahimik lamang akong nakatitig sa kawalan. I don't understand myself, para bang may kakaiba sa pakiramdam ko.
Hindi ko maipaliwanag kaya naman ay napagpasyahan kong ipagsawalang-bahala na lamang.
Maya-maya pa ay bumukas ang elevator kaya naman mabilis akong lumabas, room 207 siya e, hmmm we'll see.
Inisa-isa ko ang bawat door kaya naman ay nakita ko ang 207, hindi na ako nagpasiyang kumatok malamang na tulog pa siya.
Bago ko tuluyang buksan ang pintuan ay malawak akong ngumiti, ayokong malaman niya na umiyak ako o wala akong tulog.
Nakangiti akong pumasok sa condo niya. Hmmm, ang ganda pala, halata mong pang mga may pera talaga e.
Mabilis akong naglibot ng paningin, ngunit naudlot ang pagmumuni-muni ko ng makarinig ako ng humihikbi.
Kaya naman ay sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon, biglang kumabog ng mabilis ang puso ko, kinakabahan ako.
Hanggang sa madala ako ng paa ko sa living room, and there I saw them.
Dos is hugging a girl.
Para bang tumigil ang oras sa paligid ko, sumikip ng sobra ang dibdib ko, hindi ako makahinga, sunod-sunod akong napa-atras.
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanila, habang inaalo niya ang babaeng nasa bisig niya.
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mga mata, sobrang sakit... Sobrang bigat sa dibdib, kinakapos ako ng hangin.
Kaya naman ay dahan-dahan akong napa-paypay gamit ang kamay ko, ngunit sa kakaatras ko ay may nasagi ako, dahilan para magdulot iyon ng ingay.
Natigilan ako, natuod ako sa kinatatayuan ko ng bigla ay maagaw ko ang atensiyon nila.
Para bang slow-mo siyang napatitig sa akin, nagkatitigan kami, and my eyes telling how I feel betrayed, seeing your man hugging another girl makes your heart tear into pieces, sobrang sakit.
“B-Bonita...” gulat niyang sambit.
“A-Ahm... Haha, S-Sorry... Naabala ko yata kayo, p-pasensiya na.” pilit kong pinatatag ang boses ko habang sinasabi ko ang mga katagang ito.
Mapakla akong napatawa kasabay ng pagpunas ko sa luhang umalpas sa aking mata.
Mabilis siyang tumayo at akmang pupunta sa akin ng bigla siyang hilahin ng babaeng yakap-yakap niya.
“S-Stay... Dos, please...” malat ang boses na sambit nito. Nagmamakaawa niyang sambit kay Dos.
I witnessed it all at sobrang sakit...
There's no reason for me to stay here, the more I stay here the more I feel the heaviness on my heart.
Kaya man kahit nahihirapan ay pinilit ko ang sarili ko na maglakad palayo, palabas sa silid na ito.
Nanginginig ang buong kalamnan ko, nanginginig ang buong katawan ko.
Hirap na hirap akong tumalikod, sa bawat hakbang ko paalis sa lugar na ito ay naramdaman ko ang bigat.
“f**k, Stacy wait!” rinig kong sigaw ni Dos ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
My mind were clouded by the thoughts of him having another woman.
Or... Am I the other woman?
Sunod-sunod akong napaiyak sa mga naiisip kong posibilidad, totoong sinasaktan ko lang ang sarili ko ngunit paano kung totoo ang lahat ng naiisip ko?
Hindi ko kaya...
Napatakip ako sa aking bibig, pinipigilan ang sarili na gumawa ng kahit na anong ingay. Mabilis akong nakasakay sa elevator, napayuko na lamang ako.
Kasabay ng pagyuko ko ay ang pag-abot ng kung sino sa akin ng panyo
Sandali kong nilingon kung sino ito, “Take it, looks like you need it.” matipid niyang sambit.
