Malalim na ang gabi, ngunit nanatiling gising si Kate. Patihaya siyang nakahiga sa kanyang kama sa loob ng kanyang silid habang nakatitig sa kisame. Aaminin niyang kanina pa siya nag-aalala sa binata at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib. Umaasa siya na kapag huminto ang malakas na ulan ay darating na ito, at dito unang pupunta sa Mansion. Subalit kanina pa huminto ang ulan ay wala pa rin ito. Kahit ipikit niya ang kanyang mga mata upang piliting matulog ay hindi niya magawa. Hanggang sa mag-umpisa ng tumilaok ang mga manok palatandaan na mag-umaga na. At iyon ang dahilan ng kanyang pagpikit na parang isang pampatulog na awaitin ang kanyang naririnig. Kinabukasan, maaga pa ring nagising ang dalaga sa kabila ng kakulangan ng tulog ng nagdaang Gabi. Agad na siyang bu

