Mga bata palang sila ay madalas na niyang makaaway ang magkapatid na Atienza. At tanging si Raymart ang taga pagtanggol niya. Masyadong matapobre at mayabang ang magkapatid na ito. Hindi niya magawa ang magsalita. Nanatili ang kanyang mga mata na nakatutok sa kasintahan na nagsimula ng tumalikod. Ngunit ganun na lang ang selos niya ng hindi pa man ito nakakalayo sa kanila ay sinundan na ito ni Janna, saka niyakap ang sariling mga braso sa leeg ng binata. No choice si Raymart, kundi hawakan ang bewang ng babae. Upang hindi siya magmukhang masama sa mga mata ng makakakita. Naiinis siya! Hanggang sa tuluyang kinain ng selos ang kanyang puso. Natauhan lang siya at nilipat ang kanyang paningin sa lalaking kasayaw ng maramdaman niya ang paghaplos at pag hapit nito sa kanyang bewang. Naiinis ma

