MITCH POV Nagising na lang ako sa isang halik sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko na lamang si Eugene na nakatingin sa akin at nakangiti ito. Naka bihis na siya pang alis. "Babe... ano ayos ka na? Malapit na tayong bumaba? Finally, makikita mo na rin ang ganda ng Europe." Sobrang proud ang ngiti niya. I don't know pero parang wala talaga akong nararamdaman na pagtingin sa lalaking ito. Minsan nga, ang hirap paniwalaan na naging kaming dalawa. Okay naman ang hitsura niya subalit napapatanong pa rin ako. Talaga bang pumatol ako sa kanya? Pero kasi, ang laki rin nang naitulong niya sa akin sa ngayon. Ito naman din yung dahilan kung bakit ko siya pinagkakatiwalaan. Alam ko naman hindi niya ako pagmamalasakitan kung wala talaga kaming relasyon. Sa ngayon na nawal