Kaya naman kinuha ko iyon at mabilis na tinuyo ang basang-basa kong mukha dahil sa aking luha.
“T-Thank you...”
Hindi sumagot ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo, ngunit parang nakikilala ko siya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
Ngunit pinalis ko na iyon sa aking isipan, gusto kong makauwi. Sa bahay mismo namin.
Kaya naman pagkababa ko ay mabilis akong naglakad palabas ng building na iyon.
Ngunit sa gulat ko ay nakita ko si Dos sa harapan ko, hingal na hingal na humarang sa dinaraanan ko.
___________
Dos's POV
“f**k, Zelle let go of me.”
“Dito ka lang, Dos--”
Mabilis kong inalis ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kamay ko.
“Bitiwan mo ako, Zelle. f**k, that's Stacy. Ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano, kaya kung ayaw mong magwala ako mismo ngayon rito, bitiwan mo ako. I need to go after her and explained everything.” gigil kong sambit.
Dahan-dahan naman siyang bumitaw. “Umalis ka na sa Condo ko, you have your own house. Don't stay here, well if you want, I'll give it to you. Sa iyo nalang.”
Sambit ko kasabay ng mabilis kong pagtakbo palabas. f**k, anong ginagawa niya rito? Damn it.
Biglang pumasok sa isipan ko na ipagluluto niya pala dapat ako, my mistake is I gave my duplicate key to her.
Fuck. I'm so f****d now.
“Bonita!” malakas kong sigaw ngunir hindi niya ako nilingon, mabilis siyang sumakay sa elevator, kaya naman mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.
But it's too late, nagsara na ang elevator at kahit anong pindot ko ay hindi na ito magbubukas pa.
Kaya naman ay mabilis kong tinahak ang hagdan pababa, tumakbo na ako, f**k, nasa 15th floor lang naman ako. Tanginang buhay 'to, sa susunod ayoko ng kumuha ng room sa itaas. Much better kung second floor lang.
Hinihingal na ako ngunit hindi ko magawang tumigil sa isipan na baka makaalis na ng building si Stacy. Kailangan ko pang magpaliwanag sa kaniya.
Hanggang sa makarating ako ng ground floor.
Mabuti na lamang at natanaw ko pa ang bulto niya kaya naman ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo, mabilis akong humarang sa kaniyang daraanan.
Hingal na hingal akong napatitig sa kaniya.
“B-Bonita...”
She cried. I can see it on her eyes. Hinawakan ko ang kamay niya.
“Bitiwan mo ako, Dos. Ayokong makarinig ng kahit na ano mula sa bibig mo.”
“Bonita...”
“O gusto mong maging baliw ako at magwala rito?” walang emosiyon niyang sambit.
Ngunit kahit na gano'n ay hindi ko pa rin siya binitawan.
“L-Let me explain, please... Bonita, please...”
“A-Ano pa bang ipaliliwanag mo? Nakita na ng mga mata ko, Dos. Hindi ako bulag, hindi mo na kailangang magpaliwanag, 'cause it explains it all, lahat ng nakita ko.”
“It's not that--”
“Wala na akong pakielam!” inis niyang sigaw.
Kasabay ng pagtitig niya sa akin, she's mad. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Kasabay ng matatalim na titig niya ay ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
“G-Gago ka!” umiiyak niyang sambit.
Kaya naman ay mahigpit ko siyang niyakap. “B-Bonita... Please, hindi 'yon sa gano'n, please... Let me explain... Please...”
Malakas siyang humikbi kaya naman mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
Mariin akong napapikit kasabay ng paghinga ko ng malalim,tinakbo ko lang naman mula 15th floor hanggang ground floor.
Akala ko okay na ang lahat ngunit mabilis siyang nagpumiglas.
“Bitiwan mo sabi ako, Dos!”
Ayoko siyang bitiwan ngunit siya itong nagpupumilit at nagpupumiglas.
