Chapter 25: Triggered

2071 Words
Stacy's POV Naalimpungatan ako sa kakaibang amoy na naaamoy ko, kaya naman ay dahan-dahan akong napamulat ng mata. Sandali pa akong napa-pikit muli ng bigla ay masilaw ako. Hanggang sa unti-unting nag-adjust ang mata ko sa liwanag. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame, kahit saan ako lumingon ay kulay puti ang nakikita ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid, mabilis akong nagitla ng makita ko si Dos na nakaupo sa tabi ko, hawak-hawak ang kamay ko habang nakahiga ang ulo niya sa gilid ng kama. He looks so tired, mukhang wala siyang tulog. Malungkot akong napangiti kasabay ng dahan-dahan kong paggising sa kaniya. “Dos...” mahina kong bulong kasabay ng dahan-dahan kong pagyugyog sa kaniya. “Dos,” muli kong sambit ng hindi siya magising. Patuloy ko siyang niyugyog kasabay ng dahan-dahan niyang pagmulat ng mata, dahan-dahan siyang nagpalinga-linga sa paligid. Hanggang sa mapunta ang tingin niya sa akin, sandali pa siyang napatitig ngunit ng mapagtanto niyang ako ang kaharap niya ay kaagad na nanlaki ang mga mata niya. “Bonita...” gulat niyang sambit. “Ayos ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? May nararamdaman ka bang kakaiba? Nagugutom ka ba?” sunod-sunod niyang pagtatanong. Hindi ko alam kung tatawa ba ako or what dahil sa sunod-sunod ang pagtatanong niya. “Isa-isa lang...” mahina kong sambit. Napatitig ako sa kaniya ngunit ng mapagtanto ko ang lahat ng nangyari ay napayuko na lamang ako. “Bonita...” “Where am I?” pagtatanong ko sa kaniya. “You're in the hospital,” Kaagad nanlaki ang mga mata ko at hysterical na nag-react ng maalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. “W-What happened to me? M-My baby? H-how was my baby? D-Dos--” “Shhh, Shhh... Calm down, Bonita... Shhh...” mahina niyang bulong Dahan-dahan itong lumapit sa akin kasabay ng dahan-daha niyang pagyakap sa akin. Sunod-sunod akong napaiyak sa kaniyang mga bisig sa takot na mawala ang baby sa aking sinapupunan, hindi ko pa nga siya nakikita e... I can't afford to lose my baby... Inalo lamang ako ni Dos, hindi siya gumawa ng kahit na ano, patuloy niya lang akong niyakap at dahan-dahan na hinahaplos ang aking likuran upang ako ay tumahan. Hanggang sa unti-unti akong kumalma. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap niya. “D-Dos... 'yung baby natin?” nangingig ang boses kong sambit. “Shhh, calm down... Bonita, the baby is okay,” mahinahon niyang sambit. Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib sa aking narinig, maluwag akong napahinga ng malalim. “Thank god...” mahina kong bulong habang sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mata. “Bonita...” “D-Dos... I-I'm sorry... H-hindi ko alam na buntis pala ako...” “Shhh, you don't need to be sorry, pareho nating ginusto 'yon, pareho nating ginawa.” “B-But--” “Alam ko ang iniisip mo, Stacy, but don't you dare na ipalaglag iyang bata sa sinapupunan mo,” “I-I won't...” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko, kasabay ng pagtitig niya sa akin. “Magkasama nating haharapin ang magulang mo, haharapin ko ng buong tapang, Stacy...” “D-Dos...” hindi makapaniwala kong sambit. “I want to meet your mother and officially introduce myself with her, and I'll introduce you to my family.” Gumapang ang kaba sa aking katawan. Mabilis na tumibok ang aking puso. