MITCH POV Bago pa man kami dumiretso sa apartment na tutuluyan naming dalawa ni Alfred, dumaan muna kaming dalawa sa clinic ni Manong Silverio. Medyo maraming tao pero kami ang naging top priority niya. Marami siyang mga test na pinagawa sa akin at nakipag cooperate naman ako sa kanya. Ang sabi niya ay malala din daw ang kalagayan ko at mahihirapang bumalik ang memory ko. Sobra akong nasaktan sa narinig ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabi niyang ito sa akin. At pagpunta namin sa apartment namin, sa balcony muna ako tumambay at umiiyak habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Napansin ko na napapalibutan pala ang apartment namin ng mga puno kaya kahit papaano ay nare relax ako. Isang tapik sa kamay ang naramdaman ko. "Sorry sa mga narinig mo kanina sa doktor mo

