Sa kabila ng malalim niyang pag-iisip, naagaw ng orchids na tanim ng kanyang Ina ang atensyon niya. Hanggang sa tuluyan na siyang tumayo at lumapit dito. Ang gandang tingnan ng maliliit nitong bulaklak. Na malaya niyang pinagmamasdan sa tulong ng kaunting liwanag na nanggaling sa buwan at ng malamlam na ilaw mula sa mga poste. Hindi pa man siya nagtatagal mula sa pagmamasid sa mga bulaklak ay nararamdaman niya ang matipunong braso na yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Pabango pa lang ay alam na niya kung sino ang nagmamay-ari ng mga braso na iyon. "Ayaw mo na bang bumalik doon?" Tanong nito sa kanya, habang nanatiling nakayakap. "Dito muna ako. Hindi ako makahinga sa dami ng bisita ni Dad." Pagsisinungaling niya. Sa halip na sumagot ang binata mas lalo lang nitong hinigpitan a