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng pangamba. “D-Dos... H-hindi ba nila ako ayawan?” nag-aalala kong tanong sa kaniya. Mahina siyang natawa kasabay ng pagpisil niya sa aking ilong. “Silly, mabait ang pamilya ko, Stacy...” “P-Paano kung hindi nila ako magustuhan? Hindi naman ako mayaman--” “My family isn't like that, Stacy, kung ano man ang naiisip mo, hindi 'yon gano'n.” Napakagat-labi ako, “I-I'm sorry...” nakayuko kong sambit. Sandali niyang pinisil ang aking kamay na kanina niya pa hawak-hawak. “Don't worry, they will like you. Sa akin nga pumasa ka, sa kanila pa kaya?” pagbibiro niya. Napangiti ako ng bahagya. “Stacy, look at me,” he then said kasabay ng pagtitig ko sa kaniya. “I may not a perfect guy for you, I have a lot of flaws and imperfections, but I want to be a best father to our baby,” “Dos...” “I may not ready yet, aaminin ko, hindi pa talaga ako handa at napangungunahan ako ng takot at pangamba, but I want to face everything with you, Stacy... With our baby too...” Hindi ko alam kung bakit ako nagiging emosyonal, dahil ba sa mali ako ng inisip sa kaniya? Napagkakamalan ko pang iiwanan niya kami, but look at him now. I must say that he's already grown up man. “I want to be with you, Stacy... Forget our past and let's start a new life with our baby, I'll fix everything. Iiwanan ko lahat.” Sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa aking mga mata. “I-I'm so sorry, Bonita... If I hurt you, again and again, I am sorry... P-pasensiya ka na, I was a jerk to you, I hurt you many times, at ang kapal ng mukha kong humarap pa sa iyo sa kabila ng mga pananakit at panlolokong nagawa ko sa iyo...” “D-Dos...” basag ang boses kong sambit. Kasabay ng paghawak ko sa kaniyang pisnge. “I am sorry,Bonita... W-Wala akong maidadahilan sa iyo, lahat kasalanan ko, pati 'yung p-pagdudugo mo, kasalanan ko lahat... Napakasama kong tao, wala ka namang ginawa kung hindi ang pasayahin ako at mahalin, but here I am, sinasaktan ka ng paulit-ulit...” “...” “Paulit-ulit kitang ginagago habang paulit-ulit mong tinatakpan ng pagmamahal lahat ng pagkukulang na nagagawa ko sa iyo. Slap me, punch me... Saktan mo ako, deserve ko lahat 'yon Stacy... L-lahat tatanggapin ko, please... Just please, huwag mo lang akong iwanan, huwag mong ilayo sa akin ang bata... Pananagutan kita, kahit na hindi pa ako handa,” “...” “Ngunit handa akong panagutan ka, I will take full responsibility for this,” Umiiyak akong napayakap sa kaniya. I really love him, dahil kahit ilang beses niya akong nasaktan, paulit-ulit ko pa rin siyang patatawarin, dahil alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Kahit nga hindi pa siya magpaliwanag e, napatawad ko na siya. Gano'n ko siya kamahal, kahit pa sarili ko ay nasasaktan. “S-Stacy...” umiiyak niyang sambit. Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Kaya naman dahan-dahan ko iyong pinalis. “Shhh,” pag-alo ko sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagpapatahan sa kaniya. Dahan-dahan ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit. “Shhh, Dos... It's okay, naiintindihan kita.” “H-Hindi, Stacy... N-Nasaktan kita, hindi ko deserve na intindihin mo, paulit-ulit kitang nasasaktan.” “W-Wala na akong pakielam doon, Dos... Mahal kita e...” “Bonita...” “Hindi ka pa nahingi ng tawad, napatawad na kita, Dos... Gano'n kita kamahal,” “I don't deserve this,” “So, sinasabi mong hindi mo ako deserve?” “N-No... That's not what I mean, I-I mean, god... What did I do to have you in my life? I'm a lucky bastard, Stacy... Gago ako e, masamang tao ako e.” “Shhh, Don't say that.” “P-Pero 'yon ang totoo...” “What do you mean?” kunot-noo kong sambit. “S-Stacy...” “Dos, What do you mean?” Hindi niya nagawang masagot ang tanong ko. “Dos...” “yung nakita mo sa condo...” Bigla niyang sambit dahilan para bumalik sa alaala ko ang lahat ng nakita ko sa lugar na iyon. Mabilis na nangingig ang aking katawan, bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko nung mga panahong iyon. “Bonita...” nag-aalala niyang sambit. Dahil nagsimulang bumilis ang t***k mg puso ko, hinahabol ko ngayon ang aking paghinga. Sunod-sunod akong napahinga ng malalim. “Stacy... What's happening on you? Stacy!” rinig kong sambit niya. But I'm doing my best to catch my breath. Sunod-sunod akong napahinga ng malalim, mabagal at dahan-dahan. Habang si Dos naman ay hindi mapakali na nakahawak sa kamay ko habang hinahaplos ang aking likuran. “I-I'm sorry... I shouldn't bring it out... I'm sorry, Baby... I'm so