Wala akong balak na bitiwan siya ngunit nagpumiglas siya ng sobra dahilan para mapaupo siya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya.
“Bonita! Are you okay? Bakit ba kasi nagpupumilit ka...” nag-aalala kong sambit.
Wala akong nakuhang sagot, kaya naman ay napatitig ako sa kaniya, wala sa akin ang atensyon niya.
Kung hindi sa kaniyang...
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, a blood...
“M-My baby...” she then whispered.
Napatulala ako, napanganga ako sa narinig.
She was crying while holding her tummy.
“Bonita...”
Sye slowly turned her gaze on me, hanggang sa mawalan siya ng malay.
“Bonita!” pagyugyog ko sa kaniya ngunit hindi na siya nagising pa.
Kaya naman ay mabilis ko siyang binuhat, mabilis akong tumakbo ngunit maingat ang bawat paghakbang ko papunta sa aking sasakyan.
_________
“Kamusta siya Doc?” kinakabahan kong tanong.
Mabuti na lamang at mabilis akong nakapunta sa pinakamalapit na hospital.
“She's fine but the baby inside of her is not...”
Napaawang ang labi ko sa gulat, “W-What?” nanginginig ang boses kong sambit.
“She's seven weeks pregnant, hindi siya nakatulog magdamag?”
“Po?”
“Overfatigue. She's exhausted. Masama sa bata na nasa sinapupunan ang ginagawa niya sa sarili niya, for now she's safe and the baby, is safe too.”
Napahinga ako ng maluwag sa narinig. “She need to take a rest, maselan ang pagbubuntis ng misis mo, Sir. So kailangan ng doble ingat. Kailangan ng extra care, delikado sa kaniya ma-stress, see what happened to her now, pwede iyang maulit. And much worse, puwede siyang makunan.”
“Maraming salamat Doc,”
“I suggest na mag start na siyang mag pa-check up, regularly sa OB-Gyne, she needs it. Lumalaki ang bata sa tiyan niya, kailan ng mamonitor at malaman ang lahat ng vitamins na kailangan nilang mag-ina.”
“Yes, Doc.”
“Remember, bawal ma stress si misis. Hangga't maari, huwag mo siyang bibigyan ng isipin na makakasama sa kaniya, it's not healthy for her.”
“...”
“I'll give a vitamins for her para mas mapabilis ang pag recover niya, painumin mo siya at pagpahingahin mo, madaming bawal sa buntis lalo at sobrang sensitive ni misis.”
“Thank you,” iyon na lamang ang aking sinambit.
Kasabay niyon ay ang paglabas ng doctor sa silid, kaya naman ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan.
Mariin akong napapikit kasabay ng pagsiklop ko sa aming kamay.
I may not be ready yet for having a child, but I can't leave her... Not now, specially that she's sensitive.
It's my fault, it's all my fault. Fuck...
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata, mabilis ko 'yong pinunasan, wala pang nakakakita na umiyak ako.
Tanging sarili ko lang, pero sa totoo lang, mabilis rin akong umiyak.
Napatitig ako sa mukha ni Stacy, napakaamo ng mukha niya, napakaganda niyang pagmasdan.
Napangiti ako habang tinititigan siya, sa pagkakaalam na siya ang magiging ina ng magiging anak ko, kahit papaano, napanatag ako, alam ko kaseng mamahalin niya at aalagaan ng sobra ang magiging anak namin.
Speaking of...
Nagkakaroon ng pagtatalo sa aking isip, hindi pa ako handa i-give up ang buhay pagkabinata ko, sa totoo lang, nasa gitna ako ng pagpapakasaya ngunit sa kasamaang palad, mukhang mapuputol.
I may not ready, yet but I am willing to face the consequences, isa pa, ginawa at ginusto ko ito.
Wala akong dapat takasan, pananagutan ko si Stacy. Haharap ako sa kaniyang magulang at opisyal kong hihingiin ang kamay niya...
To be continued...
K.Y.