sorry...” rinig kong paulit-ulit niyang sambit. Naninikip ang dibdib ko, dahan-dahan akong napahawak sa aking dibdib kung saan nakaramdam ako ng kirot. Madiin akong napahawak sa aking dibdib. Habang napatitig sa kawalan, ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa aking mga mata. “Stacy... f**k!” Kita ko ang pagtakbo ni Dos palabas,“Help! My girlfriend! Help!” rinig kong sigaw niya. Habang ako ay sunod-sunod na napahinga ng malalim, hinahabol ang aking paghinga. Rinig ko ang bawat yabag ng paa ng nagtatakbuhan palapit sa akin, nahihilo ako. Blurred sa paningin ko ang lahat, ngunit naaninag ko sila na lumapit sa akin. May kung anong ikinabit sa akin ang isang Doctor. Doon ay dahan-dahan akong nakaramdam ng pagka ginahawa na waring may umalis ng kung anong nakabara sa aking dibdib. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalma ng aking buong katawan, hanggang sa makaramdam ako ng pagod at pagkaantok ay dahan-dahan kong naipikit ang aking mga mata. I wanted to wake up, I wanted to live... Kahit sobrang masakit na. ___________ Dos's POV “What happened to her, Doc?” Kitang-kita ko ang paghaplas ng doctor sa kamay at paa ni Stacy, naninigas kase ang buo niyang katawan, kinakapos ng hininga, wala naman siyang sakit. No, wala pala siya sa aking sinabi na sakit niya, ngunit hindi ako nakatitiyak na may sakit siya o wala. Buti na lamang ay naging normal ang pag hinga niya ng bigla ay kabitan siya ng oxygen sa bibig. Kasabay naman niyon ang pagkawala niya ng malay. “Something triggered her,” Sa narinig ay mariin akong napapikit ng mata. It's my fault, again. Madiin akong napakuyom ng aking kamao, kasabay ng pagngitngit ko sa aking bagang. It's my fault... f**k. Puro sakit at paghihirap nalang ba ang maibibigay ko sa kaniya? Napayuko ako, pinipigilan ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ngunit hindi ko mapigilan. How could I hurt someone I love? Not just once, but again ang again. “Sinabi ko na sa iyo, mister, hindi puwedeng ma-stress si misis, something triggered her, that's why she panicked and that pain she's feeling inside of her, hindi niya mailabas kaya nanginig ang buo niyang katawan.” “...” “But so far, wala siyang sakit. I told you, pagpahingahin mo na muna ang asawa mo, hindi makakatulong sa kaniya kung patuloy niyong babalikan ang mga masasakit na alaala na pilit niyang kinakalimutan.” “Doc...” “I may not know about your personal problems, but I can say na kung ano man iyon ay iyon ang nagti-trigger sa kaniya sa mga ganito. Her body is reacting to her emotions, it's too much for her to handle.” Mariin akong napapikit sa mga narinig. “So please, as long as you can, don't pull the trigger that might cause for you to lose her and the baby, Sir. I'm saying this out of concern, maselan ang pagbubuntis niya, kaya lahat ng mga bagay ka posibleng maging cause ng miscarriage, please... Paki iwasan, kung ayaw mong mawalan ng anak, or much worse, dalawa silang mawawala sa iyo.” Natuod ako sa aking kinatatayuan, hindi ko kakayanin kung may mawala ni isa sa kanila, paano pa kaya kung dalawa na sila? Fuck. I can't afford to lose any of them. “I'll give her a prescription, and make sure na inumin niya lahat iyon, para sa kaniya at sa bata, please, make her happy instead, hindi ko sinasabi na kalimutan niyo kung ano man iyon, but please avoid it. Or pag-usapan niyo ng maayos, 'yung hindi siya mati-trigger, dapat Kausapin mo siya ng mahinahon at kalmado.” Sunod-sunod na lamang akong napatango kasabay ng pagtingala ko, nagpipigil na tumulo ang nababadyang mga luha na gustong bumagsak. “If you get what I mean then I got to go,” sambit ng Doctor. Kaya naman ay sunod-sunod akong napatango sa kaniya, kasabay niyon ang pag-alis niya kasabay ng dahan-dahan kong paglapit kay Stacy. Kinakain ako ng guilty at konsensya ko, dahil sa kagaguhan ko, narito siya nakahiga sa kama. Fuck, I'm f*****g useless. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD